Pagkauwi ko ay nagpahinga agad ako.
"Eh? Tumatawag si Nami. Hello Nami?"
"Claire, may gala kami bukas. Sama ka."
"Gala. Hmmm..."
"Wag mong sabihin nag vivideo games ka na naman kaya nagdadalawang isip ka?"
"Nami."
"Ano yon?"
Huminga ako ng malalim.
"Kami na ni Icarus."
"HA?! Ano ulit yon? Ka.. kayo na ni Icarus? Tama ba? As in boyfriend girlfriend?"
"Oo Nami."
"Paano? Nung bago magbakasyon ang lungkot mo tapos ayan na? Anong nangyari?"
"Kahit ako din hindi makapaniwala sa mga nangyari. Pumunta siya sa bahay kinabukasan at dun nagkaaminan kami. Matagal na rin niya pala akong gusto Nami. Hehe."
"Claire. Masaya ako para sayo. As in sa wakas natupad na ang hiling mo. So dahil diyan goodbye video games ka na ba?"
"Tumigil ka nga, maglalaro pa rin ako pag bored ako pero hindi na sobra sobra."
"So hindi ka makakasama bukas?"
"Ang gusto ko sana ayain ka bukas sa practice match nila?"
"Naku Claire, kasama ko kasi ang mga kaklase ko. Naka plano na to kahapon pa."
"Naiintindihan ko. Okay lang, sinabi ko naman na baka hindi ako makapunta."
"Siguro kilig to the max ka niyan no?"
"Sinabi mo pa. Abot langit ang saya ko. Ganito pala pag totoong tao ang nagmamahal sayo."
"Tama ka diyan. Walang wala ang mga asawa mo sa video games mo. Haha."
"Agree ako diyan haha."
"So nag kiss na ba kayo?"
"Huh? A.. ano bang tanong yan?"
"So oo?"
"Sa pisngi lang."
"Haha. Okay lang yan. Unti untiin mo lang. I'm happy for you Claire."
"Tumigil ka nga pero salamat Nami. Ikaw din ah."
"Wala pa din eh. Pero sana haha. Sige na. Alam ko naman kilig na kilig ka na diyan."
"Bye Nami. Mag ingat kayo bukas."
"Makakabawi ka na nung nakaraan. Galingan mo pag cheer. Bye."
"Bye."
Oo nga. Tama si Nami. Makakabawi ako sa hindi ko pagpunta nung nakaraan.
"Tama. Isusurprise ko siya. Mag susupport lang naman ako, mag checheer?"
Teka. Parang nakakakaba ata yon?
0000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000
"Hindi ako makapaniwala. Akala ko ba hindi mo siya boyfriend?"
"Tumahimik ka nalang diyan Curtis. Kinakabahan ako."
"Yan ba ang kabayaran ng pagsama ko sayo?"
"Sinabi ko na sayo di ba, ililibre kita mamaya. Basta samahan mo lang ako sa practice match niya."
"WOOOOOOOO!"
Napahinto ako nung marinig ang sigawan mula sa court.
"Ano tutuloy ba tayo? Wag mong sabihin aatras ka na? Hmm.. kung ako mag gigirlfriend, gusto ko yung cute at maganda."
"Grrrrrr.. halika na nga."
Hinatak ko ang kapatid ko at dahan dahan kaming pumunta sa court. Open space naman kasi yun. Buti nalang maraming nanonood. Halo halo.
"Ayon siya oh."
"Oo nga."
"May mga nag checheer naman pala sa kanya. Sigurado ka ba ate na girlfriend ka niya o ikaw lang nakakaalam non?"
"Curtis. I love you."
"Grrr. Kadiri ka talaga."
Medyo kinakabahan ako. Ang intense pala manood ng basketball game sa personal. Napansin ko din ang kapatid ko na napapasigaw.
"Go Icarus! Nandito lang kami ni ate!"
HUH?!
"Tumigil ka nga, baka ma distract mo siya."
"Ate tignan mo. Sino yung nagpupunas ng pawis niya? Ang cute niya."
Carina.
"Girlfriend niya ata yon. Ang ganda eh."
Nagsalita yung lalaking kakapwesto lang sa tabi namin.
"Cute nga siya pero mas maganda naman ang ate ko diyan."
"Curtis."
"Dahil diyan, dalawang araw mo ako ililibre."
Ang kulit. Pero na touch ako sa sinabi niya. Inakbayan ko siya.
"WOOOO!!"
Ang ingay ng mga tao. Ang saya manood. Grabe, ang galing nilang maglaro. Lalong gumagwapo si Icarus.
"ICA! ICARUS!"
Para siyang lumilipad pag nag shoshoot ng bola.
"Ang galing panalo sila!"
"Tignan mo nag enjoy ka rin naman pala. Ayaw ayaw ka pa kanina."
"Tara lapit tayo kay Icarus."
Dapat nga kinukuya mo siya hmm?
"Wag na, pagod na yung tao."
"Ano? Akala ko ba nandito ka para suportahan siya?"
"Sa susunod na araw ko nalang sasabihin. Sa ngayon hayaan muna natin sila. Tara na."
"Ang gulo mo naman. Ikaw ang bahala."
Tahimik na nga kaming umalis.
0000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000
Nakatanggap ako ng text kinagabihan.
"Nanalo kami Claire. Ikaw lang ang iniisip ko habang naglalaro."
Kinilig ako sa sinabi niya. Maglalaro sana ako pero wag nalang, mas gusto ko nang isipan siya hanggang sa makatulog ako. Rereplayan ko na sana siya pero biglang may incoming call.
"Sino to? Hello?"
"Huhuhuhu."
Boses ng babaeng umiiyak.
"Ms. Claire, akala ko ba wala kang gusto kay Ica. Bakit sinabi niya sa amin kanina na kayo na daw? Totoo ba yon?"
Paano niya nalaman ang number ko? Hiningi niya siguro.
"Carina........ narealize ko na gusto ko talaga si Icarus. Nung unang araw lang ng bakasyon naging kami. I'm sorry."
"Huhuhuhu. Di bale, sigurado magkakahiwalay din kayo katulad nung dati niyang girlfriend! Yun, sobrang mahal na mahal niya at walang wala ka sa kanya. Kaya sigurado ako, matatapos din kayo!"
Binabaan niya ako ng telepono.
"Dating girlfriend? Mahal na mahal niya?"
Naalala ko ang sinabi ni Kuya Orion.
"Salamat Claire at pinasaya mo siya ulit."
Hindi ko na nagawang replayan si Icarus at nag isip isip lang ako ng buong gabi.
BINABASA MO ANG
Wrong Move
Teen FictionMaganda at maayos naman ang takbo ng buhay ko... pero dahil sa isang pagkakakamali, bigla nalang nagbago ang lahat. Minsan pala ang pagkakamali ay nagdudulot din ng magandang bagay. Sana nga lang... sana mas naging matapang ako, sana mas naging tapa...