♥Finding Mr.Gangster 41

1.3K 41 0
                                    

Janna's POV

Nagtataka parin ako, dahil una sa lahat bakit tinatanong ni jake kung may kapatid akong babae? Naguguluhan talaga ako, importante daw, eh hindi naman pala

"Ano binubulong bulong mo dyan?" tanong ko, napakabit balikat nalang sya "wala, tara hatid na "

"Wala ka pa bang itatanong?"

"Pikit ka"

"Ayy letche!!"

***

Pagka uwi ko ay, mukhang tulog na pala sila drake, Bakit ba tuwing uuwi ako dito ay gumagaan ang loob ko, hinubad ko ang sapatos ko tska pumunta sa kusina

"Hay salamat" nakainom din ng malamig na tubig, tuyong tuyo na ang lalamunan ko, kakatawa sa mga kalokohan ni jake

"Bakit ngayon kalang?"

"Ayyy bakulaw" biglang sumulpot sa harap ko si drake na naka salubong ang kilay at nakapamulsa, Goshhh ang gwapo nya,!!!

"Ah...ehh... May pinag usapan lang" sabi ko tska umalis sa kusina, pero sinusundan parin ako "At anong pinagusapan nyo?"

"Its none of you're business " pagtataray ko "its none of youre business pala ah!!"

"Ahhhhhhhh, bitawan moko drake!!!"

Bigla akong binuhat ni drake na parang bagong kasal at inihiga sa sofa tska sya dumagan sakin, Omg lord help me!

"Ano?"

Naramdaman ko tuloy ang mabango at mainit nyang hininga! Sheteng malupef pati ba naman hininga nya? Ang bango?

"U-umalis ka d-dyan" nabubulol kong sabi kasi naman yung mukha nya kung makadikit sakin! Enebe nemen yen

Hoy di ako pabebe ah....slight lang, hihihi (pipay version ^^)

"Ano nga pinag usapan nyo?" nakakainis naman to, "wala ka na dun!" sabay tulak sa kanya kaya nakahiga sya sa baba

Feeling ko namumula na ako, umakyat agad ako sa taas at naligo, nilock ko yung pinto ng kwarto, bahala sya matulog sa sala, kinikilabutan tuloy ako sa mga nangyari kanina


****

Kinabukasan, nagising ako ng may narinig na kalampag sa baba, katabi ko ngayon si kaizer, 4:21  am na


"Hoy drake! Wag ka ngang maingay!" sigaw ko sa kanya, pero tuloy parin ang ingay sa baba, kahit natatakot ako, bumaba parin ako


Patay ang ilaw sa baba, hinanap ko yung switch ng ilaw pero bago yun, may bumulong sa tenga ko,

"tulong." bulong ng matandang boses, agad kong binuksan ang ilaw, at bumungad sakin ang magulong sala



Maya maya biglang naglaho ang paligid at tanging dilim lang nakikita ko, may nakita akong bata, bata sya na nakatalikod sakin, at nagsimula na syang lumakad, may hinahabol syang bola, "sandali" naramdaman ko na lang na tumakbo na rin ako papunta sa kanya



Bigla syang huminto , nanatiling nakatalikod parin sya sakin, hinawakan ko ang balilak nya paraan para mapaharap sya sakin, ngunit pag harap nya ,ay syang biglang lumabas na liwanag sa gilid ko, kaya napatingin ako dun


*broggggggss*

-----

"Ahhhhhhh"

"Mommy, gising, nanaginip po kayo" bigla akong napabalikwas sa p.agkakahiga at nakita ko si kaizer at drake na nakatingin sakin


Bakit ganun ang panaginip ko? Anong gusto ipahiwatig nun? Pawis na pawis akong nagising, parang totoong nagyari ang mga yun

Finding Mr. GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon