Part 21 - Separate Ways

47 2 0
                                    

Ito na nga. Naglalakad na ako pauwi kasama si Icarus na ihahatid pa ako.

"Ehem."

Hindi talaga ako mapakali. Sobrang kinakabahan ako. Nakakailang talaga. Ano bang dapat gawin sa ganitong sitwasyon?

"Kamusta?"

"Ha? Ano? Ah. Yung pagkain. Masarap. Ang sarap ng pagkain, sobra. Ito nga nag uwi pa ako."

Hinga malalim. Relax lang Claire. Bakit ganun parang ang bagal ng oras?!! Hindi na ata ako makahinga?!!!

"Ako na magdadala niyan."

Bigla niyang kinuha ang hawak ko.

"Ah hindi na. Magaan lang naman."

"Ako na."

"Hindi okay lang."

Tumitig siya sa akin. Tsaka ko nabitawan yung dala kong pagkain.

"Si.. sige."

Hmmm... ang init sobra. Pinagpapawisan ako.

"Claire!"

Biglang may bisikleta na dumaan sa likod ko na muntik ako mahagip.

"Pasensya na po may hinahabol lang!"

EH?! Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Napalunok ako. Yung kamay niya nakahawak sa bewang ko at ang lapit ko sa kanya. Sa lapit ay naririnig ko pa ang paghinga niya.

"Tha.. thanks, Icarus."

"Uhum."

Tsaka umaayos ulit kami at nagpatuloy sa paglalakad.

"Sana di ka masyado nagbababad sa video games."

"Ah. Uhum. Tsaka ilang araw nalang ulit pasukan na naman. Sa pasukan, mag aaral akong mabuti at hindi masyadong maglalaro."

"Mabuti naman."

Huminto siya.

"Eh? Bakit?"

"Gusto mo tumambay muna saglit?"

"Sa.. saan?"

"Dun sa cafe?"

Ah yung cafe kung saan din kami nagkita.

"Sa tingin ko kasi busog pa din ako. Diet."

Sa wakas, nasabi ko din. Kailangan ko talaga mag diet.

"Mag coffee nalang tayo. Tara."

Hindi pa ako sumasagot ay pumunta na siya dun kaya naman sumunod nalang ako.

"Ito po ang coffee nila."

"Salamat."

"Icarus, salamat sa libre. Ito na yung libre na sinasabi mo."

"Coffee? Hmmm.. oo nga. Nakakahiya naman coffee lang nalibre ko."

"Marami na rin kasi ako nakain, okay na yon."

Ano bang dapat pag usapan? Wala na akong maisip pa.

"I missed you."

"Eh?"

Uminom siya bigla ng kape pagkatingin ko.

"Namiss din kita."

Sabi ko na nakangiti lang at normal lang. Hmmm...? Bakit patingin tingin siya sa akin? Bakit sobrang bilis na naman ng tibok ng puso ko?

"Galingan natin sa pasukan. Galingan mo din sa laro mo."

"Uhum. Galingan mo din sa pag aaral mo."

Masaya ako at normal lang siyang magsalita ngayon. Sa loob ko, nakaramdam ako bigla ng kagaanan ng loob.

"Icarus. May hihingiin akong pabor."

Halatang nagulat siya.

"Ano yon?"

"Pwede bang wag mo na akong ihatid sa bahay?"

Tama. Pagkatapos nito, dapat na kaming magkahiwalay ng landas.

"Bakit naman?"

"May dadaanan pa kasi ako."

"Sasamahan kita."

"Wag na, kaya ko na. Hindi pa naman masyadong madilim."

"Okay lang."

"Icarus."

"Please Claire."

Hinawakan ko ang isa niyang kamay.

"Kaya ko na."

Nagkatitigan kaming dalawa.

"Sige. Kung yan ang gusto mo."

"Salamat."

Yun nga ang nangyari. Naglakad kami sa magkahiwalay na landas.

0000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000

"Welcome back guys! Namiss ko kayong lahat!"

Pasukan na naman. Maingay na naman. Namiss ko to.

"Kamusta bakasyon niyo? Enjoy ba?"

"Oo naman, ang dami naming pinuntahan."

"Oo sobrang enjoy."

"Eh? Bakit naman Claire."

"Wala ka naman dun kaya secret."

"Aba binabawian mo ba ako haha."

"Aray ko haha."

Buti nalang pasukan na ulit. Masaya rin ang makipagkulitan sa mga kaklase.

"NAMI!"

"Oh CLAIRE! Haha. Hindi tayo nakapag bonding masyado nung bakasyon."

"Oo nga eh ikaw kasi busy."

"Eh ikaw nga...... I missed you Claire."

"Ikaw talaga."

"Kamusta naman ang video games mo?"

"Nakakatamad na, piece of cake."

"Hahahaha."

Samahan mo pa ng makulit mong best friend.

"Guys tara na pasukan na."

Unang araw ng klase pero ang dami agad gagawin. Desidido akong mag focus ngayon sa pag aaral.

"Uy, tignan mo si Claire. Kunyari seryoso oh."

"Anong kunyari? Seryoso ako."

"Naku wag kami."

"Sira. Mamaya ka lang. Haha."

Hanggang uwian ay sobrang saya lang namin.

"Asan ba si Nami?"

"May hinahanap ka ba Claire?"

Eh?

"Hehe. Sino naman? Sige nga."

"Ewan ko sayo? Bye. Dito na us."

Ang mga kaklase ko, walang kamalay malay na naging kami ni Icarus. Hehe pero parang tama siya. Bakit parang may kulang sa araw na to? Parang may hinahanap ang aking mga mata? Pero hanggang sa makauwi ako, wala naman. Kung ano man yon, dapat na akong masanay na wala na.

"Mama, nandito na po ako."

Wrong MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon