Nakita ko si Nami sa kalayuan kaya agad akong tumakbo patungo sa kanya. Gusto kong malaman niya ang magandang balita.
"Claire saglit!"
Pagtawag ng friend ko sa akin.
"Naiwan mo payong mo."
"Salamat."
Nagpatuloy ako sa pagtakbo at hinatak ang kamay ni Nami. Sakto rin na naglabasan na ang mga estudyante non.
"Dalian natin, may mahalaga akong sasabihin.. dun tayo sa park."
Nilingon ko siya ng may buong pag ngiti.
"EH?!"
Nagulat ako at napahinto dahil hindi si Nami ang nahatak ko pero imposible, sigurado akong si Nami yon?
"So.. sorry."
Tsaka ko lang nabitawan yung pagkakahawak ko sa kamay niya sa bandang wrist.
"Hahaha.. tignan mo si Ica tinatanan ng babae oh."
Pang asar ng mga lalaki sa kalayuan na agad naman na lumapit.
"Miss.. may gusto ka ba sa Icarus namin? Haha."
"Naku sorry, mali pala ang nahatak ko."
"O.. okay lang."
Pagsagot niya na medyo nahihiya din.
"Naku miss, marami kang karibal kaya wag mo nang tangkain."
Sabi pa nung isang lalaki. Yumuko nalang ako dahil sa hiya.
"Si.. sige pasensya na."
Umalis agad ako sa harap nila at hinanap si Nami.
"Naku nakakahiya naman yon.."
Nakita ko si Nami malapit lang din kung saan ko siya sana nahatak.
"Nami!"
"Oh Claire... sige bye bukas ulit. Claire, tara na."
Wala man lang siyang kamalay malay sa nangyaring kahihiyan sa akin.
"Bakit parang gulat na gulat ka?"
"Wala naman."
Naisip kong kalimutan nalang yon, isa lang yung maliit na pagkakamali.
0000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000
"Nice ikaw na talaga."
"Hmmm... ako pa ba pinagpuyatan ko kaya yon. Sa wakas natalo ko na ang boss sa game na yon."
"Basta wag mo lang kakalimutan ang pag aaral mo."
"Nga pala kamusta ang project mo?"
Nag aalala ako kasi mukhang pagod siya tignan.
"Okay na."
Nag thumbs up siya.
"Ang hirap talagang mag aral no puro pa project lalo pa nasa top section ka. Buti ako sa gitna lang. Haha."
"Magbabakasyon na rin kasi kaya konting tiis nalang."
"Magbabakasyon na pero wala pa rin tayong lovelife."
"Saka na yon."
"Ikaw na talaga Nami."
"Sige na dito na ako. Wag kang puro games."
"Gwapo kaya yung mga character sa games no.. pakakasalan ko na nga si Ash eh."
"Bye."
"Bye ingat!"
Nagsimula na akong maglakad pauwi pero napansin ko ang isang pamilyar na mukha.
"Ah... pwe.. pwede po ba kitang makausap saglit?"
Hindi ako maaaring magkamali, siya yung lalaking nahatak ko kanina.
"Pwede po ba dun tayo sa park?"
Sa park kami nagpunta, tutal hindi pa naman kami malayo dun.
"Hmmm... sorry ulit kanina."
"Okay lang wala yon."
"Bakit mo nga pala ako gusto makausap?"
Kinakabahan tuloy ako, kasasabi ko lang kanina na wala pa rin kaming lovelife.
"Ako nga pala si Icarus, Ica ang palayaw ko. Ikaw?"
"Eh? Ako si Claire, Claire nalang."
"Tama ba, fourth year ka na po?"
Napalunok ako. Ano bang kailangan niya talaga?
"Oo."
"Third year po ako at sakto po ang paghatak niyo sa akin, parang dininig ang panalangin ko na sana may dumating na tao na tutulong sa akin."
"Tutulong? Sa.. saan?"
Move on kaya?! I.. imposible naman.
"Kailangan ko kasi ng mga respondents na fourth year. Medyo nahihiya kasi ako kumausap ng mga mas mataas na level. Please sana po matulungan mo ako?"
Ilang segundo akong natutula. Yun lang pala, akala ko kung ano na.
"Hehe.. ilan ba ang kailangan mo?"
"25 nalang po. Pero meron na akong makakausap bukas siguro 15. Kahit sampu lang po Ms. Claire."
"Oo naman, masaya akong tumulong sa mga nakababata sa akin."
"Talaga po! Thank you."
Nagulat ako kasi lumapit siya at hinawakan ang kamay ko.
"Oo sure yan."
"Pwede ko po ba mahingi ang number mo para matext kita."
"Ah oo ito ang number ko."
Medyo malapit kami sa isa't isa kaya napagmasdan ko siya. Cute siya, dagdag pa ang maganda niyang mata at matangos na ilong. Maputi siya pero ayoko sa maputi.
"Thank you po."
Bigla niyang tingin.
"Oo naman."
Hindi lang yun, mas matangkad pa siya. Karamihan sa mga lower level ngayon ay matatangkad.
"Promise, matapos lang tong project ko.. ililibre kita."
"Naku wag na."
"Sobrang konti nalang ang panahon ko, malapit ng magbakasyon kaya kailangan ko tong matapos ngayong week. Sobrang laking tulong non kaya promise yan Ms. Claire."
"Ba.. bahala ka. Galingan mo. Sige dito na ako bukas nalang. Saan ka ba?"
"Taga Golden Valley Subdivision ako."
"Ah talaga, dumayo ka pa talaga."
Kailangan niyang bumalik ng school dahil sa kabila yon.
"Mag iingat ka sa pag uwi."
"Ah malapit nalang ako, ikaw ang mag iingat malayo ka pa."
"Thanks, Ms. Claire."
Nagsimula na akong maglakad pauwi.
"Pati si Nami busy rin. Buti nalang ako may kapatid na matalino na handang tumulong sa akin."
Biglang tumunog ang phone ko. May message.
"Number ko Ms. Claire. Si Icarus to. Kung kailanganin mo din ng tulong ko, sabihin mo lang ah. Ingat."
Napangiti lang ako.
"Ang bait naman."
BINABASA MO ANG
Wrong Move
Teen FictionMaganda at maayos naman ang takbo ng buhay ko... pero dahil sa isang pagkakakamali, bigla nalang nagbago ang lahat. Minsan pala ang pagkakamali ay nagdudulot din ng magandang bagay. Sana nga lang... sana mas naging matapang ako, sana mas naging tapa...