Part 28 - Love fever

48 3 0
                                    

Pagkagising ko nakita ko kaagad ang 14 missed calls galing kay Icarus.

"Hindi siya makakapunta dito."

Buti nalang sinabi ko na nasa bahay ako ng tita ko ngayon.

"Parang ang sama ng pakiramdam ko, buti nalang sabado."

"Nak, alis muna ako. Ang bahay ah."

"Ma. Mamaya pag may naghanap sa akin ay sabihin mo na nasa bahay ako ngayon ni tita."

"Bakit?"

"Sige na. Masama pakiramdam ko eh."

"Sige. Alis na ako."

Totoong masama talaga ang pakiramdam ko.

"Parang may lagnat na ata ako. Curtis?"

Wala siya.

"Pa, nandito ka pala. Lalabas lang ako saglit."

"Uhum. Isara mo maigi ang pinto."

Kahit na masama ang pakiramdam ko ay pinilit kong pumunta ng store.

"Salamat po."

"Miss. Hello."

Parang sumama lalo ang pakiramdam ko. Bakit siya nandito? Paano? Ang ganda niyang manamit. Paldang may kaiksian ng konti pero sakto lang.

"Hi. Ikaw pala. Kamusta?"

Umupo kami malapit sa park.

"Lagi kasi kita nakikita dito."

"Hmmmm...."

"Ako nga pala si Maribelle. Kaibigan ni Icarus."

Mari.. belle? Ah.

"Hmm.. Belle?"

"Ah oo, palayaw ko."

"Claire nga pala. Kamusta ako? Ayos naman. Medyo naambunan lang siguro kaya masama ng konti ang pakiramdam."

"Ganun ba. Nagkita tayo nakaraan sa school."

"Oo nga. Kamusta kayo ni Icarus?"

"Hehe. Magtatanong sana ako sayo. Ngayon kasi hindi maganda. Gusto ko sanang ayusin ang lahat sa amin. Hehe. Mahabang kwento pero nandito ako para... sa kanya."

Gusto ko sana magtanong kung anong pinag usapan nila pero wag na. Ayoko na.

"Hmmm.... anong itatanong mo?"

Ang sakit sakit. Okay lang kung lagnat lang to pero... gusto ko na gumuho.

"Meron ba talaga siyang nagugustuhan sa school niyo?"

"Ahhh..."

"O ikaw ba yon?"

Ako? Ako nga ba? Wala naman siyang sinabi. Hindi naman kami. Ang isang halik at iilang salita ay hindi sapat para masabing ako nga. Baka umasa lang ako at masaktan pa lalo. Ayoko na.

"Hindi. Hindi ko alam eh. Kaibigan ko lang siya."

"Ganun ba. Hindi naman siguro si Carina."

"Bakit hindi? Maganda si Carina."

"Ah hehe. Baka? Ewan. Hayaan mo na. Salamat Claire."

"Uhum."

Tumayo ako.

"Claire! Okay ka lang?"

Na out of balance ako pero buti nalang sinalo niya ako. Tinitigan ko siya at niyakap. Sobrang higpit.

"Salamat Belle."

"Mainit ka. Mabuti pa.."

"Okay lang. May gamot naman ako. Isang tulog lang to."

Ang bango niya. Ang lambot ng buhok niya.

"Kung.. kung hindi mo lang siya sinaktan, sana kayo pa rin hanggang ngayon. Sana lahat tayo masaya."

Mahina kong sabi.

"Eh?"

"Sana kung iningatan mo siya, hindi mangyayari ang lahat ng ito."

"Claire?"

Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Salamat. Bye. Belle."

Nakatingin lang siya sa akin na parang naluluha.

"Lagi siyang walang time sa akin. Pero natuto na ako, gusto kong ibalik ang lahat sa amin. Mahal na mahal ko si Ica at alam kong mahal pa rin niya ako. Gagawin ko ang lahat para magkaayos kami."

Tuluyan na nga siyang naluha.

"Grrrr.... sa game man o sa totoong buhay, hindi sapat na dahilan ang walang time para gawin mo yun sa kanya!!"

Hindi ko napigilan ang emosyon ko at nasigawan ko siya. Napatingin ang mga napapadaang tao sa amin.

"Alam ko pero hindi mo naiintindihan. Huhu."

"Pwede ba umalis ka na sa harapan ko! Ayoko nang makita ka kahit kailan! Sayong sayo na si Icarus!"

Dahil ba sa may sakit ako kaya kumukulo ang dugo ko?

"Huhuhuhu."

"Claire!"

I.... Icarus??!! Narinig niya ba kami?

"Hindi ko akalain na gagawin mo yun sa kanya."

"Icarus kasi..."

"Huhuhuhuhu.."

Yumakap si Belle kay Icarus. EH?! Bagay silang tignan........ Sino ba ako?

"Sa tingin ko... hindi pa talaga kita kilala Claire."

"Icarus hayaan mo muna ako magpaliwanag."

"Ms. Claire."

Si Carina at ang iilang kaibigan ni Icarus ay malapit lang din.

"Sapat na ang mga narinig ko. Tara na."

Naglakad na sila palayo sa akin. Napayuko nalang ako at napatingin sa ibaba.

"Huhu."

Tumulo na ang mga luha sa aking mga mata. Nanginginig ang buong katawan ko.

"Curtis. Ate mo yun di ba?"

"Oo nga. Saglit lang."

"Huhu."

"Ate, bakit ka umiiyak?"

Yumakap ako kay Curtis.

"EH?! Ang init mo!"

"Kasi masama ang pakiramdam ni ate. Umuwi na tayo."

"Magdamag ka bang nag video games kagabi? Naku naman. Tara na."

Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko.

Wrong MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon