Chapter IX : Secrets Revealed

2.8K 58 0
                                    

Para po sa inyo ito. Sana magustuhan niyo kahit papaano.

 

Chapter IX : Secrets Revealed

Kung itatanong niyo kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Isa lang ang masasabi ko. Ang SAYA KO.

 

 

 Pero at the same time. Nasasaktan ako nung makita ko siyang umiyak kanina. At di lang siya umiyak dahil sa isang normal lang na bagay pero ito ay dahil sa taong mahal niya. Ang swerte ng taong yun dahil mahal siya ng katulad ni Steven na kayang gawin ang lahat para sa kanya. Pero, ang malas lang din niya dahil pinakawalan niya ang taong kayang ibigay at gawin ang lahat para sa kanya. Pero siguro wala ako sa tamang lugar para husgaan siya. Dahil hindi ko naman talaga alam kung bakit sila naghiwalay e.

Pero isa lang ang napapansin ko araw-araw. Unti-unti kong nakikilala Si Steven. Masaya akong kasama siya. Sa totoo lang panatag na ako sa kanya e.

Nandito kami ngayon sa may kubo dito. Meron palang ganon dito e. Pinapatila lang namin ang ulan at maya-maya ay ihahatid niya na daw ako. Pero mukhang malabo yun dahil hangga ngayon ang lakas ng ulan.

“Ayos ka lang ba Mae? Nilalamig ka ba?” Nag aalalang tanong niya sa akin.

“Okay lang ako huwag kang mag-alala. Ikaw hindi kaba nilalamig?” Tanong ko din naman sa kanya. Kasi binigay niya sa akin yung jacket na nasa kotse niya kanina. At nakikita ko siya ngayon na hinihimas himas ang kanyang balat.

“Okay lang ako. Basta ikaw okay ka. J” Nakangiting sabi niya sa akin.

“Aysus. Umuulan na nga nambobola kapa.” Nakaupo ako ngayon sa kubo habang siya nakatayo. Ewan ko sa kanya at ayaw niya umupo. Haha.

“Hindi kita binobola. Mas kailangan mo yan. Tsaka kaya ko pa naman ang lamig. Ayoko naman na magkasakit. Mas okay na ang ako ang magkasakit kesa ikaw.” Sabi niya sabay upo sa tabi ko. Buti naman. Napagod na yata siyang kakatayo e.

“Ano ka ba naman ayos lang ako. Dito ka share tayo. Kawawa ka naman. Pag ikaw naman ang magkakasakit, ako yung magiguilty kaya dito kana tabi nalang tayo. Share tayo dali mo.” Sabi ko sa kanya. Wala naman sigurong masama kung ganito kami di’ba? Kawawa naman kasi siya kung siya lang yung magakakasakit.

My Unexpected Love :"> {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon