Chapter 48

515 10 0
                                    

Luminga ako sa malamig na kwarto ni Tristan, I'm alone. Huminga ako ng malalim bago tumayo, kailangan ko ng mag ayos dahil may mga trabaho pa akong kailangan gawin.

"Good morning." Bulong ng isang napapaos na boses sa likod ko.

Napako ako sa kinatatayuan ko, nalanghap ko ang aftershave sakanya.

"How's your sleep, love?" He asked, pumulupot ang braso niya sa bewang ko.

Lumunok ako bago pinasadahan ng daliri ang buhok ko.

"I slept well." Sagot ko, tumango pa ako.

Nag lakad ito papunta sa harap ko. "Good, let's have our breakfast, then?"

Tumango ako bago nauna ng nag lakad palapit sa lamesa kung saan may nakahanda ng mga pagkain.

Lumingon ako kay Tristan na nakahalukipkip at nakatitig sa akin habang nandoon pa rin sa pwesto niya kung saan ko siya iniwan.

"Oh?"

"My shirt and my boxer fits you, you look so hot, you should wear it often."

Umiling lang ako bago binalingan ang mga pagkain. Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya kaya naman ay inabot ko agad ang tubig at mabilis na nilagok.

Sinimulan ko na ang pagkain habang umuupo naman sa harap ko si Tristan.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya naman ay nag angat ako ng tingin sakanya.

Pinaglalaruan niya ang pang ibaba niyang labi habang nakangisi at nakatitig sa akin, ano bang problema nito?

"What?" I gave him dagger looks that made him raised his hands like he's surrendering.

"Sorry." Bulong niya halatang nagpipigil ng tawa.

Tinapos ko ang pagkain ko, nanatili akong naka upo habang pinagmamasdan siyang kumakain pa. I can't just leave him while he's still eating, that would be rude.

Nag angat siya ng tingin sa akin ng maramdaman ang paninitig ko.

"Are you done? May mga trabaho pa akong kailangang gawin, and so are you." Seryoso kong sinabi.

"Who told you that I'm going to work?" Tumaas ang kilay niya.

"At bakit hindi? You're not a tourist here." Humalukipkip ako.

Tumagilid ang ulo niya. "We're not going to work, love."

Umirap ako bago tumayo. Bayolente siyang humugot ng hininga bago ako hinarangan palabas ng pinto.

"You move or I'm gonna kick you down there." Hamon ko.

"You stay or I'm gonna kiss you." He smirked.

Tinulak ko siya ngunit hindi siya natinag.

"We need to talk." Malambing niyang bulong sa tainga ko.

"I don't wanna talk." Pilit ko siyang tinutulak ngunit hindi siya matinag.

Hinaplos niya ang pisngi ko bago inilagay sa likod ng tenga ko ang takas na buhok.

"We need to talk, love."

He kissed my cheeks gently, I froze.

"Can we talk? Hmm?" His voice was husky, wala sa sarili akong tumango.

He chuckled, hinalikan niya pa ng isang beses ang pisngi ko.

"Tristan!" I shouted, dinilaan niya ang pisngi ko!

Ngumiti lang siya sa akin bago ako hinila papunta sa balcony.

Tumuwid siya ng tayo habang seryoso ng nakatingin sa dagat.

She Is His TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon