♥Finding Mr.Gangster 39

1.5K 43 8
                                    

Jake's POV

Hindi parin mawala ang mukha ng babae sa utak ko, bumabagabag sya sa utak ko, pero ang hindi ko makalimutan ang mga ngiti nya, na parang sya si angel

Oo hindi ko or namin nakita ang mukha ni angel pag laki nya, pero ang ngiti? Hinding hindi ko makakalimutan, ang mga ngiti ni angel, pero bakit kasama nya si tita lori?

Kaano ano nya yun? At saan nya nakilala? Ugh! Ang daming bumabagapag sa utak ko ngayon

7:21 pm

Habang nakahiga ako ay biglang pumasok si mommy sa loob ng kwarto ko

"Jake, di ka pa ba kakain?"

"Busog po ako" sagot ko sa kanya habang naka tingin sa kisame namin, di parin kasi mawala sa isip ko yung mukha nya, nakakainis lang, naramdaman ko na umupo si mommy sa higaan ko

"Ano ba ang bumabagabag dyan sa kokote mo? Inlove ka naba?" napabangon naman ako ng di oras, tamang may bumabagabag saakin pero sa kalokalike ni angel hindi, pero inlove ako kay janna

"Ma, nag uusap paba kayo ni tita lori?"

"Ahh bakit? Nag usap kami last last week pa, kasi nagpasama sya sa airport, may susunduin daw sya"

Susunduin? Eh wala namang asawa o anak si tita lori, at hindi rin sya palakaibigan, salbahe kasi yun, tska hindi nya pag aaksayahan ang oras sa pag sundo sundo sa aiport nayan, sino naman kaya ang sinundo nya?

"Sino po sinundo nya? Lalaki?"

"Ayy hindi! Babae sya siguro kasing edad mo lang sya, ang ganda nya nga eh, maiksi ang buhok, tapos sexy"

Maiksi ang buhok?! Teka!!! Maiksi din ang buhok nung babaeng nakita kong kasama si tita lori! Tska halos kasing edad lang ata namin

"Kaano ano nya daw po?"

"Ahh kaibigan lang daw nya, pero pag nagtatanong pako sa kanya...para iniiwasan nya?"

Bakit kaya iniiwasan ni tita lori ang mga tanong ni mommy? May kutob ako na may balak na naman syang masama, pero di kaya? Buhay pa si angel?

Janna's POV

Nandito na sila sa bahay namin!! Sila claire at dominique "Kyaaahh ang tagal kong di naka pasyal dito" tili nya nang makapasok kami

Si drake di namin sya kasama, sinundo pa kasi si kaizer sya na daw susundo, "claire alam kong gutom kalang, eto pag kain o" sabay abot ng cookies

"Awww walang brownies ni tita jenny?"

"Wala si mommy eh, namimiss ko na nga rin ang brownies ni mommy eh, dominique gusto mo ba cookies?"

"No thanks, ba ka di pa sapat kay calire yan........awww" bigla naman syang hinampas ng unan ni claire sa may sofa namin, Kunwari pa sila eh baka bandang huli ng storyang to eh sila mag katuluyan, tapos kami ni drake , kyaaaaaahh

"Tama na ang loving loving" sabi ko at pumunta ng kusina narinig ko naman na nag "yuccck" silang dalawa, awtsu! Kunwari pa ang dalawa sungalngalin ko kaya sila? Haha joke


Pagdating ko sa sala namin dala ang juice duon ko napansin na talagang bagay sila claire at dominique, isang may bangs at isang wavy ang buhok, iyown!


"Hoy maganda kaya ako"

"Saan banda, ang alam kong maganda sayo yung mukha mo, kamukha kasi ng paa ko hihihi"

"Sobra kana ah, nakakainis ah!! Kaya ba galit na galit ka sakin nuon? Kasi para kang basketball na bangko...hindi ka makascore?"

Boom! Kay lil sisang line yan ah? Sa filptop battle nila ni sheen? Astig! Nanonood din pala nun si claire

"Wow! Gusto ko sa bithday ko ikaw ang mag slice ng cake ko..para naman matikma ko yang hiwa mo...... Aray!"

Agad namang namula si claire at tumalikod, naku kung ako lang din ang sasabihan ng ganyan, talaga nakukurot ko si dominique at mahihiya.


Pero biglang humarap sa kanya si lil sisa---este si claire "ahh ganun? Bagay pala tayo kung naging sirena ako, kasi sakto mukhang shokoy ka, whahahaha"


Natatawa nalang ako sa kanilang dalawa, ganyan ba sila ka sweet? Nang bigla kong ilapag ang juice sa ibabaw ng lamesa ay syang nagbukas ng pinto at iniluwal nun ang mga mala adonis ang mukha, ang asawa----- este si drake at ang baby boy kong si kaizer

"Mommy!!" agad yumakap sakin si kaizer "m-mommy?" naguguluhang sabi ni claire

"Daddy, asan mo yung bag ko?" sabay tingin kay drake na bitbit naman ang bag ni kaizer "d-daddy?" naguguluhang sabi ni dominique ngayon pareho na silang tulala

😨-- dominique and claire

😐--- me

😑--- drake


😄--kaizer


Agad namang humagulgol ng iyak itong si claire , at niyakao agad sya ni dominique, na nakayuko din, lumapit samin si drake ngayon parang mag pamilya na kami sa pwesto namin, buhat ko si kaizer habang nakatabi sakin si drake


"Huhhuhuhuhu bessy i hate you, *hik* bakit hindi *hik* mo sakin *hik* sinabi?!"

"Bro, diba walang sikretohan? Bakit di mo agad samin sinabi?"


Nagkatinginan naman kami ni drake na nagtataka? Grabe lang ano ba iniisip nila dalawa?

"A-ano?"

"Besss!!! Bakit? *hik* di mi sakin sinabi na buntis ka pala *hik* at kay drake pa nanggaling?*hik* bes di mo ba ako napapagkatiwalaan *hik* at di mo sakin sinabi na, nabuntis ka pala ni drake------"

"Ano?!!!!!" sigaw ko, gosh yun pala ang iniisip nila?

"Ngayon ikaw pa ang galit?* hik* ikaw na nga di nagsabi sakin ng totoo eh"

Naku lord tulungan nyo ko sa, maduduming isip ng mga to!!

Finding Mr. GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon