Tumango lang siya.
"Anong klaseng reaksyon yon? Nag away kayo no?"
"May... may lakad pa ako. Pasensya na."
Umalis din ako kaagad. Hindi ko na nagawa pang lumingon.
"Pinagpawisan ako dun."
Paano ako makakapag move on kung nakikita ko rin siya? Dapat umiwas na ako sa court na yon.
"Claire. Claire!"
Huh?! Sino yon?
"Grabe ka naman, hindi mo ba ako marinig?"
Kuya Orion.
"Naku po, pasensya na."
"Mukhang malalim ang iniisip mo ah. Parehas kayo ni Ica."
Eh?! Kung ganun iniisip din niya pala ang nangyari.
"Uy Claire, bakit hindi ka dumaan mamaya sa bahay. Matutuwa si Ica pag nakita ka, para mabawas bawasan ang pinag iisip non."
"Kuya Orion......"
Sasabihin ko ba?
"Bakit Claire may problema ba kayong dalawa?"
"Eh?"
"Hmmm... natural lang yan sa relasyon. Malalagpasan niyo rin yan. Pero sana puntahan mo naman siya, mukhang depress na depress eh."
Icarus.
"Sige Claire mauna na ako. Mag aasikaso pa ako sa bahay. Mag iingat ka. Lagi kang welcome sa bahay."
"Uhum. Salamat po Kuya Orion. Mag iingat din po kayo."
Hindi ko nasabi sa kanya na wala na kami ni Icarus. Gusto ko rin sana siyang tanungin tungkol sa ex ni Icarus, pero para saan pa. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad papunta sa bahay ni Nami.
"Nami?!"
"Oh Claire. Naku wala dito si Nami. Umalis eh."
"Ga.. ganun po ba tita. Nasaan po kaya?"
"Mukhang sa kaklase niya pero hindi ko alam kung saan eh."
"Okay lang po. Salamat po."
"Sige Claire."
Mukhang wala akong makakausap ngayon tungkol sa mga pinagdadaanan ko. May nagtext sa phone ko.
"Sorry Claire. May lakad ako ngayon eh. Nasa bahay ako ng kaibigan ko. Next time nalang ah."
"Sige. Pakasaya ka. Next time nalang. Miss na kita agad."
Kung ganun uuwi nalang ako at maglalaro.
"Wala nang ingay sa court."
Wala na sila. Iilan nalang na kung sino sinong naglalaro.
"Mahina ba ako? Bakit ginive up ko siya kaagad?"
Hmm.. huli na para mag isip ng ganito. Naluluha pa rin ako.
"Sana nasa bahay siya?"
Eh?! Bakit ko nasabi yon?
"Curtis."
"Oh ate?"
"Si mama?"
"Nasa loob, bakit?"
Hindi maingay ang kapatid ko kaya ibig sabihin wala. Ang tanga ko, bakit pa ako umaasa.
"Claire, tulungan mo nga ako dito."
"Opo ma."
Pagkatapos ay umakyat din ako ng kwarto. Naglaro.
"Claire. Sa tingin ko meron ka pang problema sa sarili mo. Siguro nga........ itigil na natin to."
Problema sa sarili ko? Humiga ako sa lapag.
"Marami akong problema sa sarili ko at dumagdag pa ang pag ibig na to."
Pero anong ibig niyang sabihin? Biglang may text sa phone.
"Claire. Kamusta? Bakit ka pala pumunta kanina?"
"Nami. Break na kami ni Icarus."
"HA?! Ano?! Ang bilis naman. Naku naman. Kamusta ka?"
"Medyo okay na ako, naibuhos ko na rin naman na."
"Claire. Ang aking Claire."
"Nga pala Nami. Gusto kong mag focus sa pag aaral sa pasukan. Tulungan mo sana ako."
"Oo naman. Sana matulungan din kitang maibsan ang nararamdaman mo ngayon."
"Sapat na sa akin na nandiyan ka. Thanks, Nami. Good night."
"Magkwento ka sa akin ah. Good night."
Maaga akong natulog ngayon. Sa mga sumunod na araw ay nagkausap kami ni Nami. Nasabi ko na rin sa kanya lahat lahat at naintindihan naman niya ako. Iba talaga pag may kaibigan kang maaasahan.
0000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000
Maraming araw pa ang lumipas, maraming malungkot pa na araw ang lilipas.
"Icarus."
Sa panaginip ko, nakita ko si Icarus. Nakatayo at nakangiti sa akin. Biglang may lumapit sa kanya at naglakad sila palayo. Tinawag ko siya pero hindi na siya lumingon pa.
"Ate gising na. Umaga na."
"Hmmm.. paano ka nakapasok sa kwarto ko?"
"Bukas eh. Icarus ka ng Icarus. Bakit nga ba hindi na siya napapadaan dito? Wag mong sabihin na hiwalay na kayo?"
Napaka straightforward talaga ng kapatid ko.
"Ano naman."
"Huh?! So hiwalay na kayo agad?"
Nakatulala pa ako kasi kagigising ko lang din.
"Oo nga. Kaya mag move on ka na rin."
"Ano ba yan siya bakit ang bilis talagang magpalit ng mga tao ngayon?"
Lumabas na siya ng kwarto. Napapaisip pa din ako. Sinasabi ko ang pangalan niya habang natutulog?
"Eh? May tumatawag........"
Number ni Icarus?! Napalunok ako. Huminga ng malalim. Sasagutin ko ba?
"He.. hello?"
"Hello. Claire ikaw ba to? Si Orion to."
Nawala ang kaba ko. Grabe sobrang bilis ng tibok ng puso ko kanina.
"Napatawag po pala kayo?"
"Naku busy ka ba?"
"Hi.. hindi naman po. Bakit?"
"Ang dami kasing naiwan ni Icarus, pati cellphone niya. May practice match sila sa court malapit sa park. Pwede ba tayong mag meet kung saan tayo nagkakitaan nung nakaraan? May pasok pa kasi ako, hindi kakayanin pag pumunta pa ako sa park."
"Ah."
Nabigla ako sa narinig ko. Hindi ko alam ang isasagot ko.
"Hayaan mo, ipagluluto kita ng masarap sa susunod."
Hi.. hindi pa alam ng kuya niya na wala na kami? Kung ganun ako nang magsasabi at pagkatapos ay ihahatid ko yon.. bilang isang kaibigan lang.
"Uhum. Sige po."
BINABASA MO ANG
Wrong Move
Teen FictionMaganda at maayos naman ang takbo ng buhay ko... pero dahil sa isang pagkakakamali, bigla nalang nagbago ang lahat. Minsan pala ang pagkakamali ay nagdudulot din ng magandang bagay. Sana nga lang... sana mas naging matapang ako, sana mas naging tapa...