"Oy, May nabili ka na bang regalo para sa suitor mo?" Tanong sa akin ni Haylee.
It's been three months since he said na nililigawan niya ako. Ewan ko ba kung bakit hindi ko siya ma-basted. Basta pakiramdam ko ay masaya ako pag nandiyan siya kahit na madalas ay inaasar niya ako.
"Honestly, I don't have any idea. Mukha namang nasa kanya na lahat ng gusto niya." Napahawak ako sa sentido ko. Sumasakit na ang ulo ko dahil sa paparating na exam.
Sumubo ako sa lasagna na pinahatid ni Nescafe kay Jaydee, May practice kasi ang mga iyon para sa upcoming na laban nila sa school nina Axel. Tuluyan nang nasira ang pagd-diet ko dahil sakanya.
"Oo nga, Sa bagay. Lahat nasa kanya na, Ikaw nalang ang kulang." Sinundot pa ako ni Haylee sa tagiliran ko. Napaigtad tuloy ako.
"Stop it." Hinampas ko ang kamay niya. "Hindi nalang ako magreregalo. Wala akong maisip."
"Ay? Kuripot mo ha!" Umirap siya saakin. "It's better if you give him something that would touch his heart." Kumindat ito.
Naglakad na ako papasok sa loob nang room ko at iniwan si Haylee sa cafeteria, May klase pa ako.
Nandito na kami sa labas nang bahay nila Tristan kasama ang mga pinsan ko.
"Dali na, Tine. Okay lang yang regalo mo." Hinihila ako ni Mars.
Sa bahay nina Nescafe gaganapin ang birthday niya, Simple lang raw ang gusto neto.
"Eh kasi naman." Sabi ko at ngumuso.
"Mas nakakahiya kung papasok tayo kung kelan malapit nang matapos." Pinagtulungan akong hilain ni Noah at Keegan.
"Wait! Ibabalik ko lang." Tumakbo ako pabalik sa kotse ni Keegan at ibinalik ang box na dala ko.
Nakakahiya naman kasi talaga ang regalo ko. Hindi ko nalang siguro ibibigay.
Pumasok na kami sa loob, Marami ang tao. Ang iba ay kumakain habang ang iba naman ay umiinom nang alak.
Lumapit na ang mga pinsan ko sa kani-kanilang kakilala na nakita. Nagpaalam rin si Haylee na kukuha nang maiinom naming dalawa.
"Where's my gift, Miss?" Umangat ang tingin ko sa lalaking naka-suot nang denim shorts at naka-long sleeve na kulay puti habang nakatupi ito hanggang siko.
Yumuko ako. "Naiwan." I lied.
"Pupunta ka ng birthday ko tapos maiiwan mo ang regalo ko?" Umirap siya sa kawalan.
"What? Anong naiwan? Nilagay mo nga sa kotse ni Keegan e." Pinag taasan ako ni Haylee nang kilay.
Argh, Pahamak ka talaga Haylee. Nahihiya akong tumingin kay Nescafe, Kumunot ang noo niya.
"Happy Bithday." I greeted him.
Ang gwapo niya, Makalaglag panga lang! No lies and no turning back.
"Kiss ko?" Ngumisi ito bago ngumuso.
Tinulak ko ang mukha niya. Sumimangot naman siya.
"Tara na nga, Tagal niyo." Naging cold nanaman ang loko, Bipolar talaga.
Umupo ako sa left side niya habang nasa right side ko si Riley.
"Wala na ngang regalo wala pang kiss." Rinig kong bulong niya.
Pasalamat siya at birthday niya dahil kung hindi ay sinapak ko na ito kanina pa.
"Wow, Gladys you're here!" Sigaw ni Noah.
"Gumanda ka lalo ah." Keegan complimented.
"Thanks."
Tss. Ang arte. Napatingin si Haylee saakin, Malamang iisa ang iniisip namin.
BINABASA MO ANG
She Is His Tutor
Teen FictionSi Kristine Locsin ay ipinanganak sa kilalang pamilya. Everything is perfect. Mahal niya ang pamilya niya at mahal din siya ng mga ito. Her life is simple. Nang tumibok ang puso niya doon niya nalaman na ang bawat bagay na iniingatan niya ay maaarin...