Part 12 - Home

66 2 0
                                    

"Kuya, girlfriend ko pala. Si Claire."

"Oh. Ikaw pala. Hi Claire. Orion."

"Hmmm? Ang ganda naman po ng mga name niyo."

"Ahehe, ang totoo niyan mahilig kasi sa mythology ang parents namin ni Icarus kaya ganun."

"Tulad niyo Claire, dalawa lang kami."

Hindi ako makapaniwala hanggang ngayon. Nung nakaraan lang umiiyak ako. Ngayon sobrang saya ko.

"Parehong nasa abroad ang parents namin."

Dagdag ng kuya ni Icarus.

"Teka, dun kayo sa sala. Magdidilig pa ako ng mga halaman eh."

"Walang pasok si kuya ngayon eh kaya nandito siya sa bahay."

"Ganun ba. Pero kahit mga lalaki kayo, sobrang linis ng bahay niyo."

"Strikto kasi sa kalinisan ang parents namin."

Nakakatakot naman. Buti wala sila dito.

"Ah. Ang galing naman."

"Kaya ikaw, mag iingat ka."

"Eh?"

"Haha wala naman."

Kinilig pa rin ako kahit papaano sa sinabi niya.

"Pasensya na Icarus, napaaga ako."

"Oo nga eh pero okay lang. Pwede diyan ka muna at kumain. Di ko pa kasi nalilinis ang kwarto ko."

"Gusto mo tulungan na kita."

Masaya kung alok. Siya rin naman pala.

"Ah. Hindi. Ka.. kasi.. kwarto yon ng lalaki. Hayaan mong ako nang maglinis."

"Huh? Ah sige dito muna ako."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Ngayon ko lang siya nakita na ganun.

"Oh bakit ikaw lang nandito? Si Ica?"

"Nasa taas po."

"Ah, naglinis siguro ng kwarto? Marami kasing babasahin yon."

"Hehehe. Ganun po ba."

"Oo ganun talaga ang mga lalaki. Haha."

"Kuya."

Nagulat ako. Ang cute ni Icarus, parang bata lang.

"Biro lang Ica."

"Gusto mo ba dun sa taas Claire. Mas tahimik dun."

Huh?! Sa taas? Sa kwarto? Ka.. kami lang?

"Sige."

Umakyat ako sa taas.

"Pasensya ka na, inayos ko pa kasi yung mga libro. Nakakalat eh."

Grabe, malaki pa pala sa taas nila. Ang kwarto ni Icarus, may shelf na puno ng maraming libro. Mukhang mali ako nang inisip kanina.

"Tignan mo Claire, ito yung game ko. Hindi ko na nagagamit eh. Gusto mo sayo nalang yung mga bala?"

"Wow, hindi ako makapaniwala. Ang dami mong libro."

"Ah.. teacher kasi ang papa ko. Simula pagkabata sinanay na niya kami na mahilig sa libro. Claire nasaan nga pala ang papa mo. Hindi ko ata siya nakita?"

"Ah si papa, minsan lang siyang nakakauwi. Stay in kasi siya sa trabaho niya."

Bakit parang ang bilis ng mga pangyayari? Ngayon ay nagkakakilanlanan na kami ng mga parents namin.

Wrong MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon