Part 5 - Little Hurt

81 3 0
                                    

Lumipas pa ang maraming araw.

"Buti hindi na siya nagtext pa. Medyo nahihiya din ako."

"Claire, videoke daw tayo pag uwi."

Videoke? Mas gusto ko pang tapusin ang games ko.

"Pass muna ako."

"Ano ba yan? Ikaw Nana?"

"Hindi din ako pwede."

Ang hirap naman pag malayo ang best friend mo. Wala kang mapagsabihan sa mga tunay mong gustong gawin.

"Hindi ba kayo lalabas para kumain?"

"Hindi na."

Ayoko din kumain. Diet.

"HUH?! Icarus?"

Nung marinig ko ang pangalan na yon, tumayo ang balahibo ko at agad na pinagpawisan.

"Claire. May gustong kumausap sayo."

Napalunok ako. Huminga ng malalim at agad din na pumunta sa labas.

"Sige Ica, una na kami. Ms. Claire."

Mga kaklase niya ata.

"Tinuro po nila sa akin ang room mo."

Bakit ganun? Minsan magalang siya, minsan parang normal lang. Pero mas gusto ko yung normal lang.

"Icarus... pasensya na nung nakaraan."

"Ako po dapat ang mag sorry. Napaka insensitive ko at inuna ko pa ang sarili ko."

Pakiramdam ko siya ang fourth year at ako ang third year.

"Claire?"

"Ha? Ah. Hindi ka pa ba mag brebreak?"

Shit. Bakit yun ang nasabi ko? Kinakabahan ako.

"Di ba si Icarus yon?"

Narinig ko pa mula sa likuran.

"Hindi kasi ako mapakali pero mukhang ayos ka na talaga. Mag brebreak na ako."

"I..."

Napahinto siya at napatingin sa akin.

"Ingat."

Ngumiti lang siya. Teka parang nasaktan ko siya dun?

"Bakit naman siya masasaktan sa akin?"

Pero parang pinaalis ko siya. Icarus! Parang natauhan ako kaya tumakbo ako at hinanap siya sa canteen.

"Malas ang daming tao na. Ayon!"

Nagulat ako sa nakita ko. Nakaakbay siya sa isang hindi katangkaran na babae kasama pa ang ilang kalalakihan at mga babae.

"Likod palang.. maganda na."

Teka? Bakit ako nagkaka ganito?

"Wui! Wow hindi siya nagulat."

Huli ka na Nami, sobrang nagulat na ako sa nakita ko.

"Nami."

"Bakit?"

"Natural ba na umasa?"

Napatingin si Nami kung saan ako nakatingin.

"Akala ko ba wala lang?"

"Tama ka. Sino ba ako? Isang bagong kakilala lang. Haha. Bakit ganito? Parang may kirot?"

Hindi ko man napansin pero sa tingin ko.. nahulog na ata ang loob ko sa kanya.

"Wala lang yan. Wag na Claire."

"Hi.. hindi ko namalayan. Haha."

Alam kong masakit pero pinipigilan ko lang.

"Dun nga tayo."

Hinatak ako ni Nami sa isa sa mga bench sa labas ng canteen.

"Akala ko ba happily married ka na kay Ash?"

"Nami. Ang sarap pala ng tunay... yung totoo..."

"Sinabi ko sayo saka na yan... sa bakasyon na! Hahaha. Claire maghahanap tayo, marami pa diyan sa tabi tabi tsaka para tumigil ka diyan sa mga video games mo."

"Nami.. bahagi ko na ang video games. Ang sabi ko lang masaya pala pag naramdaman mo na yun."

"Ang alin ba?"

"Hindi ko rin alam. Baka love?"

"Grabe ka. Saglit lang yon, yun agad."

"Tama ka. Naku bakit ba ako nalulungkot. Hindi ako makapaniwala na nangyayari to bigla sa akin."

"Claire."

"Pag uwi ko, mawawala din to. Ganun naman. Isang tulog lang to o kaya isang game lang."

"Wag kang mag alala. Babahain tayo sa bakasyon."

"Haha. Masaya akong makausap ka Nami."

"Ako din Claire. Hayaan mo lilipas din yan."

Buti nalang nandiyan ang best friend ko, kung hindi baka kung ano ano nalang isipin ko. Sino ba ako? Bakit ako magseselos? Isang kaibigan lang. Isang bagong kakilala. Hindi ko dapat mamisunderstood si Icarus.

0000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000

Tawa kami nang tawa ni Nami sa paglalakad namin palabas ng school.

"Yung kaklase ko.. maling picture yung naplay sa presentation."

"Ahahaha."

"Miss bola!"

Nakita ko ang bola patalbog sa amin at saktong tatamaan si Nami.

"Nami!"

Humarang ako sa harap niya. Buti at likod ko lang ang tinamaan.

"Ayos ka lang Claire?"

Aray.

"Wala lang yon. Mahina lang."

Kinuha ko yung bola at lumapit pero napahinto ako bigla.

"Claire. I'm sorry."

Nakatingala ako sa kanya.

"Icarus, ayos lang hindi naman masakit."

Inabot ko yung bola.

"Eeeeeeeeeeee!"

Hiyawan ng mga kateam niya.

"Eh? Tumigil nga kayo. Pasensya na Claire."

"Uhum."

Nung kinuha niya yung bola sa kamay ko, para akong dinaluyan ng kuryente sa katawan. Paano ba naman humawak pa siya sa kamay ko na agad ko rin inalis.

"Ica.. rus. Yung kani.... Hindi. Sa susunod manonood kami ni Nami ng game niyo. Kaya galingan mo."

"Ta.. talaga? Dapat pala mag praktis ako nang maigi simula ngayon."

"Yes fight. Bye."

"Bye. Claire."

Sa paglakad ko palabas ng court, napatingin pa ako sa mga audience nila. Hindi ko sinasadyang makita yung girl kanina. Sa totoo lang, lahat nang nanonood magaganda pero nangingibabaw siya.

"Sa tagal mong bumalik Ica, nag break muna hahaha. A... ayos ka lang?"

"Kukuha lang ako ng tubig."

"Anong nangyari dun?"

"Baka crush ni Ica yung kanina?"

"Di ba niya nasabi sa inyo?"

"Hindi. Ang alin?"

"S.E.C.R.E.T"

Wrong MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon