Hindi ako mapakali. Hindi ako mapalagay. Hindi ako makapag focus..... dahil sa kilig.
"Akin ka lang."
"Anong nangyayari diyan at wagas kung makangiti."
"Ewan ko."
Buong weekends akong hindi nakatulog ng maayos. Hanggang ngayon ang saya ko pa rin.
"Tara na sa canteen."
May message galing kay Icarus.
"Saan ka? Sabay tayo kumain."
Sabay?
"Claire ano na? Tara na."
"Si.. sige."
Nagpuntahan na nga kami sa canteen. Una kong nakita si Nami at wala akong gustong gawin kung hindi ikwento sa kanya ang nangyari.
"Claire dito!"
Bago pa ako makapunta kay Nami ay tinawag na ako ni Icarus.
"Eh. Si Icarus ba yung tumawag sayo?"
"Oo."
"Naku, mukhang para sayo nalang yung upuan. Sige. Dun nalang kami."
"Anong meron?"
"Hi.. hindi ko rin alam. Baka magpapatulong lang."
"Hmmm? Ano sa tingin mo Cynthia?"
"Malay ko Nana."
May mga katabi si Icarus pero mukhang hindi naman niya kakilala.
"Icarus, asan ang mga kaklase mo?"
"Nandun sila sa kabila. Bumili na ako ng pagkain natin."
Napatingin sa amin yung mga katabi namin. Ano bang nangyayari sa amin?
"Salamat. Magkano to?"
"Libre ko na yan. Ngayon lang. Next time ikaw naman."
"Ah. Hehe. Ganun ba."
Medyo nakakahiya magsalita dahil maraming tao.
"Kamusta ka naman? Ang pag aaral mo?"
"Ito ayos naman, nakakapag focus naman sa pag aaral."
"Nga pala pag may kailanganin ka na wala sa library, di ba marami kaming libro. Sabihin mo lang."
"Naku Salamat Icarus. Malaking tulong yon."
Nakakailang. Bakit dito pa sa canteen.
"Clai..."
Napahinto si Nami nung makita kung sino kasama ko kaya sumenyas nalang siya na aalis na. Kanina ko pa rin napapansin na may mga tumitingin tingin sa amin.
"Hmm.. ang sarap nito Icarus. Salamat. Kailangan ko nang bumalik."
"Ako din...."
"Ica tara na."
Pagtawag sa kanya ng kaibigan niya na ngumiti pa sa akin.
"Claire. Mauna na ako."
"Uhum."
Tumitig pa siya sa akin tapos ay ngumiti. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas na siya. Biglang tumingin si Carina na wala namang reaksyon. Hindi galit, hindi rin masaya. Neutral lang.
"Hooooo..."
Nagpunas ako ng pawis. Parang hindi ko naenjoy ang pagkain dahil todo titig siya. Bumalik na rin ako ng room.
"WEEEEEEE!!"
"Anong meron?!"
"Anong meron? Ikaw ang dapat naming tanungin?"
"Oo nga Claire, bakit ang sweet niyo ni Icarus?"
"Swe.. sweet? Kumain lang naman kami."
"Bakit ganun siya makatitig sayo?"
"Hmmm.. naalala ko rin na pinagpag niya yung likuran mo at hindi ka mapakali pagkatapos."
"Huh?! Tumigil ka nga."
"Magkwento ka naman."
"Oo nga, wag kang makasarili."
"Claire.."
"Claire!"
"TUMIGIL NA NGA KAYO!"
Natulala sila at napatigil.
"Anong meron? Wala."
Totoo naman. Wala naman talaga. Kahit ako, nagtataka. Dahil siguro to sa kahapon.
"Basta Claire pag meron, magkwento ka ah."
Hirit pa ni Clarisse.
"Sabi na eh, may something sa inyo. Yung kay Freya pala, nag confess pala siya kay Icarus kaya akala ng mga tao siya yung nanliligaw."
Buti nalang sinabi ni Cynthia.
"Ganun pala yon."
"Tumigil na kayo. Wala lang yon."
"Okay. Hehe."
Sa wakas, natapos din ng matiwasay ang klase. Gusto ko na kaagad makauwi. Sa text ko nalang sasabihin kay Nami lahat lahat.
"Una na ako."
"Claire! Ano ba yan siya."
"Eh? Biglang umambon?"
Malas hindi ko dala yung payong ko.
"Ambon lang naman."
Pahinto hinto ako kung saan makakasilong kahit papaano.
"Kainis, kung kailan hindi dala yung payong tsaka pa umambon."
Okay. Sugod.
"Claire!"
Huh?! Hinatak niya ako papunta sa court dahil may bubong dun.
"Bakit ka nagpapa ambon?"
Napatulala pa ako ng ilang segundo. Anong gagawin ko? Ang daming tao sa court at nakita nila ang ginawa ni Icarus.
"Naku Icarus ayos lang. Nagmamadali din kasi ako. Sasakay nalang ako."
Pilit kung ginagawang normal lang ang lahat.
"Ica, pahiram mo nalang yung jersey mo oh."
"Salamat. Ito gamitin mo kung talagang nagmamadali ka. Ipang taklob mo."
"Pa.. paano ka?"
"Mamaya pa ako uuwi. Sige na. Mag iingat ka sa pag uwi."
"Uhum."
Tumakbo na siya.
"Icarus."
Nang makabawi na ako at humarap na ako. Nakita kong nakatingin ang mga tao sa akin.
"Girlfriend ni Icarus?"
"Ewan?"
"Ang swerte nung girl, sana ako rin."
Naku naman. Pero ang saya ko. Ewan.
"Icarus!"
Napatingin ako sa tumawag.
"Nami?!"
"Nakalagay kasi diyan sa jersey jacket mo Icarus, No. 21."
Namula ako sa sinabi ni Nami.
"Tara, may payong ako."
"Uhum."
Ngayong araw ay sobrang kakaiba. Naikwento ko kay Nami ang lahat. Sobrang nagulat din siya.
"Hindi ako makapaniwala, nag kiss na kayo at sinabi pa niya yon? Naku naku dapat mo siyang tanungin kung bakit niya ginagawa yon?!"
"Uhum!"
Pag may pagkakataon, tatanungin ko siya ng diretso. Pero sa ngayon, sobrang kinikilig talaga ako.
BINABASA MO ANG
Wrong Move
Teen FictionMaganda at maayos naman ang takbo ng buhay ko... pero dahil sa isang pagkakakamali, bigla nalang nagbago ang lahat. Minsan pala ang pagkakamali ay nagdudulot din ng magandang bagay. Sana nga lang... sana mas naging matapang ako, sana mas naging tapa...