Janna's POV
.
"Ma, alis napo ako" at kumiss sa pisngi ni mama, eto na naman pasukan na ulit..
"Princess bago ka umalis, binabalaan kita na ito na ang huli mong school ah, kundi ipapadala na kita sa papa mo".
"O-opo".
Iiwas na talaga ako sa gulo ng school , ayokong umuwi kay papa, kaya kailangan kona galingan, no more away away na..
Dahil sa walking distance lang naman ang school, naglakad nalang ako..
Pagkadating ko sa bago o mas tawagin nalang nating new school. For me!.
Taas noo akong naglakad papasok sa gate ng school ng biglang....
*BEEEEP!!*.
"Ay kabayo!!".
At napahawak ako sa dibdib ko, sa sobrang gulat..
'panira naman ng moments ang lintik' sabi ko sa isip ko unti unti akong humarap sa walang modong taong nag ddrive ng kotse nyang hello kitty na BULOK!! *pwe.
Lumapit ako sa kotse nya at kumatok ng napaka lakas, "hoy kung sino man ang nandiyan, napaka walang modo mo, alam mo bayun?!!" sigaw ko..
Ugh kapapasok kolang nagiinit agad ang ulo ko, "di moba nakikita na naglalakad tapos bigla ka nalang bubusina?!!!" sigaw kopa..
Unti unting bumaba ang window ng kotse nyang bulok at tumambak sakin ang isang magandang babae.
Pasalamat nga siya at sinabihan ko syang maganda, maganda lang siya dyosa ako *Smirk*.
"Dapat lang sayo yun, haharang harang ka sa daan ng mga magaganda".
Umacting ako na parang hinahangin "whoo! Ang hangin mo".
"Tignan mo sya oh".
"Sino sya para kalabanin ang reyna?".
"Panget nya, like duh".
Tumingin ako sa paligid at nakita ko na nasamin pala ang atensyon ng lahat, gosh janna ano na naman bang kaguluhan ang pinasok mo?.
Bago pa lumala ang away kumaripas nako ng takbo at nagtago, "ang tang naman kasi eh" sabi ko sa sarili ko sabay sabunot sa buhok kong walang kuto, eww.
"Ang tanga mo talaga janna, nakikipag away ka na naman!".
Tumingin muna ako sa paligid at tska tumakbo papuntang faculty para kunin smepre ang I.D ko tska yung mga schedule ko at kung saang room ako..
"Ms. De Guzman right?" sabi ni Ms. Sanchez, nakakatakot syang tignan, bukod sa mataas nyang kilay at sa mapula nyang labi, nakakatakot din ang mga tingin nya..
"O-opo" tumingin sya sa akin at may inabot na envelope at tska tinignan ko yun, nandoon ang picture ko at mga details tungkol sakin..
"Eto ang I.D mo" tska sya tumayo"welcome to Saint Paul Academy" tska ako nakipag shake hands sa kanya.
"Uhmm... Room.....C 208 ..... Aish low class na naman ako" sabay kamot ng ulo ko, "dont worry janna, tatalino ka rin,...... Right!!! Lets go!" at lumakad ako ng taas noo.
Kailangan hyper ako ngayon, isantabi muna ang init ng ulo ko..
Then smile.
Halos 30 min na ata akong naghahanap ng room nayun, asan naba kasi yun, 2 ang building dito at halos sa pinagtatanungan ko ay nililigaw lang ako, mga letse!
BINABASA MO ANG
Finding Mr. Gangster
Teen FictionAko si Janna De Guzman, love na love ko ang mga gangster sa love story sa wattpad, ang cool nila at ang astig, ano kaya pakiramdam ng maging gangster love story ang love story mo? Kaya nakagawa tuloy ako ng isang bonggang plano. Ill make that gangst...