Chapter 37

363 9 1
                                    

Bukas na ang alis ko pabalik sa Korea.

"Kristine! We missed you!" Papalapit na sigaw ng mga kaibigan ko sa table namin nina Haylee.

Bumeso at yumakap sila saakin bago ko nilagok ang dalawang shot ng vodka. Just for tonight, gusto ko munang makalimot.

"Model ka na sa Korea, right?" Tanong ng babae kong kabigan.

"Kailan ang balik ni Mars?" Usisa ng kaibigan naming may gusto kay Mars noon pa.

"I don't know, gusto niya rin maging model duon." Sagot ko.

"Talaga?" Ngumuso siya, nakita ko ang pagkabigo sa mukha niya.

Tumango at ngumiti lang ako, naagaw ng atensyon ko ang mga taong masasayang sumasayaw sa dance floor.

"Dance floor lang ako." Paalam ko sa mga kaibigan kong naiwan sa table kasama ang mga pinsan ko.

Napasigaw ako ng nagsimula ng may mga sumayaw sa likod ko. Pumikit ako habang sinusuklian ang pagsayaw nila sa harap maging sa likod ko.

"Locsin." Tumatawang sabi ng isang lalaking sumasayaw sa harap ko.

Tinignan ko ang mukha niya, isang kaklase ko noong highschool. Tuminding ang balahibo ko ng gumapang ang kamay niya sa bewang ko.

"Nakita ko ang mga ilang magazine, I was surprised when I saw your face." Mas lalo niyang inilapit ang katawan ko sakanya.

Tumawa lang ako at hindi nagabalang sumagot. I can feel the alcohol in my system, nahihilo na ako.

"Kailan ang balik mo ng Korea?" Hinaplos niya ang braso ko. I've been to bars, normal lang ito.

"Tomorrow." Simple kong sagot at mas lalong sumayaw sa harap niya na ikinatawa niya.

Hinaplos niya ang pisngi ko. "Bukas na? Wanna go somewhere?" Tanong niya, nakangisi.

"Where's that somewhere?" Pumipikit kong sabi.

"Hotel." Bulong niya sa tainga ko. "One night, Locsin."

Mabilis kong iminulat ang mata ko bago bahagyang itinulak ang dibdib niya. Nagulat siya sa ginawa ko pero mabillis ring ngumisi.

Umiling ako bago ngumiti. I'm not that type of girl, no. "I'm tired, upo na ako." Tumalikod na ako.

Napasigaw ako ng hinatak niya ako at mabilis na hinalikan sa labi. Pumulupot ang kamay niya sa bewang ko, nakapikit siya habang binibigyan ako ng maiinit na halik. Pinilit kong pumiglas pero mahigpit ang hawak niya sa bewang ko.

Nahagip nang mata ko ang mata ng taong hindi ko inaasahan na makita dito, matatalim ang titig niya saakin habang may kaakbay na isang babae.

Umigting ang panga niya bago hinatak ang babaeng kaakbay niya at siniil ng malalalim na halik, nasa akin ang mga mata niya habang binibigyan ng halik ang babaeng kulay blonde ang buhok.

Mabilis akong naglakad pabalik sa table namin ng buong pwersa kong tinulak ang humahalik saakin. Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko sa nakita ko, goddamit!

"Are you okay?" Tanong ni Keegan ng makarating ako sa table namin.

"Namumula ka." Puna ni Axel.

Hindi ako sumagot, dinampot ko ang purse ko bago tumingin sakanila.

"I forgot, hindi pa pala ako nakapagimpake." Napakamot ako sa ulo ko. I lied, kahapon pa ako tapos sa pagiimpake ng gamit ko.

Gusto ko na lang talagang umuwi at humiga sa kama ko, akala ko ay sasaya ako dahil pumunta ako sa bar but I was wrong, very wrong.

She Is His TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon