"Ang gwapo talaga ni Icarus no."
Sabi sa akin ni Cynthia.
"Oo nga."
"Balita ko nililigawan daw niya yung president ng student council?"
Eh? May nililigawan na si Icarus?
"Bagay naman sila ni Freya, maganda at matalino pa."
Maganda at matalino? Bagay na bagay nga.
"Thank you sa inyo, sa pakikinig niyo."
Natapos na nga ang seminar.
"Magsibalikan na kayo sa mga rooms niyo ah."
Sabi ng isang guro.
"Claire saglit."
"Eh? Po?"
"Thank you kanina sa pag participate."
"Ahehe.. marami naman po kami."
"Sige na bumalik ka na sa room mo. Mag aral kang mabuti ah."
Pakiramdam ko junior high palang ako dahil sa tangkad niya. Medyo matangkad din naman ako, mas matangkad pa nga ako kay Nami at karamihan sa mga kaklase ko. Nasobrahan lang siya.
"Team!"
Napalingon ako at pasimpleng sumulyap. Hmmm? Nakatalikod siya. At least nakita ko siya. Pero hindi ko makalimutan ang sinabi nila kanina na may nililigawan na si Icarus.
"Sabi ko na makakamove on din siya kaagad."
0000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000
Maraming araw pa ang lumipas. Mga pangkaraniwan lang. Wala naman akong naririnig ng mga balita.... sa ngayon.
"Claire, pwede paabot naman to sa student council."
"Sige po ma'am."
"Ako lang kasi ang nasa room ng mga oras na yon."
Agad naman akong tumungo sa student council at inabot yung mga pentel pen. Sa pagkakataon na yon ay si Freya ang nasa harapan ko.
"Pinapasuli ni ma'am."
"Salamat."
Tinitigan ko siya.
"Hmmm? Bakit?"
Ang lamig ng boses, ang sarap pakinggan. Parang anghel.
"Wala naman. Bye. Hmmm.. makauwi na nga."
Palabas na ako ng biglang...
"Claire!!"
"Oh Clarisse?"
"Tara volleyball tayo."
"Sige. Gusto ko yan."
Wala namang gumagamit ng court dahil hapon na.
"Hahahahahaha."
"Claire ilag hahaha."
Tinamaan ako sa ulo pero hindi naman masakit. Napahiga pa tuloy ako sa lapag.
"Hahaha."
"Yung uniform mo baliw."
Bahala na basta masaya ako ngayon.
"Claire ayos ka lang?"
Napatigil ako sa katatawa.
"Ang saya ni Ms. Claire."
"Ah Oo."
Inabot niya ang kamay niya para makatayo ako.
"Salamat Icarus."
"Hi Icarus."
"Hello."
"Okay, gagamitin namin yung court. Time na namin."
Sabi nung coach ata nila.
"Wow.. kahit hapon na may practice pa rin?"
"Hindi kasi kami nakapag practice ng ilang araw."
"Hmm.. sige galingan niyo."
"Claire saglit. Ang dumi ng likod mo."
"Ah. Oo nga pala."
Nagulat ako kasi pinagpag niya yung likod ko.
"I.. ikaw na magpagpag dun sa palda mo."
"Eh! Hehe. Sa.. salamat."
Hoooo... ang bilis na naman ng tibok ng puso ko as usual.
"Ang bait naman ni Icarus. Mukhang naging malapit na magkaibigan na talaga kayo. Kainggit."
"Hehe."
Sobrang... sobrang matutunaw na ata ako kanina. Kahit hanggang ngayon ba ay hindi pa rin ako nakaka move on?
"Naku naman."
"Anong nangyari sayo?"
"Wala. Uuwi na ako."
"Ms. Claire, ayaw mo bang manood?"
"Na.. naku Gray hindi na."
"Saglit lang ang game namin ngayon."
"Tara nood tayo."
"Clarisse!"
Nakita ko sa kalayuan si Freya kasama ang ilang babae na nakatayo.
"Tara na Claire."
"Uuwi na ako."
Sakto naman nung pagtalikod ko ay nakita ko si Carina. Nagkatinginan kami. Ngumiti lang ako.
"Ms. Claire."
Hmmm??
"Sorry."
Yun lang ang sinabi niya bago nagpatuloy na naglakad papuntang court.
"Wui Claire."
"Una na ako Clarisse."
Naglakad ako ng mabilis palabas ng school habang nakangiti. Hindi ko inakala na mag sosorry sa akin si Carina. Hindi ko alam pero masaya lang ako.
"Hmmmm? Kuya Jasper?"
"Oh Claire ngayon ka palang uuwi sa inyo?"
"Ah opo, may inasikaso lang at naglaro din ng konti. Saan po kayo?"
"Ito meron na akong apartment, lilipat na ako dun. Kinuha ko lang yung mga iilang gamit ko."
"Ganun po ba. Mahirap bang mag college?"
"Depende siguro sa kurso. Mahirap naman lahat. Meron lang mas mahirap. Ano ba gusto mong kunin?"
"Sa totoo lang pinag iisipan ko pa."
"Ganun ba. Marami ka pang araw para mag plano. Si Nami din nalilito pa eh, pero mukhang mag nunursing din."
"Wow. Hindi ko alam yon ah. Kakausapin ko siya."
"Sige Claire. Mauna na ako, marami pang gawain bukas. Hehe."
"Sige po salamat. Mag iingat po kayo. Bye."
"Bye."
Ang galing talaga. Dapat ako din, dapat magplano na ako. YES.
0000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000
"Inaantok pa ako."
Umaga ng sabado.
"Ang aga mo ate ah."
"Hmmm.."
Napansin ko na may message ako. EH?!
"Nakita ka daw ni kuya na may kausap na lalaki. Sino yon?"
Natulala ako sa nabasa ko at hindi makapaniwala. Bakit nagtatanong si Icarus? Nagseselos ba siya?
BINABASA MO ANG
Wrong Move
Teen FictionMaganda at maayos naman ang takbo ng buhay ko... pero dahil sa isang pagkakakamali, bigla nalang nagbago ang lahat. Minsan pala ang pagkakamali ay nagdudulot din ng magandang bagay. Sana nga lang... sana mas naging matapang ako, sana mas naging tapa...