Chapter 27

430 7 1
                                    

Isang oras na simula nang umalis kami sa camping site, isang oras na rin kaming naglalakad papunta sa falls.

Nasa unahan ko si kape na bitbit ang tubig at towel ko. Pinagmasdan kong mabuti ang katawan niya mula sa likod. Grabe, kahit nakatalikod ang sexy niya pa rin.

"Ouch!" Sigaw ko nang madapa ako dahil sa isang medyo malaking bato.

Mabilis na lumapit si kape para tignan ako, Inalalayan niya akong umupo sa bato "Black, First aid!" Sigaw niya kasunod ng malulutong nitong mga mura.

Tinignan niya ako sa mata bago umiling. Inabot ni Black ang isang malinis na bulak at betadine.

"Fuck." Bulong pa ni kape.

Kumunot ang noo ko. "Galit ka? Minumura mo ako?"

"Fuck!" Nagiwas ito nang tingin. "Ganern."

Tumango naman ako sakanya habang nakangiti. He's really a cussing machine and I want him to stop that or kahit bawasan man lang niya.

Sumulyap ako sa tuhod ko at nakita kong may sugat iyon. Diresto ang tingin ni kape sa sugat ko habang pinapahiran iyon nang bulak na may betadine.

"Anong nangyare diyan?" Narinig ko ang boses ni Mars na papalapit saamin, nasa likuran ko kasi sila nina Keegan kanina.

"Uh-Oh. Hindi kana makakapagsuot nang maiksing shorts." Umiling si Hunter habang nakangisi.

Pinagmasdan ko lang si kape na gamutin ang sugat ko, seryoso siya sa ginagawa niya. Narinig ko ang boses ni camp master na papalapit saamin.

"Anong nangyare?" Rinig kong tanong niya.

Nanlaki ang mata niya ng nakita ako, Mabilis siyang tumungo palapit saamin. Nilagyan ni kape ng band-aid ang sugat ko.

Lumuhod ito para mapantayan ako. "Ayos ka lang ba?" Nagaalalang tanong ni camp master.

Nakita ko ang pagtitig ni kape sakanya, masama iyon. Narinig ko naman ang halakhak nila Kayne nang maramdaman rin ang tensyon.

"I-I'm okay." Tumango ako habang na kay kape pa rin ang tingin ko. Baka kung mawalan ko ito ng tingin ay bigla na lang manapak.

"I can help you walk." Ngumiti ito saakin.

Umawang ang bibig ko bago mabilis na umiling. Sumulyap ako kay kape at mainit na ang titig niya, oh no!

"Ayos lang talaga ako camp master." Pinilit kong ngumiti.

"Come on, Kristine. Wag ka ng mahiya." Ngumisi ito.

Napasigaw ako ng lumipad ang kamao ni kape sa pisngi ni camp master at narinig ko ang malulutong niyang mura.

"I can kill you, right now." Ani kape sa matigas na ingles.

"I'm trying to be nice here, dude!" Depensa ni camp master.

Mabilis na dumaloy ang dugo sa labi niya, pinunasan niya naman iyon agad.

"Fuck your kindness." Maangas niyang sinabe.

Umiling si camp master bago naglakad palayo saamin, nahihiyang sumulayap ito saakin.

Gustuhin ko mang humingi nang pasensya kay camp master ay hindi ko magawa, galit si kape at ayaw kong mas lalo lang itong magalit kung gagawin ko iyon.

"Kayne." Tawag ni kape. Binato niya kay Kayne ang towel at ang bottled water na nasalo naman ni Kayne.

Nagulat ako nang tumalikod siya sa akin at binuhat ako sa likod niya, Piggy-back ride.

"Put me down, I can walk." Bulong ko, marami na ang nakatingin saamin.

"Shut your mouth, Zara. You'll piss me." Tumikhim ito.

Ipinulupot niya ang kamay ko sa leeg niya. Pag ako talaga nalaglag lagot itong si kape saakin.

Lumipas ang 30 minutes nang sinabe nang camp master na nandito na kami. Inilibot ko ang paningin ko, ang ganda!

"Ibaba mo na ako. Andito na tayo oh!" Hindi ba siya napagod saakin?

"Are you sure you can walk?" Sumilip ito saakin.

"Hindi naman ako nabalian or something." Ngumuso ako.

Maingat niya akong ibinaba. "Okay, good."

"I feel so tired." Reklamo nito.

"Bakit mo naman kasi ako binuhat, makakapaglakad naman kasi ako." Umirap ako.

"Can I borrow a kiss?" Ngumuso ito. "Promise, I'll give it back."

Naglakad ako palapit kina Jaydee na para bang walang narinig. Narinig ko pa siyang bumulong ng kung ano-ano.


Dalawang oras na simula nang dumating kami dito sa falls, masyadong maganda ang lugar na ito kaya naman ay sinusulit na namin.

Lumapit ako sa tulalang si Haylee, hindi pa ito naligo sa falls samantalang lahat kami ay nakaligo na.

Sumenyas ako kay kape na dito muna ako kay Haylee, tumango naman ito saakin.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko kahit na ang tanga ko dahil alam ko naman ang sagot sa tanong ko.

"Oo." Tipid niyang sagot.

Kumunot ang noo ko. "Anong oo?" Nakakapagtaka lang, nagdeny siya.

"Oo as in Oo ng Up Dharma Down." Kinagat niya ang labi niya. "Luhaan, sugatan, at di mapakinabangan." Nagsimula nanaman itong humikbi.

Umupo ako sa tabi nito bago tumingin sa mga nagkakasayahang mga kasama namin. Nasa akin ang tingin ni kape kahit na kausap siya ni Blake.

"We may love the wrong person, and cry over the wrong person." Tumingin ako sakanya. "But one thing is for sure, mistakes help us find the right person." Hinawakan ko ang kamay niya.

"I just really can't accept it, Tine." Nakita ko ang sakit sa mata niya nang hinarap niya ako. "Pinsan ko siya sa side ni mommy! That is forbidden." Iling nito.

Nasasaktan ako na makita ang pinsan ko na nasa ganitong kalagayan. She's in distress, I can see it in her eyes. Damn. Kagabi ko pa ito kimukumporta pero panay ang iling niya sa mga payo ko.

Nagtataka akong bumaling ng tingin sakanya ng bigla itong humalakhak. "I need to loosen up!" Sigaw niya.

Pinagmasdan ko lang siyang tumawa. Kagabi pa ito umiiyak at pakiramdam ko ay ubos na ang mga luha sa mga mata niya. Namumugto at bloodshot na ang mata niya.

Bigla itong tumakbo palayo saakin. Napatayo ako sa kinauupuan ko nang maramdaman na tatalon siya galing sa mataas na tuktok ng falls.

"Noah!" Sigaw ko at itinuro si Haylee.

Hindi ako nagkamali. Walang bahid ng pagaalinlangan siyang tumalon galing sa tuktok ng falls.

Umangat ang tingin ko nang maramdaman kong may umupo sa tabi ko. "Haylee's so stubborn." Iling ni kape.

Kanina ay half-naked ito na halos malusaw dahil sa titig ng mga babaeng kasama namin. Ganun rin ang mga pinsan ko at ang mga Black Magic. Sa bagay, maganda ang mga katawan nila so why hide it?

"She's hurt, Tristan." Sagot ko sakanya. "Paano kung isang araw, saktan mo rin ako? Magiging ganyan rin ba ako?" or mas malala.

Hinarap niya ako, mabigat ang titig niya na para bang may nasabi akong mali. "I can't do that... I will never do that... I'll self-destruct."





She Is His TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon