Part 31 - Unveiled Truth

56 3 0
                                    

Sa paglalakad ko pauwi ay biglang umulan.

"Yung payong ko. EH?!"

WAAAA!! Kailan ba ako lalayuan ng kamalasan?! Kaya ba paulit ulit akong nasasaktan dahil hindi ako marunong matuto? Ewan. Payong lang yun, kung ano ano na pinag iisip ko. Nakalimutan ko na naman yung payong ko dahil kakaiyak tapos muntik pa ako malate kanina.

"Simula nung bakasyon puro nalang ako iyak. Hindi ako makapaniwala. Tatawanan ko rin ang lahat ng ito balang araw."

Sumilong muna ako kasi malakas ang ulan.

"Imposible naman na dumaan pa si Cynthia, anong oras na. Ako lang ata ang walang payong ngayon."

Malayo palang kinabahan na ako. Napahinga nalang ako ng malalim.

"Sabi na, wala ka na namang payong."

Naalala ko silang dalawa ni Belle kung saan pinagsabihan siya na magdala ng payong sa susunod.

"Oo nga eh, nakalimutan ko na naman."

"Ihahatid na kita sa inyo."

"Naku.. wag na. Titila rin yan. Mauna ka na. Mukhang pagod ka pa galing practice."

Parang wala lang. Normal lang ulit.

"Ehem."

Umubo ako kasi hindi ako mapakali. Tumitig siya sa akin na agad ko naman iniwasan.

"Magaling ka na ba talaga?"

"Uhum."

TEKA? Anong ibig sabihin niya dun? Nanlaki ang mga mata ko, hinawakan niya ang noo ko.

"Sa tingin ko nga."

Alam ba niyang nagkasakit ako? Imposible? Sinabi kaya ni Belle? Baka nanghula lang siya. Ewan.

"Sige na umalis ka na."

Mahina kong sabi. Pakiramdam ko maluluha ako pero nilalakasan ko lang ang loob ko.

"Kunin mo nalang tong payong ko. Ako nalang magpapatila dito."

"Wag na sabi. Sige na."

Nakayuko nalang ako. Bakit ganun umuulan naman pero ang init ng pakiramdam ko?

"Kung ganun.. parehas nalang tayo magpatila ng ulan."

"Eh?"

Sinara niya yung payong at nakisilong. Tahimik lang. Walang nagsasalita. Pasimple ko siyang sinusulyapan. Aaminin ko miss ko na siya pero hanggang doon nalang kami. Siguro okay na sila ni Belle. Siguro gusto rin niya ng peace of mind kaya tinanong niya ako kanina sa library.

"Huh?"

Naramdaman ko yun kasi malamig. Nakita ko rin ang kamay niya. Binalak ba niyang hawakan ang kamay ko?

"Ehem. Ang lamig no? Sayang hindi ko dala yung jacket ko."

"Ano bang ginagawa mo?"

"Eh?"

"Bakit mo ba to ginagawa? Lalo mo lang akong sinasaktan. Lalo mo lang ako pinapahirapan na mag move on."

Napaiyak ako na agad ko naman na tinakpan ng mga kamay ko.

"Claire."

Hinawakan niya ang mga kamay ko na pilit niyang hinihila palapit sa kanya pero pumiglas ako.

"Tama na please. Pagod na akong umiyak gabi gabi. Patahimikin mo na ako Icarus."

Ilang segundo din yun na tahimik lang. Umiiyak lang ako at nakatayo lang siya sa harapan ko.

"Hindi ba malinaw kung bakit ko ginagawa ang lahat ng to? Simple lang Claire..... mahal kita."

Para akong nadaluyan ng kuryente. Bigla kong naalala ang sinabi ni Kuya Jasper.

"Simple lang naman kasi ang love, pinapakumplikado lang ng mga tao."

"Tumigil ka na."

"Please wag kang mag move on. Claire.. sabay tayong umiyak gabi gabi."

"Tama na!"

Tumakbo ako pero nahawakan niya ang kamay ko. Hinila niya yon at niyakap ako. Sobrang higpit. Basang basan na kami sa ulan. I.... Icarus!

"Ang sakit na Claire. Sobrang sakit na. Please...... wag mo akong iwan."

Icarus?! Totoo ba tong naririnig ko?

"Icarus?"

"Gagawin ko lahat ng gusto mo. Sabihin mo lang sa akin.. basta wag mo lang akong iwan. Mahal na mahal kita Claire."

Humihikbi si Icarus. Umiiyak. Ngayon ko lang nakitang ganito si Icarus.

"I.. Icarus."

Sa tingin ko.... hindi pa ito ang tamang panahon para mag let go.

0000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000

"Oh my goodness. Ma! si ate basang basa na naman."

"Naku..... eh?"

"Good evening po."

"Icarus, hindi ba uso ang payong ngayon?"

"Curtis."

"Tatahimik na."

"Pu.. pumasok muna kayo, baka magkasakit kayo. Ikaw Claire, kagagaling mo lang sa sakit. Naku."

"Aakyat lang ako saglit."

"Uhum."

Sobrang nahihiya ako. Pumunta muna ako ng kwarto para magpalit.

"Curtis kumuha ka nga ng towel."

"Yes ma. Icarus, dito ka ba matutulog?"

"Hindi. Uuwi din ako. Hinatid ko lang si Claire."

"Ah. Hmm.. Anong nangyari at basang basa kayo? May payong naman ah?"

"Pasensya ka na sa anak ko, laging nakakalimutan ang payong."

"Okay lang po."

"Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko Icarus. Anong nangyari?"

"Walang nangyari Curtis. Mabuti pa matulog ka na."

"Ate, anong oras palang oh."

"Magpatuyo ka muna Icarus, baka magkasakit ka niyan."

"Salamat po tita."

Napatingin pa sa akin si Icarus. Mga ilang minuto din siyang nagpatuyo.

"Sumakay ka nalang ah."

"Opo tita. Maraming salamat po."

"Mag iingat ka. Salamat."

Pasimple kong sabi.

"Bye Icarus. Ingat."

"Bye Curtis."

Nagsimula na siyang maglakad palabas.

"Nga pala, may game kami bukas sa school. Sana makapunta ka Claire."

"Oh meron! Manonood kami ni ate."

Huminga ako ng malalim.

"Uhum. Manonood kami."

"Fight. Fight. Icarus!"

"Tama yan enjoyin niyo ang mga buhay niyo hanggang bata kayo. Sige na at baka gabihin ka pa."

"Salamat po ulit. Bye."

Grabe ang araw na to. Mukhang mahihirapan akong makatulog ngayon.

Wrong MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon