"Okay na Nami."
"Oh. Talaga?"
"Pwede na tayo mag gala at mag hunting ulit."
"Haha. Ikaw talaga. Paano nangyari?"
"Hmmm? Nag usap lang kami tapos okay na."
"Ganun lang? Ganun lang."
"Madali lang ang mga bagay ngayon."
"Ganun lang."
"Saan tayo ngayon?"
"Samahan mo nalang ako sa library muna. May sasauli lang ako."
"Sure."
Ang galing ko talaga. Nagsinungaling na naman ako.
"Saglit lang Claire, may hahanapin lang ako. Magbasa ka lang muna diyan."
"Sige. Hmm..."
Ang galing ko talaga magpanggap.
"Ay sorry."
Hindi ko namalayan kasi nakatingin ako sa mga libro.
"Claire."
"EH?!"
Bakit siya pa?
"I.. Icarus. Ikaw pala yan."
"Uhum."
Tahimik lang kami. Dapat lang dahil library yon. Kung ngayon na kaya ako mag sorry? Naalala ko pa yung kagabi. Wag kang iiyak Claire.
"Sorry. Nasaktan ko kayo. Sorry. Sayo at kay Belle."
Mahinahon at mahina kong sabi. Nagulat siya at napatingin sa akin. Binalik ko yung librong hawak ko.
"Claire."
Sapat na ang mga nangyari at ang nakita ko para tumigil na sa kabaliwang ito.
"Sige dun na ako."
"Claire saglit."
Hinawakan niya ako sa braso.
"Ano yon?"
Nakatalikod ako sa kanya. Nararamdaman kong pahigpit nang pahigpit ang paghawak niya sa braso ko.
"Ayaw mo na ba talaga sa akin?"
Mahina niyang tanong. Ayoko na. Ayoko na. Pero ang puso ko..... naguguluhan ako. Ano ba ako sa kanya? Huli na para magtanong kaya nag desisyon na ako.
"Uhum. Good luck sa inyo."
Agad akong lumabas ng library.
"Claire?"
"Antayin kita sa labas Nami."
Sa wakas ang kasinungalingan kanina ay naging katotohanan na.
0000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000
"Ang tahimik mo?"
"Nahilo lang ako."
"Ganun ba. Teka tumatawag si mama. Hello ma? Po? Sige po. Naku Claire, kailangan kong pumunta sa apartment ni insan. May padala daw eh, binigay ni tita."
"Pwede ba ako sumama?"
"Sige mas maganda nga yun eh. Tara na."
Ayokong umuwi, iiyak at iiyak lang ako. Gusto ko makalimutan ang lahat.
"Hi insan."
"Pasok kayo."
"Hello po Kuya Jasper."
"Kamusta Claire? Pasok kayo."
"Ayos naman ako, ewan ko lang si Claire."
"Hehe. Mukhang malalim yon ah."
"Tumigil ka nga Nami."
"Hehe. Nga pala. Ito oh, pinapabigay ni mama. Pasensya na pinuntahan mo pa talaga."
"Okay lang insan, para naman makapasyal pasyal din. Tumatawag si mama.. saglit lang sagutin ko lang. Hello ma? Ano? Huh? Teka, Labas lang ako saglit."
"Mahina talaga signal dito."
"Pero ang ganda dito."
"Oo nga eh, sulit na kahit papano."
Medyo napatahimik kami.
"Hmm.. kamusta po ang college life?"
"Hectic Claire. Minsan walang tulog."
"Nursing po kayo no."
"Kaya kung mag nunursing ka, siguraduhin mo muna."
"Hehe."
Nagkatinginan kami.
"Okay ka lang ba Claire?"
"Sana... may gamot na kayang humilom ng sakit sa puso."
"Meron nam..... ahhhhhh. Haha. Kaya pala."
"Ahehehe. Pasensya na. Ang corny."
"Para sa akin yan lang ang sakit na masarap."
Nagtaka ako sa sinabi niya.
"Masarap? Bakit po?"
"Ilang beses na rin akong umiyak dahil diyan kahit hindi halata, pero narealize ko na ang sarap pala magmahal. Mas masakit, mas nagmamahal ka. Kaya don't give up kung alam mong kaya mo pa."
"Nice. Paano kung hindi mo na kaya?"
"Kaya nga learn to let go. It's not giving up, you just know that it's enough already... that you did everything for that person but still nothing. All just pain."
"Hindi ko pa rin maintindihan. Hehe."
"Hehe. Hayaan mo na. Simple lang naman kasi ang love, pinapakumplikado lang ng mga tao."
Napaisip ako dun. Hmmm..
0000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000
"Dito na ako Claire."
"Bye. Ingat Nami."
Kumaway ako kay Nami.
"Claire!"
Nagulat ako.
"Kuya Orion?!"
"Pauwi ka na?"
"O.. opo. Hehe."
Medyo nakakailang.
"Kamusta na kayo ni Ica? Pasensya na ah, busy lang sa trabaho kaya nangangamusta lang."
"Wala na po kami. Tapos na po ang lahat sa amin."
"Tapos na talaga?"
"Uhum. Wala na po talaga."
"Pasaway talaga tong si Ica. Pinaiyak ka ba niya?"
"Tapos na po yon Kuya Orion. Hayaan niyo na po."
"Ganun ba Claire. Pero sa tingin ko sa kanya, hindi pa. Lalo pa siyang na depress."
Huminga ako ng malalim.
"Wag po kayong mag alala. Magiging masaya din si Icarus."
"Ikaw kasi bakit Icarus tawag mo sa kanya. Ica nalang."
Napangiti lang ako.
"Ehem."
Napatingin ako.
"Oh Ica, pauwi ka na ba? Batiin mo naman si Claire."
"Hi."
Tapos na kaya okay lang. Ngumiti ako.
"Hello."
"Ah. Ehem. Sabay na tayo Ica. Pano Claire. Mag iingat ka."
"Uhum. Kayo rin po. Bye."
Ang tibay mo talaga Claire. Nagagawa mo pa ring ngumiti sa kabila ng mga nangyari.
BINABASA MO ANG
Wrong Move
Teen FictionMaganda at maayos naman ang takbo ng buhay ko... pero dahil sa isang pagkakakamali, bigla nalang nagbago ang lahat. Minsan pala ang pagkakamali ay nagdudulot din ng magandang bagay. Sana nga lang... sana mas naging matapang ako, sana mas naging tapa...