Sumakay ako ng may isang uber taxi ang huminto sa harap ko. Okay lang naman na magpasundo ako sa driver namin pero itong si kape ay masyadong maarte at kinuhaan pa ako ng taxi.
Tumingin ako kay manong driver nang magsalita siya. "Boyfriend niyo po ba nagbook?"
"Opo, bakit?" Sagot ko.
"Nag text po kasi siya na papakasalan ka pa daw po niya, Ingatan daw po kita." Ngumiti ito nang nakakaloko.
Nagiwas nang tingin nang maramdaman ang paginit ng pisngi ko. Nang makarating ako sa bahay ay sumalubong si mommy na nakaupo sa sofa.
Humalik ako sa pisngi niya. "Where's dad?" Tanong ko bago umupo sa tabi niya.
"May meeting kami mamayang 8:00, He's preparing." Sagot nito habang hinahaplos ang buhok ko.
Tumango naman ako bago umakyat sa kwarto ko. "I'll change clothes mom."
Nagtataka akong lumapit sa isang evening dress na nakaayos sa kama ko. Naagaw ng atensyon ko ang isang sulat katabi ang isang bouquet of roses.
Date at 7 PM :)
-your-oh-so-effin-damn-sizzling-hot-love ;)
Napailing ako habang nakangiti ng mabasa ang sulat. Mabilis akong kumilos para magayos nang mukha at maligo.
"Ma'am, Pinapatawag po kayo sa baba ng mommy niyo." Katok nang katulong sa pinto.
Inayos ko ang mahaba kong buhok at tumayo. "Sige po, Susunod na ako."
Huminga ako ng malalim at ngumiti muli sa salamin bago bumaba.
"Beautiful." Bulong ni mommy bago ako nginitian.
Napatingin kami pareho ni mommy sa pinto ng pumasok ang isang lalaki na nakasuot nang tuxedo. Lumapit ito kay mommy at humalik sa pisngi niya.
"Please do take care of our daughter, Mister." Rinig kong sabi ng isang boses galing sa likod ko.
Tumango si kape. "I will, sir." Ngiti nito.
"Dad." Humarap ako sa likod ko at humalik sa pisngi niya.
"Osige na, You both go now." Ngiti ni mommy.
Lumapit saakin si kape bago ipinulupot ang kamay niya sa bewang ko. "You are so gorgeous, love." Seryosong bulong nito.
Natawa naman ako ng bahagya. "Guys!" Sigaw ni mommy ng malapit na kami sa pinto.
Sabay kaming napalingon ni kape sa likod namin upang tignan si mommy, Umilaw ang flash nang camera ni mommy kasabay ng pag thumbs up niya.
"Why are we so formal?" Tanong ko kay kape habang nagd-drive ito.
"You are meeting my parents." Kumindat ito saakin.
Nanlaki ang mata ko sa sabi niya at halos masamid ako sa sarili kong laway. "W-What?!"
"Don't act as if ngayon mo lang makakausap si mommy." Tumaas ang kilay nito.
Oo nga, Nakilala ko na ang mommy niya dati pero iba ang sitwasyon ngayon dahil dati ay dahil iyon sa pagaaral pero ngayon ay dahil sa girlfriend niya ako.
"N-Not now, Tristan." Kinagat ko ang labi ko. "I'm not yet ready."
"There's no escape, love. You're meeting my parents on their birthday." Humalakhak siya.
"Their birthday? Sabay sila?" Tanong ko, tumango naman siya.
Naramdaman ko ang panginginig ng tuhod ko habang papalapit kami ng papalapit sa bahay nila. "Tristan, natatakot ako."
BINABASA MO ANG
She Is His Tutor
Teen FictionSi Kristine Locsin ay ipinanganak sa kilalang pamilya. Everything is perfect. Mahal niya ang pamilya niya at mahal din siya ng mga ito. Her life is simple. Nang tumibok ang puso niya doon niya nalaman na ang bawat bagay na iniingatan niya ay maaarin...