♥Outbound tour (Part 2) 57

1K 36 0
                                    

Janna's POV

.
Finally nandito na kami ngayon sa laguna medyo trappic kaya inabutan kami ng hapon, eh nakapa init pa naman  'Tiyak Hill' grabe ang init ngayon ang sakit sa balat nung araw

Agad na kaming bumaba sa bus, smepre katabi ko ngayon si jake, sya kasi kapartner ko, tuwing titingin ako kay drake nag iiwas tingin sya, minsan naman pag lalapit ako sa kanya tas aabutan ko sya ng snacks tinatanggihan nya pero pag si pia ang mag aalok tatanggapin nya, nakakapang init lang ng ulo

"Eww ang sakit sa balat nung araw, alis na tayo dito" pag iinarte ng isa naming kaklase "edi umalis ka, mag isa mo"

"Booooooooo"

Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at pinunasan ang mga pawis ko na kanina dunadaloy sa mukha ko "Tara duon muna tayo, ng di ka pawisan" hinila ako ni jake sa puno kung saan may silong

Nabaling ang tingin ko kay drake na ngayon ay pinapayungan si pia, kung kanina ay parang galit o naiinis sya ngayon naman natutuwa sya! Ugh! Mamaya mag wawala na ko dito! Pigilan nyo ko!!!

"Ako na magdadala ng bag mo"

"Ano kaba sige hindi na, okay lang, ang bigat bigat ng bag ko, kaya ako na"

"Ako na, tignan mo dito pa ngalang di na tumigil yang pag patak ng pawis mo pano na kaya kung maglakad lakad tayo?" aww sobrang caring naman nitong si jake, pustahan swerte magiging gf netong si jake

Kinuha nya yung bag ko at nalalayan ako maglakad, medyo lubak lubak kasi ang daan, " gusto mo bang bumalik umupo muna sa lilim?, mukhang di mo kakayanin ang init eh"

"Okay lang keri ko yang matinding init na yan"

Nagtawanan nalang kaming dalawa, minsan iniisip ko pagkamalan pang body guard ko itong si jake sa sobrang caring, pero gwapong body guard hihi

"Hoy! Sumakay na daw tayo dito!! Kanina pa kayo tinatawag!!" sigaw naman sa di kalayuan ni drake, kami na pala ang hinihintay, nakakahiya naman, pagdating namin duon, naabutan namin ang 4 na jeep, nakita ko ang ibang boys nasa taas ng jeep, at mukhang mag eenjoy sila duon, kaso napaka init kaya

"Pasok kana" sambit ni jake sakin "eh pano ka?" tanong ko sa kanya, "duon sa taas" nakita ko si drake papaakyat na sa taas, "sure ka? Napaka init o" sabi ko pero ngumiti lang sya "okay lang, sige na" sambit nya bago sya umakyat

Pumasok nako sa loob at sa pagkamalas malas nga naman, nakaharap ko pa ngayon si pia, Ugh! Asan na ba kasi si claire? Baka nasa kabilang jeep, %@$#%#% bakit sya duon sumakay? Grrrr

"Hahahaha talaga? Haba ng hair mo pia"

"🎶Muling ibalik ang tamis, ng pagibig🎶"

Tawa lang ng tawa sila pia sa harap namin, at mukhang pinag uusapan pa ata nila ang mga kilig moments ng crush nila, pero parang si pia yung inaasar nila eh

"Uy! Pia ano pa sabi sayo ni drake? Dali na"

"Oo nga pia"

Drake? Si drake? Aba, nakakawalang galang na sila ah? Heller nandito ho yung girlfriend nya? Gusto ko sanang sabihin sa kanila yun, ng malaman nila kainis!

"So yun nga, may mga time na nakikipag kwentuhan sya sakin, staka mukhang nagugustuhan nya yung mga chips ko na ibinibigay sa kanya"

"Ayieeeeee"

Napairap nalang ako ng patago at nag earphone ayokong marinig ang mga landian nila ng boyfriend ko, yari ka talaga saking drake ka! Sumosobra ka naman ata?

Nakarating na kami sa pupuntahan namin pero kahit isang sulyap at 'ha he hi ho hu' wala akong narinig sa kanya, nakakainis lang nagawa pa nilang magharutan ni pia at mag picturd sa gitna ng paglalakad namin, parang gusto ko kumuha ng bato at ihagis sa kanila, nilalanggam nako dito eh

"Janca, picturan kita dali" sambit ni jake habang nakatutok sakin yung camera nya, tinakpan ko ng kamay ko yung mukha ko "bilis na! Bahala ka wala kang ippost nyan sa fb"

"Pano mo nalaman?"

"Secret, bilis na pose kana dyan ang ganda pa naman ng punong yan" sambit nya, "ayoko tayong dalawa dali, iset mo nalang yung camera" hinila ko sya at ako na ang nag set ng camera

Nagready na kami ng pose naming dalasa ako naman napa peace sya naman nakangiting pilit lang, halatang di sanay mag picture mag isa nya, pero lagi kong nakikita sa fb picture nya na naka stolen shot, ang dami pang likes ng page nya, pak na pak diba? Mag page pa


"Isa pa, 1,2,3 smile------"


"Hoy gusto nyong maiwan dyan? Selfie pa more kasi!!" sigaw ng lalaking kakairap lang samin, aba!! Kahit kailan talaga tong si drake! Minsan gusto ko nang isipin na bakla to, kaso naalala ko yung kung pano sya magsalita


Finding Mr. GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon