Janna's POV
.
Kawawa naman si kaizer, bata palang pero naglayas na, kung ako siguro nandoon, talagang lalayas ako pero buti nalang at dito sya napadpad samin.
"Uhmm.... Mommy janna pwede po ba dito nalang ako?" tanong nya, bakit ba ang cute nitong batang to.
Dahil cute sya at masaya kasama " oo naman, pero bago yan, shopping muna tayo, bilhan kita ng damit shoes" masayang sabi ko.
"Yey" sabay yakap sakin, ang taba ng pisngi nya grabe sana ito nalang anak ko ,hihihihi.
"Daddy tara po, grouo hug tayo" h-huh? Group hug? Omg mayayakap ko si drake , omg//!!.
"Sige ba" sabay kayap samin, gosh ang bango nya, kahit nasa bahay lang sya, mga isang minuto rin kaming nagyakapan.
"Okay, na tara na?" tanong sakin ni drake, tumango nalang ako, "baby, maligo ka muna, iyan ulit isuot mo tapos pagnakabili na tayo tska mo isuot yung mga bago mong damit okay?" nag thumbs up sya tska kumapit kay drake.
"Daddy ikaw gusto ko magpaligo sakin!" sabi nya, "what?! Ayoko nga".
Kahit kailan talaga salbahe tong si drake, magpapaligo lang nakapa arte, bigla naman nag pout si baby kaizer "Drake?" tinignan ko sya.
Subukan mo lang tanggihan tong tingin ko, mayayari ka sakin, napabuntong hininga sya "fine" sabi nya, napipilitan lang ata sya hahahaha.
Drake's POV.
Bakit ba ako pa magpapaligo kay kaizer? Dapat sya na eh, ang tamad nya.
"Daddy drake, girlfriend nyo po ba si mommy janna?" tanong nya, aba ganun ba kami ka bagay nung janna nayun? Kaya napapagkamalan kami ng batang to?.
"Hindi".
"Ahh, pero gusto nyo po sya?" tanong nya pa, hinubaran nya lahat ng damit nya tska ko binuksan ang shower tska sya binuhusan, "hindi".
"Aww sayang naman po" kinuha ko yung sabon na safeguard tska pinahid sa braso nya yun, oo nga pala na dito kami ngayon sa kwarto ko, or kwarto ng mommy ni janna.
"Daddy! Gusto ko po dun" sabay turo sa bathtub, "sige".
Pinuno ko muna ng tubig tska tska nagbabad duon,--------
.
Kaizer's POV.
Nandito na kami ngayon sa mall, at nakahawak ang isa kong kamay kay mommy at ang isa kay daddy.
Nung unang sabi sakin ni daddy drake na hindi sila ni mommy janna, nalungkot ako, kask bagay talaga sila kaso hindi naman pala sila.
Kaya tinawag ko silang mommy at daddy para marealize nila na bagay sila maging magulang ko hihihihi >.<.
"Mommu kain tayo jollibee plisss!!!" sabi ko kay mommy, sakto naman na lumabas si jollibee mula sa restaurant wow ang laki ng puwet nya hehehehe.
"Jollibee!!!!" sigaw ko tska sya niyakap, lumapit naman sakin sila mommy tska ako pinicturan smepre nag pose ako naka peace pati narin si jollibee naka peace hihihi.
"Jollibee kain kami sa inyo" sabi ko, bigla naman nyang tinuro yung restaurant ng jollibee, bakit ba hindi sya nagsasalita? Kainis.
"Mommy ang laki ni jollibee".
"Oo nga kaizer eh, nakakatawa nga sya eh" sabi nya, nagtatalon talon naman ako habang hawak hawak nila ang mga kamay ko, at naglalambaras "tss, kaizer wag ka ngang malikot".
"Napaka kj mo naman drake" sabi ni mommy, napa irap nalang si daddy, teka nga bakla bato? Kaya hindi sila mag ka inlovan ni mommy?.
"Chicken!!" sigaw ko ng mailapag na ni daddt yung inorder namin, wow ang dai, kumuha ako kaagad tska sinawsaw sa gravy,.
"Haha, tignan mo may gravy ka sa labi mo, dahan dahan lang kasi" kumuha si mommy ng tissue sabay pahid sa labi ko, i like it.
"Oo nga pala san yan matutulog?".
*TING*.
Nagkaroon akong light bulb sa ulo, hihihi masaya tong naisip ko "edi sa kwarto ko nalang diba baby?".
"Sige po, pero gusto ko rin po katabi si daddy" sabi ko at nagpuppy eyes.
"Hehehe kaizer, sa iba matutulog si drake".
*pout*.
Nagkatinginan silang dalawa at parang nag uusap sila sa tinginan lang, biglang umiling si mommy kaya nag taka ako, nag pout pako ulit at binalik ang chicken sa plato.
"Tss, okay sige na nga!" sabi nya, "YAY!" agad ko syang niyakap, how much i lucky i am?.
Bumili kami ng damit ko, halos lahat ata binili nila, sapatos medyas, brief ko >.< tska sumbrelo, relo, lahat, pati lotion ko tska meron pang baby bath hehehe.
Pagkatapos ay naglibot muna kami "drake, pano sya sa school?" rinig kong sabi ni mommy, oo nga pala di pako nakakapag aral, sa ampunan lang ako natuto, tinuturuan ako mag english ng kaibigan kong americano, pero hindi ko masyado maintindihan kaya minsan ayaw ko makipag usap sa kanya.
"Deh pag aaralin" sagot naman ni daddy "ano kaba, sino magbabantay sa kanya?" tanong ni mommy.
"Yung yaya namin sa bahay" wow may yaya sila daddy," okay pero natatakot ako, baka kidnapin pa sya, yung mapagkakatiwalaan na yaya nyo" sabi naman ni mommy.
"Si yaya chedeng nalang, tska si manong kiko yung driver namin".
"Kailan natin sya ieenrol? Tska saang school?".
"Sa barasoain Memorial Elementary School".
"Okay......." biglang huminto si mommy tska umupo tska humarap sakin "baby mag aaral ka ah, kaso aasikasuin pa namin yung iba, yung form137 no, tska yung iba.........ayy oo nga pala pano nga ba yun?".
"Ako na bahala dun" sabi ni daddt, agad ko silang niyakap, tska umiyak.
"Mommy *hik* , daddy *hik* , salamat po" sabi ko.
Napakaswerte ko at sa kanila ako napunta, sa kanila ako binigay ni lord, thanks lord, sila na gusto kong maging magulang kahit dumating yung totoo kong mga magulang-----
[A/N : Dont forget to vote ang comment]
BINABASA MO ANG
Finding Mr. Gangster
Teen FictionAko si Janna De Guzman, love na love ko ang mga gangster sa love story sa wattpad, ang cool nila at ang astig, ano kaya pakiramdam ng maging gangster love story ang love story mo? Kaya nakagawa tuloy ako ng isang bonggang plano. Ill make that gangst...