Kahit anong posisyon ang gawin ko ay hindi ako makatulog. Nagbabalik tanaw lahat sa utak ko ang lahat ng nangyari kanina.
"Icarus."
"I love you Claire."
"Kung ganun, anong meron sa inyo ni Belle?"
"Walang meron sa amin. Matagal na kaming tapos. Bahagi nalang siya ng nakaraan ko."
"Kung ganun, bakit ganun ka makatingin sa kanya?"
"Natakot ako. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko."
"Mahal mo pa ba siya Icarus?"
Kumalas siya sa pagkakayakap niya sa akin.
"Wala na akong nararamdaman sa kanya. Pinagsabihan ko na siya ng maraming beses na may mahal na akong iba."
"Paano ako makaka sigu......"
"Mahal kita Claire! Ikaw lang ang mahal ko."
Muntik pa niya akong halikan pero buti yumuko ako. Halo halo ang nararamdaman ko. Sobrang gulong gulo na ako.
"Ano bang meron sa akin?"
"Hindi ko rin alam, basta mahal lang kita. Kahit anong mangyari, masama o maganda ay ganun at ganun pa rin ang nararamdaman ko para sayo at lalo pang tumitindi."
"Natatakot akong masaktan lang ulit. Umasa lang ulit."
"I'm sorry kung nasaktan kita. I'm sorry. I'm sorry Claire. Magsimula ulit tayo please."
Nag isip ako ng malalim. Tama ba tong ginagawa namin?
"Claire. Iba ka sa kanya. Nag iisa ka lang kaya wag mo nang ikukumpara ang sarili mo sa iba."
Parang nagising ako sa sinabi niya. Naluluha na naman ako.
"Uhum. Tama ka. I'm sorry din sa mga nagawa ko. Uhum. Magsimula ulit tayo."
Napabangon ako sa kama.
"WAAAAAAAAAAAAAA!! Hindi ako makatulog."
Hindi ako makatulog dahil sa sobrang saya ng emosyon ko na para bang sasabog na.
"Susubukan ko ulit na matulog."
0000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000
"Hala tignan mo si Claire, parang zombie haha."
"Anong nangyari sayo? May sakit ka na naman ba?"
"Wala. Hindi lang ako nakatulog ng maayos."
"Ano ba kasing mga pinag iisip mo?"
"Wala naman Clarisse. Siguro?"
"Ano daw? Hahaha."
May game daw mamaya. Excited na ako manood. Ano na naman ang sasabihin ko kay Nami? Na kami na naman ulit?
"Bakit tumatawa si Claire?"
"Nabaliw na ata."
"Mamaya nga pala may game. Manood kayo kung gusto niyo."
"Alam namin. Kami pa ba."
"Hehe."
Nung nag break na ay agad ko din na hinanap si Nami.
"Nami busy ka ba?"
"Oh Claire. Tara kain."
Umupo ako sa tabi niya.
"Anong meron?"
"Ahm....."
Paano ko sasabihin sa kanya? Kasama pa niya mga kaklase niya. Naisipan ko nalang na ibulong sa kanya.
"Kami na ulit."
"HA??????!!!!"
Nagtingin ang mga tao, paano ba naman ang lakas ng naging reaksyon ni Nami.
"Mga baliw kayo."
"Hehehe. Hahaha. Tama ka. Baliw na ako."
"Magkwento ka."
"Next time na. Wag dito. May game mamaya. Manonood ka?"
"Hindi ako busy mamaya. Sige. Tsaka ka magkwento ha."
"Uhum. Hehe."
"Claire. Baliw ka na. Kayong dalawa."
Pagkatapos lang ng break ay tumawag si Curtis.
"Ate, mamaya ah. Sasama ko yung mga kaibigan ko."
"Oo mas marami, mas masaya. Fight."
"Yes. Suportahan natin si Icarus."
0000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000
"FIGHT! FIGHT!"
Hindi pa nagsisimula ang laban, hype na ang mga tao sa court. Sa school lang ang laban. Practice match lang din pala pero malakas na team sa ibang school ang kalaban.
"GO! GO! FIGHT!"
"Tumayo nalang tayo, mas maganda."
"Oo nga Claire. Para makapag cheer ng mas maganda."
Nakita ko si Carina na palapit.
"Ms. Claire, pwede ka bang makausap saglit ni Icarus."
"Huh? Dun?"
"Saglit lang naman daw. Tsaka.... support mo na yon sa kanya bilang... sige na po."
"Anong meron Claire?"
Umiral na naman ang curiosity ng mga kaklase ko. Huminga ako ng malalim tapos tumingin kay Nami.
"Uhum. Go Claire."
"Congrats."
"Eh?"
"Mas gusto na kita kaysa kay Belle. Wag po kayong magpatalo sa drama non."
"Carina."
"Sige na po. 20 minutes nalang magsisimula na ang laban."
"Uhum."
Tumungo nga ako kung nasaan sila. Buti may mga ilang babae din dun. Mukhang mga girlfriend ng mga ibang players. Hmmm.. inaayos niya yung damit niya.
"Ms. Claire. Wow. Yeah support."
"Hehe. Fight. Fight."
Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Nahihiya pa nga ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Tumingin ako sa kanya at inayos ang damit niya.
"Fight."
"Uhum."
Nag ngitian kaming dalawa. Ang galing lang. Sa dinami dami ng sakit na naramdaman ko, sa mga nangyari, sa isang iglap ay agad na napawi. Ganito pala ang kapangyarihan ng love.
"Claire."
Kinuha niya ang isang kamay ko.
"Icarus."
"I love you."
"EEEEEEEEEEEEEE!!!"
EH?! Naghiyawan ang mga players na kasama namin.
"Dun din pala ang tungo niya, pinatagal niyo pa. Haha."
"Alam mo Ms. Claire, sawang sawa na kami sa kapapayo diyan. Lagi nalang iyak ng iyak."
"Tu... tumigil nga kayo! Wala yon."
"Hehe. Buti sinabi mo. Okay lang yon Icarus. Parehas lang tayo."
Namula siya bigla tapos napatingin sa iba. Ginulo ko ang buhok niya.
"Sige na. Balik na ako. Fight."
"Uhum. Fight. Para sayo, gagawin ko ang lahat."
"Yan ang Ica namin. Hahaha."
"Mamaya lang kayo."
"Hahahahaha."
In 5 minutes, magsisimula na ang game. Excited na ako.
BINABASA MO ANG
Wrong Move
Teen FictionMaganda at maayos naman ang takbo ng buhay ko... pero dahil sa isang pagkakakamali, bigla nalang nagbago ang lahat. Minsan pala ang pagkakamali ay nagdudulot din ng magandang bagay. Sana nga lang... sana mas naging matapang ako, sana mas naging tapa...