Chapter 7

604 7 0
                                    

"Congrats! Highest ka." Sabi ko kay Nescafe ng makita ang testpaper niya.

Nakatayo ako ngayon sa harap niya. Tinaasan naman niya ako ng kilay kaya napanguso ako.

"Thanks to you, Zaranget." Sabi niya at tumawa, I can sense that he's happy too.

Napangiti naman ako. "Libre kita sa Cafeteria!" Sabi ko at hinila na siya.

"Anong ginagawa ni Master dito?"

"For the first time. He'll eat here, I guess."

"He is so hot!!!"

Kinaladkad ko ulit siya ng makita ang bakanteng lamesa sa dulo.

Nakakunot ang noo niya habang nakatingin saakin. Umiling siya saakin na sinasabeng ayaw niya pero pinandilatan ko siya ng mata dahilan para umirap at umupo siya.

Pumunta na ako sa counter at nagorder. So totoo nga na hindi siya o sila kumakain dito. Halos lahat ng mata ng mga estudyante ay pinagmamasadan si Tristan, Mga mata nilang nagtataka.

"Is this okay?" Sabi ko at nilapag sa lamesa namin ang mga pagakin.

"I don't eat here." Sabi niya at tumingin sa paligid bago nagtataka niyang tinignan ang mga pagkain na nilapag ko.

"Papakainin mo ako ng damo at... what's this?" Turo niya sa isang gulay.

Napairap naman ako sa kaartehan niya. "Ampalaya." Maikli kong tugon.

"Eww, Sounds gross." Aniya.

"Bahala ka nga diyan, I'm hungry." Sabi ko at kinain na ang mga gulay na nasa plato ko.

Napatingin ako sa kanya at halos maibuga ko ang kinakain ko ng makita ang reaksyon niya habang pinapanuod akong nguyain ang ampalaya.

"Aren't you going to eat that?" Tanong ko sabay nguso sa mga gulay na nasa plato niya.

Huminga siya ng malalim at kinuha ang kutsara ko.

Nagtataka ko naman siyang tinignan. "What?" Pinagtaasan niya ako ng isang kilay. Napakasuplado talaga. "Ito yung ginamit mo and it gives more taste for sure." Sabi niya at inilapit ang plato niya sakanya.

Naramdaman ko ang paginit nang pisngi ko sa mga sinabe niya kaya napahalukipkip ako. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya nagiwas ako ng tingin, Whatever Nescafe!

Napatingin ako ng magring ang cellphone ko.

Unknown number calling? Sino naman to? Akamang ilalagay ko na ang cellphone ko sa tenga ko para malaman kung sino ang tumatawag ng higitin ni Tristan ito at mabilis na pinatay ang tawag.

"Don't talk to strangers." Malamig niyang sabi at uminom sa juice in can.

"What if it's an emergency." Sabi ko at umiling.

Napatingin ulit ako sa cellphone kung nakalapag sa lamesa ng may nagtext. Unknown number ulit, Yung kaninang tumatawag.

09*********

Hello, Kristine :) It's Joeze. Can I ask you out? 7 PM. I'll pick you :) Thanks!

Halos atakihin ako sa puso habang binabasa ang message niya, Tell me I am not dreaming.

Wala naman na akong klase kaya mas mabuti kung uuwi nalang ako, Dalawang oras na lang ang natitira bago mag 7 PM.

Napatingin ako sa gawi ni Tristan at nakatingin siya sa cellphone ko kung saan nakabukas ang mensahe na galing kay Jeoze. Magkasalubong ang dalawa niyang kilay.

Tumayo siya at naglakad palayo sa lamesang kinainan namin at huminto sa may glass door. Tinignan niya ako at mabilis na umiling bago nagpatuloy sa paglabas.

Nahalata ko ang tingin niya saakin, Kakaiba ito. Napakalamig at may halong iritasyon.

What the hell was that, Nescafe?

"May 2 weeks vacation rin ba kayo?" Napatingin ako sa kay Jeoze habang naglalakad kami sa by the bay.

"Yes. May plano na nga sila Mars na pumunta ng Davao e." Sabi ko at umupo sa mga upuan na gawa sa bato at tumingala para makita ang mabagal na pagikot ng ferris wheel.

"They wanna visit Acropolis Superclub so bad." Sabi niya at mahinang tumawa.

Napatingin ako sakanya kaya tumingin rin siya saakin. Ngumiti siya dahilan nang pagakyat nang lahat ng dugo ko patungo sa pisngi ko.

"You really are gorgeous, Kristine." Aniya at umusog papalapit saakin nang may umupo sa tabi niya. "Too bad, You already have a boyfriend." Napaiwas siya ng tingin pero huli na yun dahil nakita ko ang pamumula ng mukha niya.

"What? I don't have one." Sabi ko at tumawa.

Napatingin naman siya saakin nang nagtataka, Tinignan niya ako na para bang nagtatanong kung totoo ba ang sinabe ko kaya tumango ako.

"9:00 na rin, I'll take you home now." Sabi niya at tumalon pababa. Inilahad naman niya ang kamay niya kaya't mabilis ko itong inabot.

Lahat na yata ng tipo ng isang babae na kay Jeoze na, He's the ideal guy for me.


Mabilis na nakarating kami sa bahay, Nakapark na ang kotse ni Jeoze sa harap.

"Thanks for this night, Kristine." Aniya.

Mabilis naman akong tumango at ngumiti. "I enjoyed."

Kinagat niya ang labi niya at dahan-dahang lumapit patungo saakin. Konti nalang ay magdidikit na ang labi namin, One move.

*BEEEEEEEEEEP*

Sabay kaming napaigtad nang marinig ang malakas na busina sa harap namin.

Tumingin siya sa bintana na nasa side niya, Nakita ko ang pamumula ng tenga niya.

THAT WAS AWKWARD! Naramdaman ko naman ang paginit ng pisngi ko.

"I-I'm sorry." Sabi niya at mabilis akong tinignan pero mabilis rin na nagiwas ng tingin.

Napatingin ako sa sasakyan na nasa harap namin.

This car is familiar, Dayuuum.

Bumaba ang tatlong lalaki sa sasakyan, I'm right.

Bumaba si Jeoze nang sasakyan niya at pinagbuksan ako ng pinto.

"Goodnight then." Sabi niya at ngumiti.

Nagpaalam na rin ako sakanya at pinanuod kong maglaho ang sasakyan niya sa paningin ko.

Napatingin ako sa lalaking naglalakad papalapit saakin. Naramdaman ko ang pagbilis nang tibok nang puso ko habang diretso ang titig niya saakin. Napapalibutan siya ng madalim na aura.

"His car isn't tinted, I saw what happened there." Malamig na tugon niya na nagpatindig sa bawat balahibo ko bago ako lagpasan at pumunta sa mga pinsan kong kararating lang.

She Is His TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon