Sumunod siya sa akin habang diretso ang lakad ko pabalik sa hotel.
Before I reached the door handle of my room, hinigit niya na ang palapulsuhan ko.
"Let's talk." He said in a cold tone.
Bumaling ako sakanya at matalim siyang tinitigan. Binawi ko ang kamay ko galing sa pagkakahawak niya.
"I know you're mad at me, I know you want revenge. But, please." Nanghihina kong bulong.
"I was never mad at you, I never wanted revenge." Kumunot ang noo niya.
"Then what we're you?" Nanliit ang mga mata ko.
"I... I was just hurt." Seryoso niyang sagot.
Nanatili akong tahimik. I don't know what to say, I just don't know.
"Zara." He called.
"Chanel's waiting, go on, Tristan." Humalukipkip ako.
"Damn, after all these years, ipinagtutulakan mo pa rin ako."
"At bakit hindi? I know you love her, I'm just a pest!" Sigaw ko.
"I don't love her, no."
He tried to reach for my arm but I stepped back.
"Sinungaling!" I accused him.
Bayolente siyang humugot ng hininga bago ako hinarap. "Fine... I did like her, pero hanggang duon lang iyon."
My tears pooled my eyes. Mas masakit palang marinig kung galing sakanya mismo iyon.
"She's there for me when I was so damn heartbroken.. because of you." Pain is dripping in his tone.
"Talaga? Oh bakit nandito ka? Umalis ka na! Alis!" Tinulak ko ang dibdib niya pero hindi siya natinag, he's too strong while I'm too weak.
Umigting ang panga niya habang nakahalukipkip.
"Wag mo na akong pahirapan, umalis ka na!" Sigaw ko habang dinuduro siya.
Hindi siya nagsalita, It's like he is waiting for more but I'm done.
"It's not hard liking her back, Zara. She treated me the way I want you to treat me. Yes, gusto kong habulin mo ako, gusto kong paghirapan mo ako pero tangina, ako pa rin yung nahihirapan, ako pa rin yung nag hahabol."
Hindi ako kumibo sa sinabi niya. Nanatiling bumubuhos ang mga luha ko sa pisngi ko.
"Gusto mo siya? Edi dun ka sakanya! Nasanay ka naman na sakanya, go for her then, Tristan!"
"Nasanay? Nasanay ka, nasanay ka na wala ako! Pero ako? Hindi! Because every damn move you make, I'm watching you. Every. Damn. Move. Zara." Pumikit siya bago humilig sa pinto ng kwarto ko.
Nalaglag ang panga ko.
"Wag mo akong bolahin, Tristan. Sinusundan kita noon, I saw how your eyes shine when you're with Chanel."
Nanginginig na ang balikat ko dahil sa pag iyak. Iniisip ko pa lang lahat ng nasaksihan ko ay parang gusto kong maduwal.
Ang sweet nila kahit saan, kitang-kita ng mga mata ko ang mga ginagawa nila. He can't fool me. Madalas ay pag bubulagbulagan na lang ang ginagawa ko.
Pumapait ang pakiramdam ko tuwing iniisip ang pagdausdos ng mga kamay niya patungo sa bewang ni Chanel.
I hate getting flasbacks from things I don't want to remember!
"I saw how you flirt with each other!"
Kumuyom ang kanyang panga bago iminulat ang mga mata.
He licked his lower lip. "I know, Zara."
BINABASA MO ANG
She Is His Tutor
Teen FictionSi Kristine Locsin ay ipinanganak sa kilalang pamilya. Everything is perfect. Mahal niya ang pamilya niya at mahal din siya ng mga ito. Her life is simple. Nang tumibok ang puso niya doon niya nalaman na ang bawat bagay na iniingatan niya ay maaarin...