Janna's POV
"Psst janna gising"
Napamulat ang mga mata ko sa sunod sunod na paggigising sakin at nakkta ko si claire na nakapamewang sa harap ko
"Nasan na ba tayo?" tanong ko sumilip ako sa bintana at agad akong napatayo ng nasa harap na pala ako ng bahay namin, at nakita ko duon sa harap ng gate na kinakausap ni drake si mommy, pati si kaizer
"Mommy!!!! Kaizer!!!!!!!"
Bigla akong yumakap kay mommy at kay kaizer, "mommy namiss kita, kasi isang araw ka wala sa bahay" sambit ni kaizef sakin,
Oo isang araw akong nawala, duon na kasi kami natulog lahat sa rest house ng inupahan ng mga teacher para samin, kaya hindi ako nakauwi
"Hihi sorry na baby"
"O sya matutulog na kami sa loob, . . . . Janna!! Wala nang aalis ah, matulog na muna sa loob, sige na... . . kaizer tara na tulog na sa loob"
At pumasok na sila mommy sa loob, humarap ako kay drake na nakatingin sa malayo
"Drake"
Nanatili parin syang nakatingin sa malayo, "Drake?!"
"Ay angel---- o janna bakit?"
"Tss, ano ba iniisip mo?"
"Wala, sige na alis na kami ah" kaagad syang humalik sa noo ko na ikinalundag ng puso ko, pasimple kong pinalo yun sa sobrang takas ng heartbeat ko
"O sige, bye"
At tuluyan na silang nakaalis, hinintay ko munang makaalis ang sasakyan nila bago ako pumasok sa loob mag aalas syete na pala ng gabi, medyo maaga pa
"Janna?"
"Ay kabayo!!"
Agad akong humarap sa tumawag ng pangalan ko at nakita ko ang isang magandang babae na nakatayo sa harap ko, siguro kasing edad lang din sya ng mommy ko, ngumiti sya sa aakin, kaso ang nga ngiti nya ay may halong kakaiba
"Ikaw diba si janna?"
Papaano nya nalaman ang pangalan ko? O my gosh? Ang ganda naman ng stalker ko
"O-opo"
"Pwede ba tayong mag usap?"
__________________________________________________________________________________________________
"Ano po pag uusapan natin?"
Nandito kami ngayon sa isang coffee shop, walking distance naman tong coffee shop mula sa bahay namin, pero nag van naman kami
"O i forget! Im Lori Enriquez" at nag shakehands sya sakin, teka nga Enriquez? Kaano ano nya si drake?
"Didiretsyuhin na kita. . . .. . . . . "
Parang kinabahan ako sa sasabihin nya, basta parang dapat hindi nako sumama sa kanya
"Layuan mo si drake. . . . ."
Agad nanlaki ang mata ko sa sinabi nya, sino sya para sabihan akong layuan ko si drake? "B-bakit po?"
"Mapapahamak ka lang pag mas lumapit kapa kay drake. . . . . . . tita nya ko, at ako na ang nagsasabi sayo na hindi kita gusto para sa kanya kaya lumayo kana, o kaya makipag break ka"
Parang tumigil ang mundo ko, hindi pala talagang tumigil ang mundo ko sa sinabi nya, lalayuan ko si drake? Sa salita palang na yun hindi ko magagawa eh, ang layuan pa kaya si drake?
"H-hindi po ako papayag, mawalang galang na po, pero hindi ko susundin ang sinasabi nyo, aalis na po ako----"
"Alam mo ba ang sinasabi mo?"
Akmang aalis na ko pero nagsalita agad sya, alam ko kaya ang sinasabi ko? Oo alam ko! Kaya hindi ko susundin ang utos nya, pero pag pumipilit sakin na makinig sa susunod nyang sasabihin
"Pag di mo sya nilayuan, manganganib ang buhay ni drake, Hindi mo ba alam? Na may tinalikuran syang posisyon, ng dahil sayo at dahil sa pagtalikod nya na yun maaari syang balikan at patayin nalang sya nangbasta basta, janna im here to help you, to help drake! Iisipin mo pa ba yang pag mamahal na yan?! Kung delikado na si drake?!! Tandaan mo janna!! Sa ginagawa mong yan! Di mo alam ang kalalabasan! Kaya sana sumunod ka nalang, here's my calling card kung nakapagdidesyon kana, bibigyan kita ng 2 days"
At tuluyan na syang nakaalis sa harap ko, bigla nalang tumulo ang luha ko kasabay ng pag ulan sa labas, kung ipaglalaban ko si drake mapapahamak sya? Hindi kona maintindihan, ano ba yung tinalikuran nya ng dahil sakin? Bakit sya mapapahamak? Gulong gulo na ang isip ko sa mga nangyayari
Hindi ko kayang mapahamak si drake ng dahil sa pinaglalaban ko, ano na gagawin ko? Aish gulong gulo na ko, para nakong tanga na umiiyak dito sa coffee shop kaya umalis nako dun
"Pag di mo sya nilayuan, manganganib ang buhay ni drake, Hindi mo ba alam? Na may tinalikuran syang posisyon, ng dahil sayo at dahil sa pagtalikod nya na yun maaari syang balikan at patayin nalang sya nangbasta basta,"
Naglalakad ako ngayon habang umuulan, wala nakong pake kahit mabasa ako, hindi ko kayang iwasan o iwanan ang mahal kong lalaki na si drake, sya na yung laging nandiyan para sakin, para pasayahin ako
Bakit ba ganun? Kung kailan ayos na kami tska pa nag karoon ng problema at ang pinaka malupet pa dun ang layuan o iwanan sya, iniisip ko ang kaligtasan ni drake, pero pano naman ako, pano kami?
Ang mas diko pa nakakalimutan ang huling sinasabi sakin ng tita ni drake
"Si angel. . . nagbalik na sya. . . sya ang nararapat kay drake, Mas mahal ni drake si angel"
Tama! Tama na siguro ang magihisng desisyon ko na layuan na sya, okay lang kahit ako ang masaktan, si drake? Magiging masaya na man na ata sya kasi nandiyan na si angel, naalala ko nung birthday ni dominique, di kaya sya si angel? Yung nakasalubong ko, yung binalak pang habulin ni drake nun?
_______________________________________________________
"Anak!! Ano bang nangyari sayo? Bat ka nag ulan? Grabe ang init ng ulo mo ngayon, magkakasakit ka pa ata, tara na aalalayan na kita"
Buong gabi ang nasa isip ko pa ay si drake kung tama ba ang disesyon ko? Mahal ni drake si angel? Ang sakit lang
Naramdaman ko nalang na may nagpupunas sa noo ko at nakita ko si mommy na nag aalala sakin, agad ko syang niyakap at umiyak
"Anak?! Anong masakit sayo? Dali sabihin mo sakin?!"
Agad kong tinuro ang puso ko, ngunit ngumiti lang si mommy
"Dalagita na talaga ang anak ko, umiibig na sya"
Niyakap nya ulit ako, this time hinahagod nya naman ang buhok ko na mas lalong nag paiyak sakin, buti nalang may magulang ako na kagaya nya na handang tabihan ako sa mga problema ko ngayon
BINABASA MO ANG
Finding Mr. Gangster
Teen FictionAko si Janna De Guzman, love na love ko ang mga gangster sa love story sa wattpad, ang cool nila at ang astig, ano kaya pakiramdam ng maging gangster love story ang love story mo? Kaya nakagawa tuloy ako ng isang bonggang plano. Ill make that gangst...