"Kristine!" Sabi ni Haylee at naglakad palapit saakin nang makapasok ako sa entertainment room namin.
Nandito parin pala si Jeoze at nandito narin ang mga Black Magic kasama ang mga pinsan ko.
Umupo naman ako sa tabi ni Blake, Naglalaro sila sa Kinect.
"Alam mo ba, Wala na sa school ang mga warfreak." Nakangising bulong ni Haylee.
"Ha? Bakit?" Sabi ko habang pinapanuod ang nagsusuntukan sa ere na si Ash at Jaydee.
"Pinatalsik ni Tristan. Kinalaban ka kaya nila." Sabi niya at tumawa.
"Eh ano naman sakanya yun?" Sabi ko at uminom sa shake ni Blake na hawak niya.
"Duh!" Hinamapas at inirapan niya ako. "Alam mo ba, Nung nawalan ka nang malay binuhat ka niya." Tumatalon talon siya sa harap ko.
Namula naman ang mukha ko. B-Binuhat niya ako? "D-Does that mean.... he saved me?" Sabi ko at napaiwas nang tingin sa mga nakangising sila Riley habang pinapanuod kami ni Haylee.
"Kuha mo! Nakakakilig!" Sigaw niya ulit at tumalon habang pumapalakpak.
Napailing ako nang bahagya. Then, I should thank him.
Napatingin ako nang may pumasok sa entertainment room. Bumilis ang tibok nang puso ko nang magtama ang paningin namin.
"Dude, Saan ka galing?" Tanong ni Cole bago ininom ang shake niya.
Hindi siya sumagot, Iniwas ko naman ang tingin ko at tinignan ang mga pinsan ko na naglalaro nang left 4 dead.
Napaangat ako nang tingin nang nakitang may nakatayo sa harap ko. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila palabas nang entertainment room namin.
Ang hilig talaga manghila nang lalaking ito.
"Hoy! Ano ba!" Sabi ko at tinanggal ang kamay niya nang bitawan rin naman niya ito sa kusina namin.
Tinulak niya ako paupo sa counter at umupo sa tabi ko. Nilagyan niya ang plato ko nang kanin at ulam.
"Hindi ako gutom." Sabi ko at tumayo na.
Maglalakad na sana ako nang bigla siyang magsalita. "Uupo ka o itatali kita saakin?" Tanong niya.
Nanlaki naman ang mata ko kaya bumalik nalang ako sa upuan ko. What the Hell?
"Good girl." Napapaos na sabi niya.
Kinuha niya ang tinidor at kutsara ko. Nagtaka naman ako sa ginawa niya. Nilahad niya ang kutsara na may kanin at ulam sa harap nang bibig ko.
Binalingan ko siya nang tingin, Seryoso ang tingin niya saakin.
"I can eat al---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang isubo saakin ang kutsara.
Nakakunot noo ko siyang tinignan, Nagkibit balikat lang siya at inabot saakin ang tubig.
Tatayo na sana ako para bumalik na sa taas nang bigla siyang tumayo at ikinulong ako sa bisig niya.
Ang dalawa niyang kamay ay nakapatong sa magkabilaang side nang counter kaya hindi ako makalabas. Nasa likod ko siya.
"Ano ba, Tristan! A-Alis ka nga diyan." Sabi ko at bahagya siyang tinulak pero hindi siya natinag.
"You'll eat or do you want me to eat you?" Napapaos ang boses niya. Nanigas ako sa sinabe niya. Naramdaman ko ang paginit nang pisngi ko.
Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa.
Kumain nalang ako nang kumain. Talagang nasisira na ang pagdidiet ko nang dahil sa lalaking ito.
BINABASA MO ANG
She Is His Tutor
Teen FictionSi Kristine Locsin ay ipinanganak sa kilalang pamilya. Everything is perfect. Mahal niya ang pamilya niya at mahal din siya ng mga ito. Her life is simple. Nang tumibok ang puso niya doon niya nalaman na ang bawat bagay na iniingatan niya ay maaarin...