Part 19 - Invitation

41 2 0
                                    

Dahil sa pagsusumikap nila ay nagawang mahabol ng team ni Icarus ang lamang ng kalaban.

"GO TEAM FIGHT!"

Sobrang ingay talaga, super intense. Nalaman ko pa na kalaban pala nila yung champion sa laban ng mga schools daw nung nakaraan kung saan second place lang sila.

"BARON!"

Si Baron naman ay senior, magaling talaga siyang maglaro.

"GO FIGHT!"

Ayan, lumamang na sila. Grabe hindi na ako sumisigaw at talagang nakatutok nalang.

"Yes!"

Nasabi ko nang maka shoot si Icarus. Sumulyap pa siya sa akin. Bumilis agad agad ang tibok ng puso ko. Hmm.. parang ngayon lang talaga ako nakanood ng buong game niya na alam niyang nanonood ako.

"ICARUS!!"

Natapos ang laban. Hingal na hingal at pawis na pawis ang lahat ng mga players. Tumingin sa akin si Icarus.

"Guys lapit na."

"Salamat sa laban."

EH?! Papunta na siya dito. Ako naman parang hindi mapakali.

"Salamat sa panonood at pag cheer."

"Oo ba. Fight."

"Hehe. Nakakalungkot naman, kung kailan talo."

"Ginawa niyo naman ang best niyo. Panalo na kayo sa mga fans niyo."

Parang normal lang ang lahat. Parang nung unang beses kaming nagkakilala.

"Salamat Claire."

"Uhum."

Pawis na pawis siya, tumutulo ang mga pawis niya. Gusto ko man punasan pero wag na.

"Sige na. Inaantay ka na ng mga kateam mo."

"Uhum. Masaya ako at nakita kita."

Umalis na siya at tumakbo sa mga kateam niya. Tumingin pa sa akin si Carina.

"Masaya rin ako Icarus."

Umuwi na nga ako ng bahay. Kumain at nanood sa sala.

"Ate kamusta ka?"

"Okay lang."

Ngumiti ako kay Curtis. Ang sarap pala sa pakiramdam na maayos na ang mga bagay bagay. Masaya ako at mabuti naman ang lagay niya.

"Akyat na ako. Matutulog na ako."

"Wag ka nang maglaro. Diretso tulog na."

"Opo ma."

Gabi na rin kasi. Humiga agad ako sa kama at nag isip.

"Ang gwapo niya pag pinagpapawisan. Hehe. Ang ganda ng hubog ng katawan niya. Hehe."

Nakakakilig pa rin kahit papaano. Ang ganda talaga ng katawan ng mga athletes.

"Napakababaw ko ba para makipaghiwalay dahil sa ex niya? Problema sa sarili? Siguro dahil..."

"Nak."

"Po? Patulog na po ako."

"Si Icarus nasa baba."

Napabangon ako bigla at kinabahan.

"A.. ano po?!"

Bumaba nga ako pero wala naman siya sa sala.

"Wala naman ah?"

"Nasa labas, hindi na raw siya papasok."

Napalunok ako. Bakit kaya?

"Icarus? Bakit ka napadaan? Gabi na ah?"

"Sorry biglaan."

Sabi niyang parang nahihiya. Hinihimas pa niya ang batok niya. Naka jersey jacket na black and red pa siya at sa loob ay t shirt o sandong puti ata.

"May kailangan ka ba?"

Yung pakikitungko ko sa kanya ay parang tulad lang nung unang beses kaming nagkakilala. Bilang senior niya.

"Salamat sa paghatid nung mga gamit ko."

"Hehe. Wala yon. Maliit na bagay."

Bigla nalang tumahimik.

"Hmm.. may sasabihin ka pa ba?"

"Ahh.. ahm. Iniimbetahan ka kasi ng kuya ko bukas, magluluto raw kasi siya ng masasarap. Pwede ka ba daw bukas?"

Naalala ko nga na ipagluluto niya raw ako.

"Ah yun ba. Iniimbetahan niya ako."

"Wag kang mag alala, wala ako sa bahay bukas. May gala kami ng mga kateam ko."

Nalungkot ako sa narinig ko. Ewan.

"Ga.. ganun ba. Uhum. Pupunta ako. Malapit na rin matapos ang bakasyon, gusto kong maging masaya ang mga huling araw na to. Kung sakali ba, pwede ko ba ayain si Nami?"

"Oo naman."

"Hehe."

"Si.. sige Claire. Una na ako. Bye."

"Ingat ka Icarus. Bye."

Pinagmasdan ko siyang maglakad palayo.

"Parang sa panaginip ko lang."

Lumingon si Icarus at ngumiti.

"Iba nga lang ng konti."

Umakyat na ako at nahiga sa kama. So wala pala siya sa bahay nila bukas? Kami lang ng kuya niya at si Nami.

"Pumunta lang siya para sabihin yon? Pwede naman niyang itext? Baka naman ngayon palang sila nakauwi galing sa court?"

Kung anuman, hahayaan ko nalang. Dapat gumising ng maaga bukas dahil makakalibreng kain na naman ako.

0000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000

Kinaumagahan ay tinawagan ko si Nami.

"Nami, samahan mo naman ako sa bahay ni Icarus. Inimbetahan kasi ako ng kuya niya na kumain."

"Ano? Hiwalay na kayo ah, di ba parang nakakailang yon?"

"Oo nga eh, kaso inaya ako eh. Mabait kasi yon. Tsaka sabi ni Icarus wala naman daw siya sa bahay. So tayo tayo lang."

"Hindi kaya type ka ng kuya niya?"

"Tsk. Tumigil ka nga. Ano na tara. Mabilis lang tayo, kakain lang tayo okay. Tsaka pakiramdam ko naayos ko na ang mga bagay bagay kay Icarus. Mukhang normal na magkaibigan na ulit kami."

Masakit pero parang ganun na nga.

"Ang gulo talaga ng relasyon niyo pero kung anuman yan ay hindi ako makakasama ngayon."

"HA?! Bakit? Naku naman, edi kaming dalawa lang?"

"Ganun na nga, may lakad kasi kami nila mama eh."

"Ang malas naman."

"Sige na Claire. Mag aasikaso pa kami. Enjoy haha. Ingats. Kwentuhan mo ako ah. Bye."

"Sige. Bye."

Anong gagawin ko? Curtis?

"Curtis samahan mo naman........."

"Hindi ako pwede. May lakad ako eh."

Ang malas talaga!!!!!

Wrong MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon