Ayan na, sinabi ko na.
"Hehehehe."
Ngumiti siya tapos tinakip niya ang gilid ng kamay niya sa bibig niya.
"Yun lang naman Icarus. Woo. Nakahinga ako ng maluwag dun ah."
Sabay unat ko naman. Totoo. Magaan sa loob.
"Gusto rin kita."
Napatigil ako at dahan dahan na napatingin sa kanya.
"A.. anong sabi mo?"
"Gusto mo lang na ulitin ko eh."
Tama ba ang narinig ko?
"Oo. Baka nagkamali lang ako nang narinig."
"Claire. Gusto rin kita."
"Huh? Si.. sigurado ka ba diyan?!"
Kinuha niya ang kamay ko at hinila palapit sa kanya, tapos ay niyakap niya ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ang init ng pakiramdam ko. Ngayon lang kami naging ganito kalapit sa isa't isa. Nakapatong lang ang ulo ko sa balikat niya. Isa pa, ang bango niya.
"Icarus?"
Parang naluluha ako? Ang gulo ng pakiramdam ko.
"Hehehe. Ang saya ko. Akala ko hindi mo ako gusto. Salamat Claire. Sobrang pinasaya mo ako."
Niyakap ko na din si Icarus.
"Ako... ako ang pinasaya mo. Hindi ako makapaniwala na gusto mo rin ako. Totoo ba to Icarus?"
"Uhum. Parang panaginip pero totoo ang lahat ng ito Claire at kung panaginip man to, sana hindi na ako magising pa."
Tama ba ang mga naririnig ko? Si Icarus gusto rin pala ako?
"Claire."
Bumitaw kami sa pagkakayakap. Medyo naluha ako kaya pinunasan ko kaagad.
"Hehe. Ang saya naman ng unang araw ng bakasyon ko. Salamat Icarus."
"Ako din. Claire, so pwede na ba akong manligaw?"
"Manligaw? Bakit pa? Gusto naman na kita."
"So girlfriend na kita?"
Pangit ba na sinabi ko yon? Well, sa pagkakataon na to magiging matapang ako.
"Oo."
"YES! Claire. I love you."
Eh?!
"I love you Claire."
"Ah."
Nagulat ako at natulala.
"I.. I love you too."
Nagkadikit ang mga noo namin at nag ngitian kami. Matagal din yon na wala kaming sinabi kung hindi mag ngitian lang.
"Ihahatid na kita pauwi."
"Sige."
0000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000
Naglalakad kami pabalik ng bahay ko.
"Eh?"
Hinawakan ni Icarus ang kamay ko. Baka sobrang namumula na ako.
"Icarus, kailan mo naramdaman na gusto mo rin ako?"
"Nung hinatak mo ako sa school."
"Huh?"
"Simula non, araw araw na kitang naiisip. Hindi ako makatulog kakaisip sayo. Hehe. Araw araw gusto kita makita. Hindi rin ako mapakali minsan pag nandiyan ka. Ang gulo lang. Nawawala ako sa ulirat. Hehe."
Sobrang kinikilig ako sa loob ko.
"Ikaw?"
"Napansin ko nalang na mas madalas kang hinahanap ng mga mata ko. Hindi rin ako makatanggi sa request mo. Nasasaktan ako pag nakikita kitang malungkot. Alam ko sa sarili ko na meron na pero tinatanggi ko lang dahil sa tingin ko imposible."
"Hindi ko alam na ganyan pala ang nararamdaman mo para sa akin. Simula ngayon, magiging mapanuri na ako. Iingatan kita Claire."
Kainis nakatingin siya. Baka namumula ako.
"Si.. sige. Ako din Icarus. Ingatan natin ang isa't isa."
Nakarating na kami sa tapat ng bahay. Ang bilis lang pala pag hindi mo namamalayan.
"Sige na Icarus, anong oras na."
Gusto ko na pumasok sa kwarto at doon ilabas ang kakiligan na gusto nang sumabog sa loob ko.
"Claire. May gagawin ka ba bukas?"
"Wala pa naman."
"Pwede ba kita ayain sa bahay naman namin?"
Bahay niyo agad agad!!!
"Sa bahay niyo?"
"Ah. Wag kang mag alala, wala akong balak na masama. Nandun naman si kuya. Gusto ko rin na maglaro tayo ng basketball sa court."
Hindi ko naman iniisip na may gagawin kang masama.
"Tayo?"
"Oo. Para makita mo rin kung gaano ako kagaling maglaro. Para magkakwentuhan din tayo."
"Sige ba."
"Sige na Claire. Aalis na ako."
"Mag iingat ka Icarus."
Inangat niya ang kamay namin tsaka hinalikan ang kamay ko.
"Ako nalang laruin mo Claire kaysa sa mga video games mo."
Napangiti siya sa sinabi niya at ako naman.. siguro ay namula sa sinabi niya.
"Biro lang. Pakisaba kay Curtis at sa mama mo salamat... at para sayo I love you."
"Uhum sasabihin ko. Sige na Icarus. I love you too."
Mahina kong sabi. Medyo nahihiya pa ako. Biglaan nalang ang mga pangyayari. Minsan talaga yung mga magagandang bagay ay nangyayari sa di mo inaasahang pagkakataon.
"Anong nangyari sayo ate?"
Napahinto ako sa paglalakad paakyat ng kwarto ko.
"Curtis."
"Ano yon?"
"I love you."
"EH?!! Ewww."
Dumiretso akong akyat ng kwarto at nahiga agad sa kama.
"Ganito pala ang pakiramdam ng inlove. Biglang nawalan ng halaga ang lahat ng mga bagay na meron ako sa loob ng kwarto."
Sobrang kinikilig lang ako. Hindi ata ako makakatulog sa sobrang kilig.
"Magkikita pa kami bukas. Teka sasabihin ko ba kay Nami? Siguro pag nagkita nalang kami?"
Tumunog yung phone ko. Nagtext si Icarus.
"Mukhang mahihirapan akong makatulog mamaya. Ang saya saya ko Claire. I love you."
"Hahahahaha."
Sa sobrang kilig ko ay natawa ako.
"Ma, nababaliw na ata si ate."
Nag reply naman ako.
"Hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya Icarus. Mag iingat ka sa pag uwi. I love you too."
Sana hindi na ito matapos pa.
BINABASA MO ANG
Wrong Move
Teen FictionMaganda at maayos naman ang takbo ng buhay ko... pero dahil sa isang pagkakakamali, bigla nalang nagbago ang lahat. Minsan pala ang pagkakamali ay nagdudulot din ng magandang bagay. Sana nga lang... sana mas naging matapang ako, sana mas naging tapa...