Naputol ang malalim kong pag iisip ng tumunog ang cell phone ko, ibinaling ko ang atensyon ko doon at nakitang si Dad ang tumatawag.
"Dad." I called.
"How is our investor's son? Ayos ba siya?"
"Huh? Dad, I haven't met him yet." Hinilot ko ang sentido ko.
"What? Si Xavier, wala pa diyan?"
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. "Xavier?"
"Yes anak, ang alam ko si Raze ang ipinadala riyan, siya ba?"
Bahagya akong natahimik sa narinig ko, is that the reason why Tristan is here because his family is one of our investors?
"Kristine." Tawag ni Dad.
"P-Po?"
"Please do eat dinner with Raze Xavier."
"Dad, actually Raze is not the one who is here."
"Huh? Then who? Iyong kapatid niya bang babae?"
"Nope, Tristan po."
"Iyong ex mo ba? I'm sorry, I didn't know, hindi ko alam na siya ang ipapadala riyan."
"Ayos lang, Dad. I can handle."
"You can? Can you eat dinner with him, then?"
"O-Of course."
Napasinghap ako ng naputol ang tawag. Sumulyap ako sa relos ko, it's past 7. Inayos ko ang sarili ko bago nagpasyang bumaba para makakain na.
Nang makarating ako sa restaurant ng resort ay nag order na ako ng pagkain, it's for me and for Tristan. Nalaman ko rin na nasa isang suite na siya sa hotel, I asked the front desk to call him, and he said yes he'll go down within 10 minutes.
Gulong gulo ako, hindi ko alam kung paano ko gagawin ang 'Earn me' na sinabi niya. Hinawi ko ang buhok ko bago uminom sa juice ko.
Umangat ang tingin ko sa pinto kung saan papasok si Tristan, halos masamid ako sa juice ng nakita ko kung sino ang babaeng nakayakap sa braso niya. Naramdaman ko ang pag alab ng galit sa puso ko.
Kumaway ako kay Tristan ng napatingin siya sa pwesto ko. Itinuro niya kay Chanel ang kinaroroonan ko. Ngumiti si Chanel sa akin bago kumaway, iniwas ko ang tingin ko.
"Hi Kristine." Bati ni Chanel ng maka upo sila, she shot an eyebrow at me.
"Let's eat." Nag angat ako ng tingin sakanila.
Nag umpisa na akong kumain habang patuloy naman sa pag puri si Chanel sa resort namin. Diretso ang tingin ko sa pagkain ko, not minding them.
Nag angat ako ng tingin sa dalawa ng matapos ako sa pagkain, umirap ako ng makitang pinunasan ni Chanel ang labi ni Tristan.
"Ma'am, may bisita raw po kayo sa lobby." Sabi ng isang waiter.
Kumunot ang noo ko. I'm not expecting anyone, who could that be? Kung sina Noah iyon ay magsasabi sila.
"Please do accompany whoever that is, I'll be waiting here." Sabi ko.
"Are you expecting someone to be here, Kristine?" Malamig na tanong ni Tristan.
Ngumisi ako, he's curious. "Wala naman."
Tumango siya bago umakbay sa upuan ni Chanel, napangiwi ako.
"Kristine!" Tawag ng isang pamilyar na boses sa pinto.
Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino iyon. I quickly stood up and walked towards him!
BINABASA MO ANG
She Is His Tutor
Teen FictionSi Kristine Locsin ay ipinanganak sa kilalang pamilya. Everything is perfect. Mahal niya ang pamilya niya at mahal din siya ng mga ito. Her life is simple. Nang tumibok ang puso niya doon niya nalaman na ang bawat bagay na iniingatan niya ay maaarin...