"WOOOOOOOO!!!"
"FIGHT TEAM!!!!"
Nagsimula na ang game. Ang daming tao ata ngayon.
"WOOOOOOO!!!"
Sigawan ang mga tao pag nakaka shoot ang team nila Icarus.
"Cla.. Claire, bakit sumusulyap sayo si Icarus?"
"Eh? Ano... kasi wala lang yon! Di ba sabi ko na sa inyo tigilan niyo na ang pang aasar."
"Tama na yan Clarisse. Napag usapan na natin yan di ba."
"Oo na Cynthia."
Buti nalang. Sa ngayon, game muna dapat isipin namin.
"Go Icarus!"
Eh?! Nag thumbs up siya sa akin. Nagsitinginan naman ang mga kaibigan ko sa akin.
"A.. ano yon?"
"Icarus! GO!"
"WAAAAAAAA!!!"
"FIGHT! FIGHT!"
Sa kalagitnaan ng saya ko ay bigla nalang itong napawi.
"Hi. Pwede ba tayo mag usap saglit?"
"Si.. sino siya Claire?"
"Mamaya nalang Nami. Uhum. Sa canteen nalang."
Pumunta agad kami ng canteen. Binilisan ko ang paglalakad kasi may game pa.
"Anong pag uusapan natin?"
Mahinahon kong tanong. Eh? Parang naluluha na naman siya.
"May ipapakiusap sana ako sayo."
Napalunok ako. Parang ganito din yung kay Carina dati. Pero ano man ang mangyari ay hinding hindi na ako tatakbo pa.
"Bago yon, gusto kong mag sorry nung nakaraan. Nabigla lang ako."
"Ah. Naiintindihan ko. Masama ang pakiramdam mo non. Okay lang. Nagulat lang ako sa naging reaksyon ni Ica nung sinabi ko na may sakit ka nung araw na yon. Hindi ako makapaniwala. Mukhang alam ko na talaga kung sinong nagugustuhan niya, ikaw yun di ba?"
Gusto kong maging matapang. Ngayon, may karapatan na ako.
"Magulo pa kasi nung mga time na yon. Pero ngayon gusto kong malaman mo na oo, at kami na."
Tuluyan na nga tumulo ang mga luha niya.
"Ms. Claire, may ipapakiusap ako."
"Sabihin mo."
"Please, ibalik mo siya sa akin. Please. Alam kong mahal pa rin niya ako. Please, wag mo siyang kunin sa akin."
Napatahimik ako sa sinabi niya. Nag isip ako tsaka huminga ng malalim. Naalala ko ang sinabi ni Carina kanina.
"Mas gusto na kita kaysa kay Belle. Wag po kayong magpatalo sa drama non."
Narinig ko na ang lahat kay Icarus.
"I'm sorry. Pero mahal ko si Icarus at alam kong mahal niya rin ako......."
Ngayon ay magiging tapat at matapang ako.
"At alam kong sa ating dalawa, ako ang pipiliin niya."
"Ms. Claire."
"I'm sorry."
Tsaka ako umalis sa harapan niya at bumalik sa court. I feel sorry for her pero sa tingin ko tama ang ginawa ko para magising siya at tuluyan nang mag move on.
0000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000
Nakabalik ako sa court at nagpatuloy sa pag checheer.
BINABASA MO ANG
Wrong Move
Teen FictionMaganda at maayos naman ang takbo ng buhay ko... pero dahil sa isang pagkakakamali, bigla nalang nagbago ang lahat. Minsan pala ang pagkakamali ay nagdudulot din ng magandang bagay. Sana nga lang... sana mas naging matapang ako, sana mas naging tapa...