Part 35 - Claire and Icarus

74 1 0
                                    

Pasukan na naman. Ang gaan lang ng pakiramdam ko. Ang gandang pagmasdan ng mga dahon ng puno na dahan dahang bumabagsag mula sa mga puno.

"Icarus?!"

"Sabay na tayo pumasok."

Sabay kinuha ang isa kong kamay at naglakad kami papasok ng magkahawak kamay.

"Nakatulog ka ba ng maayos?"

"Oo naman Icarus. Ikaw?"

"Hindi gaano."

"Eh? Bakit?"

"Masaya lang ako."

"Hehe. Ganun ba."

Medyo namumula siya na hindi mapakali. Hindi lang pala mga babae ang kinakabahan ng sobra, pati rin ang mga lalaki. Ngayon, mas naiintindihan ko na.

"HEY!"

"Oh. Good morning."

"Ang aga aga, ang sweet niyo ah."

"Tigilan niyo nga kami."

"Ahaha."

"Claire. Good morning."

"Good morning sa inyo."

"Bakit hindi tayo sabay sabay lumabas mamaya?"

"Gray...."

"Pwede din naman."

"Ah. Okay lang ba sayo Claire?"

"Oo naman Icarus."

"Sige mamaya. Kitakits tayo. Pano Claire, kukunin na namin sayo si Ica. Bye."

"Tumigil ka nga."

"Hehe. Sige kitakits mamaya."

"Mamaya nalang Claire."

"Uhum."

Ngumiti pa sa akin si Icarus bago nagsimulang maglakad palayo.

0000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000

Pagpasok ko agad sa room ay iba na ang tingin ng mga kaklase ko.

"Wala pala ah."

"Eh? Pasensya na."

"Okay lang Claire. Masaya kami para sayo."

"Hehe. Salamat."

"So ano ba talaga nangyari?"

"Eh?! Clarisse."

"Hahaha."

Ang saya lang nang nangyayari sa akin ngayon. Hindi ko pa rin lubos maisip na magiging ganito ako kasaya. Parang noon, umiikot lang ang mundo ko sa video games. Ngayon mas naaappreciate ko ng lubos ang mga kaklase ko, mga kaibigan, pamilya ko, ang special someone. Mas masaya palang mabuhay sa totoong buhay.

"Libre ba kayo mamaya?"

"Eh?"

Nung break. Nakipagkita ako kay Nami.

"Nami. Libre ka ba mamaya?"

"Sa tingin ko naman."

"Sama ka sa amin ah."

"Sure."

Ang saya niya? Hindi kaya...? Hehe. Kung anuman yun, lagi lang ako nasa tabi mo Nami gaya nang ginawa mo nung mga panahon na kailangan kita.

0000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000

"Ayan na si Claire. Eh? Ang dami niyang kasama."

Wrong MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon