"Claire! Akala ko ba susunod ka? Dahil diyan, sasama ka sa videoke ah."
Parang ayoko nga pumasok dahil sa nangyari kahapon. Pakiramdam ko tumakas ako. Hindi nga ba?
"A.. anong nangyari sa game?"
"Secret. Hindi ka pumunta kaya bahala ka."
"Hehe. Nanalo sila Icarus. Hinanap ka nga eh, sabi naman ni Nami may lakad ka daw na importante bigla?"
"Ah.. oo nga eh. Biglaan."
"Ang saya pala manood ng basketball no."
"Masaya lang yun pag may gusto ka sa mga players haha."
Ang saya saya nila. Kasalanan ko. Nakapagtataka, hindi man lang nag text si Icarus tungkol kahapon.
"Anong gagawin ko?"
"Sulitin natin ang mga huling araw. Yey!"
0000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000
Nakatingin lang ako sa mga paa ko habang naglalakad patungo kung saan daw kami pupunta.
"Yung kainan dun, may videoke. Dun tayo. Malapit lang sa park."
"Oo nga, maganda daw dun."
"Wui Claire, okay ka lang?"
Okay lang? Hi.. hindi.
"Oo naman."
Pakiramdam ko dapat akong mag sorry ng personal. Pero paano?
"Ah Ms. Claire?"
Pagtawag sa akin ng nakasalubong namin. Natatandaan ko siya. Kaibigan ni Icarus.
"Wala ka pala kahapon. Kaya pala medyo badtrip si Ica."
"Ba.. badtrip? Bakit naman?"
"Ewan. Pero buti nalang nanalo pa rin kami. Marami naman kaming ace eh."
"Ahm. Nasan ba si Icarus ngayon?"
"Umuwi agad siya kanina eh."
"Saan ba siya sa Golden Valley?"
"Bakit? Pupuntahan mo ba siya Ms. Claire?"
"Hi.. hindi naman. Mag vivideoke pa kami eh. Natanong ko lang."
"Ah. Basta pagpasok lang ng Golden Valley, yung pangalawang bahay, kulay puti."
"Ah. Hehe. Sige mauna na ako."
"Sige. Pakasaya kayo."
"Salamat."
Alam ko na ang lokasyon niya. Pupunta ba ako?
"Claire dali."
"Anong kanta natin Nana?"
"Ahehe gusto ko yung My Heart Will Go On."
"Ano ba yan siya oldies."
Nagsimula na nga silang magkantahan.
"Badtrip siya? Dahil ba talaga sa akin?"
"Anong sabi mo? Hindi ka pa pumipili ng kanta. Dali."
Dapat akong gumawa ng paraan.
"Marianne, may pupuntahan lang ako."
"Ano? Kumanta ka muna."
"Oo nga, wag kang tumakas."
"Sige na nga. Akin na."
"Teka kanta ko yan."
Eh?
"Maybe this time? Sino ba pumili nito ang luma naman?"
"Nana."
"Di bale, kantahin ko na."
0000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000
"Hingal na hingal na ako. Ayon."
Anong sasabihin ko? Parang nangangatog ang tuhod ko?
"Kaklase ka ba ni Ica?"
Nagulat ako sa nagsalita sa likuran ko.
"Ah. Opo."
"Kuya niya ako. Nandun siya sa court, yung may poste lang na yon. Mag isa lang siya dun."
May kuya pala si Icarus? Mukhang working na siya.
"Ah. Thank you po."
"Medyo badtrip lang ah. Ingat. Hehe."
Badtrip? Kanina pa yung word na yon ah. Kinakabahan tuloy ako pero kahit ano pa, may kasalanan ako dahil hindi ako pumunta at yun ang gusto kong ihingi ng tawad. Yun lang ang dahilan ko.
"Icarus."
Nagbabasketball siya mag isa. Naka school uniform pa.
"Icarus!"
"Ica!"
Pagtawag ko na may masayang tono. Napahinto naman siya.
"Eh?"
Mula sa kabilang side, nakita ko si Carina. Tumakbo siya at yumakap kay Icarus.
"Mukhang hindi niya narinig ang pagtawag ko."
"Eh? Ms. Claire?"
Nakita ako ni Carina. Tsaka lang lumingon si Icarus. Parang gusto ko nang sumabog, hindi ko alam kung ano nang gagawin ko.
"Ehem. Hello Carina. Hi Ica.. rus."
Bakit wala man lang siyang reaksyon? Basta. Lumapit nalang ako. Si Carina naman nakahawak lang sa braso ni Icarus. Tama. Nandito ako para mag sorry. Yun lang.
"Magkakilala kayo?"
"Uhum. Magkaibigan kayo di ba so dapat kilala ko ang mga kaibigan mo Ica."
"Ah."
"Icarus. Naku, pasensya na kahapon kung hindi ako nakapunta. Biglaan kasing may...."
Mukhang magsisinungaling na naman ako.
"Okay lang. Nasabi naman na sa akin ni Ms. Nami. Naiintindihan ko Ms. Claire."
Ms. Claire?
"So pinapatawad mo na ako?"
"Ahehe. Ms. Claire okay lang. Marami naman kaming nag support sa team kahapon. Wala lang yon."
"Ah."
"Tsaka sapat na ako para kay Ica."
"Carina."
Masakit pero tama lang to sa akin. Sa dami ng pagsisinungaling ko, tama lang to sa akin.
"Bagay kayong dalawa."
"Talaga Ms. Claire. Thanks."
Seryoso lang ang mukha ni Icarus.
"Hapon na, hindi ka pa ba uuwi?"
EH?! Nagulat ako sa sinabi ni Icarus.
"Ah oo nga hehe. Uuwi na ako. Salamat. Bye."
"Bye ingat ka Ms. Claire."
Naglakad na ako palayo sa kanila. Hindi ko na mapigilan pero naluluha na ako.
"Tigil Claire. Wag dito. Please. Wag kang umiyak."
BINABASA MO ANG
Wrong Move
Teen FictionMaganda at maayos naman ang takbo ng buhay ko... pero dahil sa isang pagkakakamali, bigla nalang nagbago ang lahat. Minsan pala ang pagkakamali ay nagdudulot din ng magandang bagay. Sana nga lang... sana mas naging matapang ako, sana mas naging tapa...