Kakauwi ko lang galing mall dahil kumain kami sa labas, Hinatid ako ni Nescafe sa bahay. Akala ko ay aalis rin siya pero sumunod siya saakin.
Naramdaman ko ang pagsunod niya saakin hanggang sa sala.
Napahinto ako ng bigla niya akong higitin. "Oh come on, Zara." Malambing na sabi nito.
"Just go home." Tamad kong sabi.
I saw him talking with Gladys nakita ko pang humalik si Gladys sa pisngi niya bago magpaalam sakanya.
"Kristine." Nanigas ako nang marinig ang isang boses galing sa likuran ko.
I know that voice, Kailan pa siya nakauwi dito? Oh Great!
Umangat ang tinigin ko kay Nescafe, Nakatingin siya sa tao sa likod ko habang nakangiti.
Unti-Unti akong humarap sa tumawag saakin at naglakad papalapit.
Nanginginig ang katawan ko. "M-Mom!" I tried to act normal.
Yumakap ako kay mommy habang nakatingin naman siya kay Nescafe.
"Tita." Rinig kong sabi ni Nescafe at naglakad papalapit kay mommy at humalik sa pisngi.
Nanlaki ang mata ko nang ngumiti si Mommy. Hindi ba siya magagalit?
"How are you, Hijo?" Tanong ni Mommy.
"I'm okay, Tita." Magalang na sagot ni Nescafe.
Para akong baliw na nakatunganga sakanilang dalawa.
"M-Mom, My boy---"
"I know, Anak." Nginitian ako ni mommy.
Tumingin ako kay Nescafe pero nagiwas ito nang tingin, Uh-Oh. May hindi ba ako alam? Siguro.
"By the way, Galing dito si Keegan at Mars. Gusto daw nilang lumabas mamayang gabi. Naku!" Ngumuso si mommy.
Umupo si Nescafe sa sofa at pinanood kami ni mommy na naguusap. Nagulat ako sa reaksyon ni mommy. Hindi niya ako pinagbabawalan lumabas pero mukhang ngayon ay napuno na siya.
"You can't go out tonight." Aniya.
"Po?"
Hindi naman sa gusto kong lumabas ngayong gabi. Ang totoo niyan ay okay lang sa akin kung dito lang muna ako sa bahay para magpahinga.
Nakakapagtaka lang ang pagbabawal ni mommy saakin ngayon.
"Sa roofdeck nalang kayo, Kristine. Ipagluluto ko kayo." Tumikhim siya. "Name it, Wag lang muna kayong lumabas."
"Why is that mommy?"
Hindi makatingin si mommy sa akin. Imbes ay humarap siya kay Nescafe. "Tell Noah."
"Opo." Ani Nescafe at kinuha agad ang cellphone niya.
Hindi ko alam kung anong problema ni mommy. Siguro ay paranoia attack from parents? Nakita kong nagt-type si Nescafe sa cellphone niya.
"I'll change clothes, Kristine." Sabi ni mommy at tumango bago umakyat sa taas.
Humarap ako kay Nescafe. "Saan ba yung lakad? Kung gusto niyo, Kayo na lang." Sabi ko.
"Magkikita lang naman daw tayo para ibigay ni Axel yung ticket para party na hinohost nang kaibigan niya."
Tumango ako. "Ahh."
"If you don't wanna come or if you don't want them here, I can tell them." Tumayo siya at lumapit saakin.
"Tristan, If you wanna come ayos lang." Sabi ko at umiling.
Bumukas ang pinto at iniluwal nito ang mga pinsan ko.
"Swimming tayo sa pool nila Noah na araw-araw may ihi at laway niya." Tawa ni Haylee.
"Shut it, Haylee." Nandidiring sabi ni Axel.
"We won't come." Sabi ni Nescafe.
"Huh? Why?" Tanong ni Noah habang kumakagat sa saging, Feel na feel niya ang pagkagat sa saging na ikinatawa nang mga pinsan ko.
Narinig ko ang hakbang galing sa hagdan. Si mommy at daddy.
"Tita!" Dinagsa nang mga pinsan ko sina mommy at daddy.
"I heard from Keegan na lalabas raw kayo?" Tumingin si mommy kay daddy. "Sorry but I won't allow Kristine."
There, Malalaman nilang hindi ako pwede.
"Tita, Ang KJ naman! May nagawang kasalanan po?" Tanong ni Haylee.
Umiling si mommy bago tumikhim. "Sa roofdeck nalang kayo, Ipagluluto ko kayo ng kahit ano. Pero hindi ko sagot ang drinks niyo."
Tumango naman si Haylee, She can't do anything.
"I'm okay with that too. Hindi ko gugustuhing maligo sa ihi ni Noah!" Reklamo ni Mars.
"It's decided, then?" Ngumisi si mommy.
"Why is tita acting strange?" Bulong ni Haylee ng maglakad patungo sa pinto nang bahay sina Mommy at Daddy para maggrocery.
"The guest rooms are open for everyone. Kayo lang bang magpipinsan?" Pahabol na tanong ni mommy.
"Hindi po, Tita. Some of my friends are coming pero hindi sila matutulog dito." Sagot ni Mars.
Dumating ang mga kaibigan nina Axel kasama ang Black Magic pati narin ang Sy.
Tumulong si Nescafe saakin sa paghahanda ng tables sa roofdeck. Nagulat ako ng pinunasan ni Nescafe ang takas na pawis sa leeg ko. Halos mapatalon ako palayo sakanya. Kumunot ang noo niya sa reaksyon ko.
"You're giving me a heart attack." Sabi ko dahil sa gulat.
Kumindat lang ito saakin bago pinunasan ang noo ko.
"Don't flirt with me. Tristan." Inirapan ko siya at iniwan sa kinatatayuan niya.
Narinig ko lang ang halakhak niya sa malayo.
Pagkatapos kong maligo ay nagpasalamat ako sa Diyos dahil nagbihis ako sa loob ng banyo. Dahil kung hindi ay maabutan ako ni Nescafe na nakatuwalya lang and that would be real awkward.
Nagiwas ako ng tingin sakanya habang nagpupunas ako nang buhok. "Why do you like here kesa sa labas?" Tinignan ko ang nakahigang si Nescafe sa aking kama sa repleksyon niya sa salamin.
"I like the scent, I like your scent." Aniya sa napapaos na boses.
Umupo ako sa tabi niya at ngumuso. "She kissed you."
Umupo naman siya sa kama ko at ako ang humiga. "So? I didn't kiss her back. At isa pa nakita mo namang pinunasan ko agad yun." Tumaas ang kilay niya.
Umirap ako. "You are mine, Only." Sabi ko at nagiwas nang tingin.
Hinarap niya ang mukha ko sakanya. "I got your gift, Keegan gave it to me." Kinagat nito ang labi niya.
Nanlaki ang mata ko. Pakiramdam ko ay namumula na ang mukha ko ngayon. Lahat nang natanggap niyang regalo nung birthday niya ay mamahalin kumpara sa bigay ko.
"W-Wala na akong maisip e." Sabi ko at tumikhim. "Sor---"
"I loved it. Thanks for the cupcakes." Seryoso niyang sabi habang nakatitig sa mga labi ko.
Hinawakan niya ang pisngi ko at mariin niya akong siniil ng mga halik, His kisses were soft and gentle. May kuryenteng naglakbay sa batok ko pababa. At alam kong inaakit niya ako sa pamamagitan nang malalambot niyang mga halik. Kumalabog ang puso ko. Ito ang unang pagkakataon na mahalikan ako ng ganito, At ayaw kong bumitiw.
I want to just kiss him forever.
BINABASA MO ANG
She Is His Tutor
Teen FictionSi Kristine Locsin ay ipinanganak sa kilalang pamilya. Everything is perfect. Mahal niya ang pamilya niya at mahal din siya ng mga ito. Her life is simple. Nang tumibok ang puso niya doon niya nalaman na ang bawat bagay na iniingatan niya ay maaarin...