Part 18 - Support

49 2 0
                                    

"Dito po Kuya Orion!"

"Claire, masaya akong makita ka. Ito nga pala yung mga naiwan niya. Pati baon niya haha. Salamat ng marami."

"Kuya Orion, gusto ko rin po palang malaman niyo na.... wala na kami ni Icarus."

"Hehe. Alam ko. Nasabi niya nga sa akin."

"Po. Pero bakit po ako? Parang nakakailang na ako ang mag aabot nito sa kanya. Bakit hindi nalang po si Carina?"

"Sa palagay ko, makakatulong na makita ka niya. Claire, sobrang depress ngayon si Ica."

Napaisip ako.

"Iaabot ko lang naman po ito no o kaya ipaabot ko tapos pwede na ako umalis?"

"Uhum, ganun na nga. Ikaw na ang bahala."

"Sige po. Mag iingat po kayo. Baka malate pa kayo."

"Salamat ng marami Claire. Bye. Ikaw din mag iingat."

Tinitigan ko yung bag na naiwan ni Icarus.

"Simula nang makilala kita, hindi na ako nilubayan ng kaba."

Habang naglalakad ako papunta ng park, sa court ay lalong lumalakas ang pintig ng puso ko.

"Naglakad lang naman ako pero pawis na pawis ako."

Nagsimula na ang game. Nasa katapusan sila ng first quarter. Lamang ang kalaban.

"WOOOOOO!!"

"LUCAS! LUCAS!"

Tinignan ko kung sino si Lucas. Kalaban pala nila yung Lucas at mukhang magaling talaga. Ang dami ring cheerer eh.

"BARON! BARON!"

"ICA! ICA!"

Si Baron at Ica ang malakas sa team nila. Te... teka bakit nanonood na ako. Ihahatid ko pala to. Yumuyuko ako kahit maraming tao. Naghahanap ng kung sinong pwedeng pag abutan. Napansin ko yung nanghatak sa akin nung nakaraan, bangko siya tapos tumayo para kumuha ng kung anuman.

"Gray!"

"Oh. Ms. Claire."

"Paabot naman kay Icarus. Nakalimutan niya daw, pinaabot lang ng kuya niya."

"Sure. Nga pala nung nakaraan, hindi kasi namin alam. Sorry po."

"Hehe. Okay lang. Tapos na yon. Si..."

"Alam mo ba, dalawang practice match na kaming talo. Sa tingin ko nakaapekto talaga ang break up niyo ni Ica."

"Hehe. Ganun ba. Sa tingin ko hindi lang ako yon, baka marami lang siyang iniisip. Sige na. Mauna na ako."

"Sige po. Mag iingat po kayo."

Naglakad na ako palayo sa court.

"WOOOO!"

"LUCAS! LUCAS!"

Nakita ko na lamang na lamang talaga ang kalaban nila.

"Nakaka excite naman. Kung manood kaya ako, hindi naman siguro ako mapapansin."

Lumapit nga ako at naghanap ng kung saan pwedeng makapanood. Masyadong maraming tao ngayon. Siguro naman hindi ako makikita nito.

"YES!"

Napasigaw ako nang may maka shoot sa kanila.

"Eh?!"

Iba talaga ang basketball. Nakaka wala ng stress.

"Hmmmm.."

Si Icarus, malapit lang sa amin. Binabantayan ang isang kalaban. Samantala, sigaw naman ng sigaw ang ilang babae sa kalayuan.

"ICARUS!"

Tumakbo siya tapos pumunta kung saan saan. Mukhang nagsisikap talaga siyang manalo. Napansin ko rin si Carina na cheer nang cheer. Yung mga kateam nila, full support din.

"Sana manalo kayo Icarus."

Naka dunk pa siya sa last seconds ng third quarter. Lamang pa rin ang kalaban.

"ICA! ICA! ICARUS! ICARUS!"

Ang daming sigawan pero kay Icarus lang ang naririnig ko.

"Eh."

Inabot ni Gray yung binigay ko kanina. Bigla akong kinabahan kasi tumingin tingin siya sa audience. Nagtago naman ako sa likod ng babaeng katabi ko.

"GAME!"

Bakit ba ako nagtatago? Dapat suportahan ko rin siya dahil naging magkaibigan din naman kami at... higit pa. Tapos na yon. Sa ngayon, hindi ko muna dapat isipin ang mga bagay na yon. Fight. Fight.

"Icarus dun ka sa kabila!"

Ang intense na ng laban. May pisikalan na ng konti ang ilan sa kalaban.

"GO! KAYA NIYO YAN!"

Hiyawan pa ng mga nanonood. Icarus, kaya niyo yan.

"AHHHH!"

Naagaw ni Icarus ang bola sa kalaban. Papunta na siya sa amin.

"ICARUS!"

Sigaw ng mga tao. EH?! Natulak siya ng humahabol sa kanya. Gumulong siya papunta sa amin. Nag iwasan naman ang mga tao, pati ako.

"Shit."

"Icarus ayos ka lang ba?"

Tanong ng mga lumapit na audience.

"Hehe. Okay lang."

Napalunok ako at nilakasan ang loob.

"Mabuti. May laban ka pa."

Sabay abot ng kamay. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ako. Nagkatitigan pa kami nang dalawang segundo.

"Uhum."

Kinuha niya ang kamay ko at tumayo.

"Claire..."

"Sige na. Mamaya nalang."

"Ah. Uhum."

Ngumiti siya tsaka tumakbo na.

"GO ICARUS!!"

Sigaw ko.. pang support sa kanya.

Wrong MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon