Claire's POV
Kasama ko ngayon si janna, at tahimik lang syang kumakain dito sa canteen, hindi ko nalang din sya pinansin at nanood nalang ako ng youtube
Grabe ang gwapo ni jungkook my loves!! Sana magkaroon ulit sila bg concert para naman makita ko ulit sila!!! Acck! Kinikilig ako sa kanila!!!
"Claire"
Pinause ko muna ang pinapanood ko at tumingin kay janna "Bakit?"
"Balik na tayo sa classroom" sambit nya kaya bumalik na kami duon, bigla naman nyang pinatong ang ulo nya duon at natulog, ugh! Aayain nya ko pumunta dito matutulog lang pala sya? Wala pa namang signal dito sa classroom, makaalis na nga
"Claire!!!!!" sigaw ni reed na patakbo papunta sakin, ano na naman kaya problema ng kolokoy na to?
"Bakit?" mahinahong sabi ko hinawakan nya muna ang tuhod nya at naghahabol hininga "Kailangan daw ng tulong ni drake tara na!" at hinila nya ko
"T-teka nga! Ano ba kailangan nya?" tanong ko sa kanya, napakamot naman sya ng ulo nya at tumingin sakin "Monthsarry daw ngayon nila janna at drake at hindi alam ni drake kung ano ang mga gusto ni jana"
"Ahh ganun ba?!! Tara na" excited na sabi ko, kung kanina ay sya ang naghihila ngayon naman ako, halos madapa nga sya kakahila ko eh
"Teka claire dito tayo!!" sigaw nya at huminto kami sa harap ng principal office, kaagad duon pumasok si reed kaya naman pumasok nako, nakita ko si drake na naka upo sa upuan ng principal, wala syang galang! Sino sya para umupo dun? Nakita ko sa gilid ko si jake na malalim na nakatingin sakin
"O ano ba balak mo drake?" bungad ko habang sya naman nakapatong ang kamay sa desk at pinaglalaruan ang daliri
"Hindi ko nga alam eh, ano ba mga gusto ni janna? Gusto ko maging memorable tong monthsarry namin"
"Hihihi okay tutulong ako sa inyo!"
____________________________________________________________________________________________
"Okay na bayan?" tanong ko kay drake na ngayon ay inaayos ang regalo nya kay janna , sigurado akong maiihi sa kilig ang bestfriend ko pag binigay ni drake ang regalo nya kay janna
"Sigurado kabang matutuwa neto si janna?" nag aalangang tanong nya, "bahala ka kung ayaw mo maniwala!"
"Ano ready ka na ba?" tanong ni dominique na biglang umakbay sakin, kaya tinanggal ko yun, nakita ko na naman ang ngisi ni dominique na dahilan para magkaroon ako ng mga elepante, dragon sa tiyan
"Oo, yung pag plano? Okay na?" tanong nya din, oo nga pala, nag cutting ako oara lang tulungan itong si drake para sa monthsarry nila, grabe ang bilis ah! Ganun nya nga kamahal si janna, apaka swerte naman ni janna!!
"Okay na lahat!! Pati yung mga sulat na nakalagay hehehe ako nag sulat lahat nun" sigaw ni reed at talagang sa tapat pa ng tenga ko sumigaw! Kaya napatakip ako ng tenga, tumingin sa orasan si drake tamang tama malapit na ang uwian
"Pano ba yan? Alis na kami at tatawagin ko pa si janna" sambit ko at umalis na, papara na sana ako ng taxi ng may biglang humila sakin at sinakay ako sa kotse nya o should i say! Sa kotse nyang bulok!!!!!
"Ano ba?!!!!!" sigaw ko sa kanya "ihahatid lang naman kita baka kasi mapano ka" nag aalalang sambit nya "okay" hindi na ko nakapag salita dagil kitang kita ko sa mata nya ang sincere sya
Janna's POV
*Kringgggggggg*
Uwian na, at buong araw kong di nakita si drake, baka hindi sya pumasok, kumain na kaya sya ngayon? Ano kaya ginagawa nya? Si claire naman nag cutting hindi sya pumapasok sa klase sayang nay quiz pa naman kami sa TLE kanina
BINABASA MO ANG
Finding Mr. Gangster
Teen FictionAko si Janna De Guzman, love na love ko ang mga gangster sa love story sa wattpad, ang cool nila at ang astig, ano kaya pakiramdam ng maging gangster love story ang love story mo? Kaya nakagawa tuloy ako ng isang bonggang plano. Ill make that gangst...