Janna's POV
Shit! Ang sakit pala sabihin sa kanya ang totoo, Ang sabihin sa harapan nya na itigil na namin to, bigla nalang syang natawa
"Hahaha, nagugutom kalang, kain ulit------"
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? O sadyang bingi ka lang talaga?!"
Gusto ko syang yakapin at sabihing mahal ko sya pero bakit ayaw gumalaw ng bibig ko at sabihin yun? Nasasaktan na kami pareho, ngunit malamig ko parin syang tinignan
"J-janna, nag bibiro kalang diba?" Kung kaya ko lang sya kayapin para di na sya malungkot gagawin ko, pinagpapawisan at kamay ko, nagbibiro lang ako? Sana nga nag bibiro lang ako
Hindi ko sya sinagot, kaya nakita ko ang nangingilid na mga luha sa gilid ng mata nya, kaya nabigla ako, "Janna, diba mahal mo ko?"
"Hindi na. . . . . Nagising nalang ako di na kita mahal!" sambit ko sa kanya, duon na tumulo ng lubusan ang luha nya, ang luhang ayaw kong makita, naiiyak narin ako 'please luha wag kang maging traydor sakin'
Parang lahat ng paru paro sa tiyan ko ay biglang nanlumo sa sinabi ko, hinawakan ako ni drake sa kamay at sinabing "Janna, please! Wag ngayon! Masakit!!"
Bigla kong binitawan ang hawak nya sa kamay ko "ano ba?!! Tama na!! Kung nasasaktan kana!!! Tama na!!" sigaw ko sa kanya
Nagulat nalang ako ng bigla nyang hapitin ang bewang ko at inupo sa umupuan at hinalikan, halik na may kasamang pagmamahalan, napaka lalim ng halik nya, na parang ayaw nya kong pakawalan sa halik nayon
Tumigil sya sa halik na yun at tumingin sakin, hinawakan nya ang pisngi ko, at pilit pinatingin sa mata nya pero panay iwas ko, "tumingin ka sakin" pilit kong tumingin sa mata nya
"Ngayon sabihin mong hindi moko mahal" Nagkaroon ng ilang segundo bago ako sumagot pero bigla akong umiwas "h-hindi na kita m-maha------" Hinalikan nya ulit ako ng napaka lalim at hinahaplos nya ang likod ko na ikinatayo ng balahibo ko
"Sabihin mo ulit!!" sigaw nya sakin nakatingin ako sa mata nya, huminto ang paglipad ng paru paro sa tiyan ko at hinihintay ang sasabihin ko
Ang lakas ng kalabog ng puso ko, "Hindi na kita mahal!!" diretsong sabi ko, pero hinalikan nya ulit nya, napaka tagal ng halik na yun, duon na tumulo ang luha kong kanina ko pa pinipigilan
Bigla ko syang tinulak at tumayo mula sa pagkakaupo "Tama na!!! Hindi na kita mahal!!!"
"Pero diba sabi mo mahal mo ko? Diba minahal mo ko?"
'Oo drake, mahal kita at di mawawala ang pag ibig ko sayo'
"HA-HA-HA ikaw mahal ko? Asa! Kahit kailan hindi kita minahal!! Niloko lang kita!!"
Tumalikod nako at nagsimulang umalis, ng may waterfalls sa mata ko at patuloy ang pagtulo ng luha ko, Ang saki, hindi ko matanggap na wala na sya, wala na sa tabi ko si drake ang lalaking mahal ko
Isang Linggo, isang linggo na kong nagtitiis na hindi makayakp, hindi mahalikan, hindi maka usap ang lalaking mahal ko, hanggang tanaw nalang ako sa kanya, kahit sila claire nagulat sa break up namin ni drake, pagkatapos nun wala nakong nilalapitan ni isa sa kanila
Minsan binabasa ko ang mga dati naming message ni drake
'Kumain kana?'
'Psst sabay tayo pumasok ah, sunduin kita dyan, :*'
'Goodnight '
'Ilove you baby'
Habang naglalakad ako sa may hallway ay halos lahat ng madaanan kong estudyante pagtitinginan ako sabay bulong. Sanay nako sa mga bulong bulong na yan, dyan sila nabubuhay eh sa pag chichismis
"J-janna?" napatingin ako sa nagsalita, si claire, ngumiti ako ng pilit para hindi nya malaman na miss ko na sya "Bakit?"
"Pwede ba tayong mag usap?"
"Nag uusap na tayo"
"I mean private?"
Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami ng parking at inalarm nya ang kotse nya "san naman tayo pupunta? May klase pako" sambit ko sa kanya pero di sya nakinig at nag madaling pumasok sa loob ng kotse nya
Binaba nya ang window ng kotse nya at sinilip ako "Tara na" lumabas sya ng kotse at pilit akong pinapasok sa loob
"San ba tauo pupunta? Pwede naman sa library nalang tayo mag usap, mag klase pako----"
"Ako na bahala, dont worry, ang maganda ngayon ay %@%#&@&@&#%#"
"Ano?"
"Wala"
At pinaandar nya na ang kotse ng mabilis, ilang beses narin may tumatawag sa kanya pero di nya sinasagot
Sa pinuntahan namin hindi ako pamilyar sa daanan, maraming matataas na bahay ang nandito ngayon, OMG di kaya?!! Kinidnap ako ni claire at papatayin ako kasi di ko sya pinanasin?!!! Omg!!!!!!! Sayang di pako nakapag paalam kay mommy-----
"Stop over thinking, kung ano ano na naman iniisip mo"
Luh? Sino kaya kausap neto? Nababaliw na talaga ang bestie ko, gosh ayoko na dito!!
"Nandito na tayo"
Bumaba kami sa isang bahay--- i mean isang mansyon!!!---- palasyo? Sa sobrang laki ng bahay na to, May malaking gate na kulay puti at napaka linis niyon may bumukas nang gate at pinapasok kami sa loob kasama nung kotse
"Wow" habang umiikot ako sa kabuuan ng mala palasyong ito ang Laki talaga kulang nalang ako ng dress sigurading princesesa nako
Pumasok si claire at dire diretsong umakyat may mga nakakasalubong kaming mga maid na pare pareho ng clothes
Huminto kami sa isang malaking pinto, papasok na sana kami ng may biglang humarang sa harap namin ni claire "Sorry mam, pero di po muna nag papapasok ng tao ngayon si ser"
Humarap si claire sa kanya "Heller!! Kaibigan nya ko, k-kami kaya pwede kaming pumasok , tabi dy-------"
"Mam bawal po talaga kami ang mayayari kay master"
Master? Teka nga naguguluhan nako ah, nandito ba kami sa bahay--- este palasyo ni dominique? "Uhm, janna wait lang ah kakausapin ko lang sya" tska sila umalis
Nakatingin parin ako sa isang malaking pinto na nasa harap ko ngayon, Master?!! Bakit may monster ba dito sa loob na to?
"Hi janna" nakita ko si claire ma nakangiting palapit sakin, bigla nyang binuksan ang loob nun kaso wala akong makita dahil napaka dilim
"Tara pasok na tayo" hinila nya ko pero na stock lang ako sa kinatatayuan ko "Tara na?!" ulit pa nya "n-natatakot ko sa loob n-nyan"
"Tss, tara na nga" at hinila nya ko ng tuluyan sa loob, wala talaga akong makita dahil napaka dilim, nasa likod ko lang si claire kaya wala akong ikatakot? Diba?! Tama ako?! Matapang ako!
"Claire?-----"
*Bang*
Shit! Sinaraduhan nya ko ng pinto ano gagawin ko ngayon? Pano kung may killer clown dito? O kaya white lady? O kaya Tiyanak?!!!
"Waaaaah claire! Palabasin mo ko dito?! Ayoko na dito?!! Natatakot na ko?!!!!!!" sigaw ko at pinag dadabugan ang pinto pero wala paring sumisigaw
"Hmmm................" Luh? May umungol, shit! Kinakabahan nako dito, "Jnna matapang ka? Diba? Fight lang" bulong ko sa sarili ko
Lumakad ako ng mabagal, dahan dahan na parang mag nanakaw na ko sa ginagawa ko kailangan wala akong magawang ingay o kahit ano pa man
Kinuha ko ang phone ko at inilawan ang nilalakaran ko, may nakita akong kama na king bed, shit ang sarap siguro humiga dun?
"S-sino nandiyan?"
*dug dug dug dug dug*
Bakit ganto? Sa konting salitang yun parang bumilis ang tibok ng puso ko? Sa kaunting salita parang naka ramdam ako ng pag ka miss
"D-drake?"
BINABASA MO ANG
Finding Mr. Gangster
Teen FictionAko si Janna De Guzman, love na love ko ang mga gangster sa love story sa wattpad, ang cool nila at ang astig, ano kaya pakiramdam ng maging gangster love story ang love story mo? Kaya nakagawa tuloy ako ng isang bonggang plano. Ill make that gangst...