Part 14 - Your past

50 2 0
                                    

Halos ilang araw din akong hindi mapakali sa kaiisip sa sinabi ni Carina. Sa mga araw na yon, hindi ko pa nasabi kay Icarus na nanood kami ng game nila. Normal na text lang din bilang kami ang ganap sa amin nung mga nakaraang araw.

"Hello Nami. Busy ka ba?"

"Hindi. Punta ka dito sa bahay namin."

"Sige, gusto ko yan."

Agad naman akong tumungo sa bahay ni Nami.

"Mag huhunting sana tayo eh kaso naging kayo na pala ni Icarus."

"Oo. Ang bilis. Parang hindi totoo. Sana lang hindi rin mabilis matapos."

"Ano? Wag mo nga isipin yan. Hindi ka naman pumasok sa isang relasyon para mauwi lang sa wala. Minsan tagumpay at minsan aral lang."

Napatingin ako kay Nami.

"Paano kung aral lang?"

"Hmm... may problema ka no?"

"Sabi kasi nung kababata niya na may dati daw girlfriend si Icarus at sobrang mahal na mahal daw niya yon. Walang wala ako dun at sigurado na matatapos din kami kaagad."

"Narinig mo lang yun sa kanya. Bakit hindi mo tanungin mismo si Icarus?"

"Hmm.. Tama ka."

"Sa relasyon kailangan talaga ang tiwala. Dapat unang manggagaling sa kanya bago sa iba."

"Nami thank you. Pupuntahan ko lang siya. Aalamin ko ang katotohanan."

"Sige. Mas mabuti na yan kaysa sa video games."

"Hehe. Ikaw talaga. Sige. Kitakits."

Tinungo ko nga ang bahay ni Icarus. Medyo pagod na pagod na ako sa katatakbo at dahil gusto ko na rin malaman ang katototahanan.

"Icarus!"

"Claire? Pasok."

Pinapasok niya ako sa loob.

"Ikaw lang tao sa bahay niyo?"

"Ah... oo, hehe bakit?"

"Wala naman."

"Gusto mo ba dun tayo sa kwarto?"

Mas maganda na rin siguro na dun kami sa kwarto para masinsinan kaming makapag usap.

"Anong gusto mong kainin?"

Bago pa siya makababa ulit, pinigilan ko na siya.

"Wag na Icarus. Saglit lang naman din ako."

"Saglit ka lang? Gusto ko pa naman na magtagal ka."

Eh?! Nakakakaba talaga siya pero nakakakilig. Di bale, umupo ako sa lapag. May carpet naman siya at malinis naman.

"Hehe. Sira. Nga pala, nanood kami ng kapatid ko sa practice match niyo nung nakaraan."

Umupo siya sa kama niya.

"Talaga, bakit hindi mo man lang sinabi?"

"Gusto ko sana isurprise ka. Ang masasabi ko lang, sobrang nag enjoy kami ng kapatid ko sa laban niyo."

"Kung nalaman ko lang na nandun ka, baka tambak sila."

"Hahahaha."

Natawa kaming dalawa. Te.. teka ano nga ba yung pinunta ko dito?

"Icarus. May gusto sana akong itanong sayo."

"Kinakabahan ako sa itatanong mo ah."

Napalunok muna ako. Talagang kakabahan ka dito.

"Sinabi mo na pala sa kanila at kay Carina ang tungkol sa atin."

"Uhum. Nung game. Pagkatapos."

"Tumawag sa akin si Carina na umiiyak. Nag sorry nalang ako sa kanya. Pero bukod dun, may nasabi siya sa akin na sobrang nahihiwagaan ako."

"Hmm.. mukhang alam ko na yan."

Bigla siyang humiga sa kama niya. Bigla tuloy akong pinagpawisan.

"May girlfriend ka daw dati na sobrang mahal na mahal mo? Si.. sino siya? Pwede ko bang malaman ang history niyo?"

Tinignan ko siya. Biglang tumagilid si Icarus sa kabilang side.

"Past is past. Ayoko nang balikan yon Claire."

"Ah. Oo naman. Kung pwede lang naman pero kung ayaw mo, okay lang. Kalimutan mo na yon."

Parang nung dati din. Iwas siya. Hmmmm? Hindi kaya yung sinabi niyang kaibigan niya na naalala niya sa akin ay ang dati niyang girlfriend?

"Isa nalang. Ito lang Icarus. Siya ba yung naalala mo sa akin na sinabi mo dati sa canteen?"

Matagal siyang sumagot. Sobrang tagal na parang nakatulog na siya.

"Hmm.. sorry kung nagtanong pa ako. Mauna na ako Icarus, hapon na rin kasi."

Tumayo na nga ako, medyo malungkot ako. Wala siya sa mood para pag usapan ang bagay na yon. Pero sabi sa game na nalaro ko dati, pag naka move on ka na daw ay kaya mo nang sabihin ang past mo sa taong mahal mo.

"Uhum."

Napalingon ako. Hindi ko mawari pero parang may kirot akong naramdaman sa loob ko.

"Ah."

"Sige na. Umuwi ka na. Mag iingat ka."

EH?! Parang nainis ako dun.

"Icarus, dahil lang ba... dahil lang ba sa kanya kaya mo ako nagustuhan?"

"Claire."

Bumangon siya at seryoso ang mukha niya.

"Please, wag na natin pag usapan yon."

Medyo nanginginig ako na ewan.

"Sige. Mauuna na ako. Bye."

Agad akong lumabas ng bahay nila. Tumakbo ako ng sobrang bilis na para bang hinahabol ako ng lion. Habang tumatakbo ako, naalala ko ang sinabi ni Carina.

"Huhuhuhu. Di bale, sigurado magkakahiwalay din kayo katulad nung dati niyang girlfriend! Yun, sobrang mahal na mahal niya at walang wala ka sa kanya. Kaya sigurado ako, matatapos din kayo!"

Natatakot ako na baka hanggang bakasyon lang ang relasyon na to, na baka matapos din kami kaagad. Hindi ko alam pero ang unang pumasok sa isip ko ay isa akong panakip butas.

Wrong MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon