Sa buong sabado wala naman akong lakad kaya naglaro nalang ako.
"Ang sarap talaga pag tapos na ang mga exams at projects."
Mas naunang natapos ang exams namin. Matagal nang sinabi ang projects kaya konti nalang ang ginagawa namin. Naalala ko pa na isang buong linggo akong hindi naglaro non.
"Kaya akin ka ngayon."
Tama din ako, isang magdamag na game at tulog lang nakabawi na ako sa nangyari. Buti nalang hindi ako agad agad nahuhulog. Sakto naman tumunog ang phone. Call? Eh?
"Icarus, napatawag ka?"
"Ah.. hello Claire. Naliligaw po kasi ako."
"Huh? Naliligaw?"
"Ahhh.. nakakahiya pero hinahanap ko kasi yung bahay mo."
Ano daw? Ba... bahay ko!
"Huh? Bakit naman?"
"Gusto ko lang bumisita at malaman na rin yung bahay mo. Nandito ako kung saan mo ako unang nakita. Saan na ba dapat ako?"
Bakit parang pinagpawisan ako ng malamig? Si Icarus gustong malaman kung saan ako nakatira?! Ang masaklap pa...... sobrang gulo ng kwarto ko!!!!! Parang hindi kwarto ng babae!! Ano naman? Hindi naman siya papasok ng kwarto ko.
"Ahh... naku magulo ang bahay ngayon kaya..."
"Okay lang Claire. Gusto ko lang malaman kung saan ka nakatira."
Pwede ba yon? Ito ang bahay ko, sige uwi ka na.
"Di... diretso lang. Pasok ka sa gate tapos yung pulang bahay na may second floor at halaman sa labas."
"Ahehe... Si.. sige papunta na ako."
Binaba na niya ang call pero nakatulala pa rin ako.
"Anong gagawin ko? Bakit? Bakit siya pupunta dito? Nakabawi na ako tapos ito na naman."
Agad akong nag ayos kahit papano, niligpit ang mga kalat sa kwarto at sa sala.
"Tapos ito pa...."
"Claire?"
"Ang bilis naman?"
Malas, pawis na pawis na ako.
"Icarus. Ang bilis mo yata?"
"Athlete ata to."
Ang lakas talaga ng dating niya. Simpleng porma, parang bongga na. Light brown ang damit niya na telang jeans. May kwelyo siya na naka unbutton ng dalawa o tatlo. May itim na t shirt o sando ata yon sa loob. Half sleeves. Naka brown jeans siya na maluwag pa sa kanya, nakatupi ang dulo non. Ang sapatos niya parang sa porma ng mga Parisian. In all, may style talaga. Samantalang ako.... nevermind.
"Napadaan ka Icarus?"
"Uhum. May pupuntahan din kasi ako kaya naisip ko na alamin na rin ang bahay mo."
Normal lang siyang magsalita. Pero wala lang yon, magkaibigan lang kami. Tama.
"Ganun ba. Basta sa susunod, wag mo akong biglain haha."
"Oo nga promise, di na mauulit."
Matagal na rin nung huli kong narinig yung salitang yun sa kanya.
"Claire. Pwede ba akong makainom ng tubig."
"Huh? Ah si.. sige. Pasok ka muna."
Ganun naman di ba. Papapasukin mo talaga.
"Ikaw lang ang tao?"
"Ah oo. May kanya kanyang lakad sila eh."
"Ano naman ginagawa mo pag wala sila?"
Ano bang klaseng tanong yan?
"Nagbabasa. Nagrereview. Ganun lang."
Naku naman.
"Ikaw rin pala. Magaling."
Sabay abot sa kanya ng tubig.
"Akala mo lang."
Nasabi ko nang mahina. Umupo ako. May mesa sa pagitan namin.
"Claire."
"Hmmm?"
Ewan pero nagkatitigan kami. Nakaupo siya sa kaharap na sofa. Ang.... ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Iinom muna ako ng tubig."
Eh? Huminga ako ng malalim at naglakas loob na magtanong.
"Icarus. Nakita ka namin ni Nami sa canteen ah. May girlfriend ka pala. Ang ganda niya."
"Girlfriend? Wala akong girlfriend Claire. Baka yung kababata ko yon. Close kasi kami, halos kapatid na rin ang turing ko sa kanya."
Bakit? Bakit parang nabunutan ako ng tinik?
"Ta... talaga? Akala talaga namin girlfriend mo. Ang ganda niya kasi. Parang manika."
"Sabi ni tita, pinaglihi daw niya si Carina sa manika. Kaya siguro ganun."
"Pero hindi naman kayo magkadugo, hindi ka ba nahuhulog sa kanya?"
Sa tingin ko safe naman ako sa tanong na yon.
"Hindi eh. Quiet ka lang ah."
Mukhang may gusto sa kanya yung kababata niya at nag aalala siya na baka masaktan niya.
"Ang bait mo talaga Icarus."
"Hehe. Ikaw po ba Claire?"
Isip isip. Aha!
"Matagal nang natutulog ang puso ko."
Isang linya mula sa game na nilalaro ko.
"Parang sleeping beauty."
"Ahehe sleeping lang."
Nag ngitian lang kami.
"Claire aalis na ako. Salamat sa tubig."
"Salamat din."
"Saan?"
"Sa pagbisita mo."
Hinatid ko siya palabas at nagpaalam na.
"Kababata. Hmm.. ano naman. Magkaibigan lang kami. Wag ka nang umasa."
BINABASA MO ANG
Wrong Move
Teen FictionMaganda at maayos naman ang takbo ng buhay ko... pero dahil sa isang pagkakakamali, bigla nalang nagbago ang lahat. Minsan pala ang pagkakamali ay nagdudulot din ng magandang bagay. Sana nga lang... sana mas naging matapang ako, sana mas naging tapa...