♥Finding Mr.Gangster 35

1.6K 44 9
                                    

Janna's POV

Pagdating namin sa bahay si yaya na ang nagbukas, si yaya chedeng nandiyan lang yan sa bahay pag wala kami

Binabantayan nya kasi si kaizer, nung nakita ako ni kaizer agad syang tumigil sa ginagawa nya at lumapit sakin

"Mommy!!!!!!!" sabay yakap sa binti ko, bumaba muna ako para mayakap sya " how's school?"

"Ang saya po mommy, daddy tignan nyo po to" lumapit kami sa mesa at nakita namin na nag d drawing pala sya, yun pala yung ginagawa nya kanina

"Ito si mommy" wow ang ganda ko naman sa drawing nayan "ito si daddy" sabi ni kaizer tinignan ko naman yun, wow pati ba naman sa drawing gwapo parin sya? "And me!!" nakita ko na nakahawak ang kamay nya sa kamay namin ni dadd--- este ni drake sa drawing

"Ang ganda baby" sabi ko sabay yakap sa kanya, ginantihan nya naman ako ng isang mahigpit na yakap

"Uhmn... Mam, ser, eh mauna na ho ako saenyo kesi po mey babanteyan pa ho ako"

Tumango nalang ako , pati din si drake, umakyat muna ako sa taas at nagbihis sa banyo ng pambahay smepre

Narinig ko na nagtatawanan sila drake at kaizer "haha daddy bat po maitim po yung ilalim ng mata mo?"

Ayy shit yung eyeliner yun, nakita ko na biglang tumalikod si drake at tumakbo paakyat, nakasalubong nya pa nga ako sa hagdan eh, kaso sa sobrang pag mamadali ng loko, ayun di ako pinansin *tampo*

"Mommy, gutom na po ako"

"Ahhg same pala tayo baby, tara luto tayo sa kusina"

"Yehey" itinigil nya muna ang drawing sa malesa at lumapit sakin sabay hawak sa kamay ko

Kaso narinig kong nag vibrate yung phone ko kaya tinignan ko muna

From jake|bakit ganun? Lasang strawberry?|

Tss na wrong send ata si jake, diko gets sinabi nya eh, kayo ba gets nyo? Comments nyo nga kung gets nyo? I challange

Nanonood lang si kaizer habang nagluluto ako, baka kasi mapaso pa sya eh kawawa naman

Nagluto ako ng sinigang, sanay ako magluto ng mga ganito, bata palang ako tinuturuan nako ni mommy, mapa adobo, sisig, lasagna, etc

Bakit pag nandito ako sa bahay nato kasama sila kaizer parang nagiging masaya ako? Nagaganahan?

Parang asawa ko na tuloy si drake!!! Kyaaahh tapos si kaizer ang anak namin, o diba bongga! Ang gangster na kinatatakutan sa bar ni reed ay magiging asawa ko? In my dreams :(


Pero ano kaya feeling pag naging asawa mo si drake? Smepre masaya, tapos ipagtatanggol ka nya, yan lagi nababasa ko sa mga wattpad, basta gangster good lover ;)

"Kain na!!!!"

Sinandukan ko si kaizer ng kanina tapos si drake naman sa ulam, ayieee parang feel ko talaga na asawa ko na sya

"What with that smile?" tanong sakin ni drake "its none of you're business"

"Tss"

"Oh! Wag mo kong iirapan, itutusok ko to sa ngalangala mo" sabay pakita ng tinidor oero makulit parin inirapan parin ako, patagong tumatawa lang si kaizer

"Pwe!! Bakit ganito lasa nito?" reklamo ni drake kaya tinikman ko yung lasa, okay naman ah? Tama lang ang asim

"Okay naman ah? Maarte kalang kamo" pambabara ko "tss, unti lang kakainin ko"

"Bahala ka"

Totoo nga, kaunti lang kinain nya, nakakainis pati pag luto ng asawa----este pati pag luto ko nilalait nya?

9:21 pm

"Baby gabi na, tulog na" sabi ko bigla naman syang umunat kaya umakyat na kami sa taas at nilapag sya sa higaan ko, smepre sa higaan ko parin "0"

Namalayan ko ma rin na nakatulog nako.....

Kinabukasan


Maaga akong nagising at naligo, tska naghanda ng almusal, grabe napasarap ata tulog ko, bumalik ako sa taas at nakita ko sila drake na natutulog



Pati ba naman pagtulog nila ang gwapo parin nila? Mga ala adonis ang pag mumukha ng mga to



Hinalikan ko sa noo si drake-----joke si kaizer smepre, unti unting minulat nya ang mga mata nya "Good morning baby" bulong ko sa kanya, nag unat unat pa sya tska ngumiti "lets go na, mala late kapa sa school mo" bumangon sya tska nya kinusot ang mata nya


Ako na ang nagpaligo kay kaizer tska ko sya binihisan,

*DING DONG*


"mommy si yaya chedeng po yun" binuksan ko agad yung pinto at nakita ko nga duon si yaya chedeng "pasok ho kayo"



"Salamat" agad syang pumasok sa loob "ahh yaya, pwede po ba paki gising na ho si drake?"



"Hahaha, hanggang ngayon parin, antukin parin ang batang yun"



"Paanong hanggang ngayon po, yaya?"



"Simla ng bata pa yang batang yan ako na nag aalaga dyan, lagi talaga yang nag pupuyat tapos mahirap gisingin, iinit pa ulo pag ginising mo, minsan dati nung mga 17 yrs pa sya, pupunta yang bar ni reed at pag uwi may mga galos ang mukha, kaya ako na ang gagamot dyan, naging ganyan kasi yan simula ng mawala si-------"




"Daddy!!" nakita ko si drake na pababa palang, agad syang niyakap ni kaizer, kainis naman, dipa tuloy natuloy ang sasabihin ni yaya, nandoon na eh, oo nga pala, bakit ba kasi naging ganyan si drake, naging gangster?


Nababasa ko kasi sa wattpad minsan, dahil sa family, o kaya minsan dahil iniwan sila ng mahal nila, pero ayos naman sa family si drake eh, di kaya.......



Iniwan sya dati ng taong mahal nya?..... Pero sino?

Finding Mr. GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon