Pitong buwan na simula ng dumating ako dito sa Korea. Konting tiis nalang. Konti nalang makakabalik na ako ng Pilipinas. Makakabalik na ako sakanya.
"Hey! Spacing out, again." Ngisi ni Arthur.
"Bakit? You saying anything?" Tanong ko, inaabot ang chips sakanya.
"You wanna go out for a dinner? You know, ngayon lang tayo nagkaroon ng free time." Ani Art, humihiga sa sofa.
"Sure." Tipid kong sagot.
Napaayos ako ng bumungad sa screen ng iPhone ko ang pangalan ng taong matagal ko ng inaantay ang pagtawag.
Ngumiti ako ng makita ang mukha niya pero agad napawi ang ngiti ko ng makita ang malungkot niyang mga mata.
"Are you okay?" Nagtataka kong tanong.
(Just tired.) Bumuntong hininga ito.
"Sino yan?" Tanong ni Art.
Nakita ko ang pagkunot ng noo ni kape sa screen.
"Shut up, Art. Si Tristan." Binato ko ng throw pillow si Art.
"Ops, sorry! Uwi muna ako." Kumakaway na paalam ni Art bago lumabas ng kwarto ko.
(What...was that?) Malamig niyang tanong.
"Look, that was nothing." Sabi ko bago ngumiti.
(Yeah. Just nothing.) Sarcastic niyang sabi.
"Pagod ka ba? I can wait for your another call, kahit bukas."
(No, I'm fine.)
Tumango ako bago nagtanong ng kahit anong bagay, magkaroon lang ng topic. I don't wanna cut the conversation, matagal rin kaming naging busy. Halos mawalan ng oras para sa isa't isa.
"I bet you're excited, malapit ka ng umuwi ng Pilipinas." Ngumiti si Art.
"Sino ba naman ang hindi? I miss Philippines." I miss him.
Tumawa ito. "Sabi ko nga."
Umiling lang ako bago ipinagpatuloy ang pagkain. Sa pitong buwan na nakasama ko si Art, it's not hard catching up with him. Mabait siya yun nga lang medyo may pagkamakulit.
"Arthur? Kristine?" Tawag ng isang boses.
Sabay naman kaming nag angat ng tingin ni Arthur sa nagsalita, mabilis kaming tumayo bago humalik sa pisngi nito.
"Lola." Sabi ko, inilahad ang bakanteng upuan.
"Date?" Ngumisi si lola.
Ngumiwi naman ako. "Lola, it's just a normal dinner."
Ngumuso naman si Arthur. "Hindi pa rin ba kayo nasanay saamin, Halmeoni?"
Tumawa lang si lola bago sinenyasan ang waiter para ibigay ang order niya.
"Nakausap ko ang isang sikat na company." Seryosong sabi ni Lola.
Sumulyap ako sakanya, hinihintay ang idudugtong niya.
"They want you to be their model, Kristine." Sumimsim si lola sa inabot na wine ng waiter.
Ngiti lang ang nasukli ko sa sinabi ni lola. I don't know. I don't know if I can stay longer here in Korea knowing that gustong gusto ko na ulit bumalik ng Pilipinas.
"And also, they want Arthur too." Sumulyap si lola kay Arthur. "They want you as loveteam."
Napaubo naman ako sa narinig ko. Inabot ni Arthur ang tubig saakin, nagtatakang tumingin si lola saakin.
BINABASA MO ANG
She Is His Tutor
Teen FictionSi Kristine Locsin ay ipinanganak sa kilalang pamilya. Everything is perfect. Mahal niya ang pamilya niya at mahal din siya ng mga ito. Her life is simple. Nang tumibok ang puso niya doon niya nalaman na ang bawat bagay na iniingatan niya ay maaarin...