Kumakain kami ng mga kaklase ko sa canteen.
"Yes. Isang linggo nalang bakasyon na. Happy happy na."
"Pwede na ba tayong mag videoke?"
Videoke? Pero patapos na ako sa games ko.
"Claire, ikaw sasama ka na ba ngayon?"
"Si Nana sasama na."
"Si.. sige."
Hmmm.. para maiba naman.
"Tignan mo si Icarus oh."
Muntik na ako mabulunan sa kinakain ko. Oo nga. Palapit pa siya sa pwesto ko pero buti nalang may biglang kumausap sa kanya.
"Hi Icarus."
Huminga nalang ako ng malalim at hinayaan silang magsalita.
"Hello po. Salamat pala nung nakaraan. Okay na yung project ko."
"Buti naman, inayos ko talaga mga sagot ko dun."
"Thank you so much. Nga pala, may game kami mamaya. Baka gusto niyo manood. Claire, di ba sabi mo manonood kayo ni Nami. Huling game namin mamaya bago mag bakasyon."
"Talaga! Sure manonood kami. Ichecheer ka namin Icarus."
Oo nga pala.
"Uhum. Manonood kami ni Nami mamaya. Promise."
"Promise? Sige. Aasahan ko kayo mamaya. Sige enjoy po kayo sa pagkain niyo."
"Sige salamat."
"Akala ko ba mag vivideoke tayo?"
"Bukas nalang yon. Si Icarus yun oh, gora."
"Oo nga. Punta tayo ah."
"Sure!"
Masaya na naman sila. Di bale text ko muna si Nami.
"Nami, libre ka mamaya di ba please?"
"Sa text mo mukhang walang takas ah. Oo naman bakit?"
"Manood tayo ng game nila Icarus. Nag aya siya. Kasama natin mga kaklase ko, yung sumagot sa survey niya."
"Ah talaga, okay lang ba talaga sayo?"
"Oo naman. Kaibigan ko si Icarus. Yun lang yun."
"Sabi mo eh. Sige kitakits mamaya."
0000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000
Sabay sabay kaming pumunta ng court after class nang biglang may lumapit sa akin at may binulong.
"Pwede ka po bang makausap saglit?"
"Ah sige. Guys wait lang ah. Mauna na kayo dun."
"Sige dalian mo ah."
Sinundan ko yung babae kanina. Third year siya sa tingin ko.
"Saan tayo pupunta?"
Hindi siya nagsalita pero pagkalagpas lang ng puno, alam ko na.
"Hello po. Ako po si Carina."
Mas maganda pala siya sa malapitan.
"Hello."
"Salamat guys, mauna na kayo sa court."
"Sige. Sige po."
"Ah sige."
Carina. Ang kababata ni Icarus.
"Ah. Ako si Claire. Gusto mo daw ako makausap?"
"Uhum."
Di hamak na mas matangkad ako sa kanya pero ang cute niya.
"Ano po bang relasyon niyo kay Ica?"
Diniretso na niya ako.
"Ah. Kaibigan. Magkaibigan lang kami."
"Ganun po ba. Ms. Claire, gustong gusto ko po kasi si Ica simula noon pa. Kahit nung nag transfer siya dito, sumunod pa ako sa kanya."
Siya ba ang kaibigan na sinasabi ni Icarus na naalala niya sa akin mula sa school niya?
"Wow. Talagang gustong gusto mo siya."
Lumapit siya sa akin.
"Sobra. Ms. Claire, wala po ba talaga kayong relasyon?"
"Wala. Magkaibigan lang kami."
Oo yun ang katotohanan.
"Salamat naman. Sa daming babae na lumalapit sa kanya, mukhang wala naman siyang nagugustuhan ngayon."
Eh?
"Hehe. Nagpatulong lang siya sa akin sa project niya nung kailangan niya ng mga respondents na fourth year."
"Ganun po ba. Salamat naman. So wala po kayong gusto sa kanya?"
Walang gusto sa kanya? Sa totoo lang, nalilito ako.
"Ms. Claire."
Bahagyang humangin.
"Wala. Parang kapatid lang sa akin si Icarus. May kapatid din kasi akong lalaki. Nakikita ko lang siya sa kanya."
"Ang galing. Kinabahan talaga ako. Parang nabunutan ako ng tinik. Salamat ng marami Ms. Claire."
"Waaaaaaaaaaaaaaa!"
Hiyawan mula sa court.
"Naku mukhang nagsimula na ang game. Tara na Ms. Claire."
Tumakbo na si Carina, samantalang ako parang hindi makagalaw.
"Napaka sinungaling ko talaga."
Parang naluluha ako o dahil lang sa hangin. Tumunog yung phone ko. May message.
"Claire. Asan ka na? Start na."
Nireplyan ko si Nami.
"Sorry Nami. May importanteng lakad pala ako. Nauna na ako. Pakisabi nalang kay Icarus. Hindi naman siguro ako kawalan diyan."
Dahil wala na ako sa mood ay umuwi ako at naglaro nalang ng video games.
"Uhum. Manonood kami ni Nami mamaya. Promise."
Biglang pumasok sa isip ko yung sinabi ko kanina habang naglalaro.
"Pro... mise? Bakit ko ba ginamit ang salitang yon? Hindi yun bagay sa akin."
Tuluyan na akong napaluha.
"I'm sorry Icarus."
BINABASA MO ANG
Wrong Move
Teen FictionMaganda at maayos naman ang takbo ng buhay ko... pero dahil sa isang pagkakakamali, bigla nalang nagbago ang lahat. Minsan pala ang pagkakamali ay nagdudulot din ng magandang bagay. Sana nga lang... sana mas naging matapang ako, sana mas naging tapa...