Chapter 26

462 7 0
                                    

We're on our way to Tanay Rizal. Isang linggo naming pinagisipan ang pagsama sa camping na ito. 

 Nasa 50-60 na tao kami, Nasa iisang shuttle bus kami. Plano ito ng kaibigan nina Noah, Why don't give it a shot?

At isa pa, hindi ko pa rin natry ang magcamping dahil walang ganun sa school. 

"We're here!" Mars announced. 

Nagmamadaling nagsitayuan ang mga kasama namin sa bus. Excited sila, ganun rin naman ako. 

Napatingin ako sa right side where Haylee and Louis are sitting, Mga tulog pa. 

Tumayo na ako sa pagkakaupo nang makalabas na ang mga kasama namin, Lumapit ako sa dalawa. 

"Phone please." Sabi ko kay kape at inilahad ang kamay ko. 

Nagtataka naman niya akong tinignan bago inabot saakin ang cellphone ko. 

Pinicturan ko silang dalawa, Ang cute lang! Nakaakbay si Louis kay Haylee habang nakasandal ang ulo ni Haylee sa balikat ni Louis. 

Lumapit si kape sakanila habang dala ang bag naming dalawa, He's a porter hehe.

"Hey, get up." Kinalabit niya si Louis, nagising naman agad ito. 

Tumango si Louis kay kape. Inakbayan naman ako ni kape palabas nang bus habang ginigising ni Louis si Haylee.

Nakaupo kaming lahat sa damo habang sinasabe nang Camp master ang mga rules. 

"Hindi ka ba napapagod? Upo ka kaya!" Ani ko sa nakahalukipkip na si kape. 

"Damo? Uupo?" Umiling ito, Napakaarte talaga nang lalaking ito.

"Any questions?" Tanong ng camp master. 

Tinaas naman ni Haylee ang kamay niya. "Required ba kami na gawin lahat nang activities?"

"Hindi naman, but you should atleast try." Ngiti nang camp master.

Tumayo ang lahat at nagpakabit na ng ropes sa coordinator. Yung iba excited while the rest look so scared. 

"I can't do it." Lumunok ako habang nakatingin sa nakangising si kape. 

"Face your fears, Ikaw ang mapilit na sumama tayo." Hinila niya ako papunta sa roping station. Ghaad!

Hindi ko na dapat pinilit itong si kape na sumama kami. Narinig ko ang tawanan nang Black Magic at ng mga pinsan ko sa likod namin. 

"Hala ka, Tine! Baka maputol bigla." Tawa ni Mars, binatukan naman siya ni Blake. 

Naunang nagtry si Noah at Axel na panay ang tawa habang ginagawa iyon at panay ang kaway sa mga babaeng nanunuod sakanila. 

"Next po." Sabi nang lalaki. 

Sumulyap saakin si kape at ngumisi. "Let's go love." Nanunuya ang boses niya. 

"Waaaaaah! Tristan, Ayaw!!! 50 feet yun oh!" Niyugyog ko yung braso niya. "Ayoko pa mamatay!" 

"No, we're gonna do it, love." Pinisil niya ang ilong ko. 

"Paunahin mo muna sila, Last na lang tayo." Nagpuppy eyes ako. 

Tumango naman siya at pinauna ang mga kasama namin, panay ang sigaw ni Haylee nang sumunod na sina ni Louis. 

Halos maihi ako ng kami na ang susunod. Nagpakabit kami ng rope and now we're on the top of 50 feet wall.

"Ayaw ko na, kape! Ang taas! Pleeeease!" Sigaw ko. 

Inangat niya yung baba ko. "Ako yung tignan mo, don't look down." Ngumiti siya. "Yung pogi kong mukha ang tignan mo." Halakhak niya.

She Is His TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon