"Last day ng pasukan Claire, pumasok ka ah. Mag gala tayo after class."
Text mula kay Nami.
"Ayokong pumasok kainis."
Buong gabi ako naglaro ng games ko, habang umiiyak. Hindi ko maintindihan, bakit ako umiyak ng grabe? Sino ba ako para masaktan?
"Nami, kita nalang tayo sa labas. Ayokong pumasok eh."
"Ano ka ba? Baka may huling pasabi ang mga guro."
"Edi ipapatext ko nalang sa mga kaklase ko."
"Sige na.. please. Wag mong sabihin na may problema ka?"
"Wala. Sige. Kitakits."
"Gusto mo puntahan kita diyan?"
"Wag na. Bye."
Huminga lang ako ng malalim.
"Okay. Pinatawad naman na niya ako. Magkaibigan naman kami. Okay naman na ang lahat. Magbabakasyon na, dapat masaya lang ako. Ibig sabihin more time sa games ko. Ibig sabihin malayo sa pag aaral. Malayo.... sa kanya. Tsk. Tama na. Wala lang yon. Tapos na."
"Ate, kaklase mo ata nasa baba pinapasok ko. Mauna na ako."
"Ang aga naman ni Nami?"
"Nami saglit."
Bumaba din ako pagkatapos kong mag ayos.
"Aga mo ah, talagang...."
Napalunok ako. Hindi pa ako nakakababa ng tuluyan ng hagdan, napahinto na ako.
"Cynthia? Anong ginagawa mo dito?"
"Sasabay lang ako ngayon. Bakit? May inaasahan ka bang iba? Ah si Nami ba?"
"Ah. Oo siya nga."
"Akala ko si Icarus."
Nagulat ako sa sinabi niya.
"Anong sabi mo?"
"Kala ko si Icarus."
"Bakit mo nasabi yan?"
"Para kasing may something kayo."
"Haha. Mag.. kaibigan lang kami no."
"Ah ganun ba. Nung basketball game kasi parang nalungkot siya nung nalaman niya na wala ka."
"Ah yun ba. Nakausap ko na siya kahapon, humingi na ako ng tawad. Okay naman na."
"Oh siya tara na. Hahatid ko din sa pinsan ko to kaya dito ang daan ko."
"Sige."
Sana wala na akong marinig pa tungkol sa basketball game na yon. Tapos na.
0000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000
"Claire, si Nami. Ayain mo sila. Sabay sabay na tayo kumain dito."
"Nami. Dito na kayo."
"Claire! Ang saya naman, ang haba ng break natin."
"Bakasyon na simula bukas. Mamimiss ko kayo."
"Ang cheesy mo naman Clarisse."
"Ganun naman talaga di ba Nana."
"Nami. Saan mo gusto pumunta mamaya?"
"Gusto mo sa mall tayo. May bibilhin din kasi ako."
"Sige. Samahan kita."
Sa kalayuan, kahit maraming tao ay nagawa ko pa siyang matanaw. Mukhang masaya naman na siya. Marami siyang kasama. Babae at lalaki. Sa tingin ko hindi na dapat ako mag alala pa. Tama na.
"Claire, pasuyo naman. Ikaw mabilis makakalabas, tubig."
"Oo ba."
Patayo palang ako, nakaramdam na ako ng kaba. Walang laman yung tubig malapit sa amin. Sa kabila may konting pila... kung saan nandun sila.
"Malas naman. Ah. Sino pang kukuhanan ko ng tubig?"
"Meron akong tumbler. Meron na ako."
"Hmm.. Ikaw lang. Sige."
Tubig lang yun Claire. Lakasan mo ang loob mo. Go! Lumapit na ako kung saan nandun ang isa pang kuhanan ng tubig.
"Mag patay malisya ka nalang."
Bulong ko sa sarili ko.
"Sa wakas."
Nakakuha na din ako ng tubig at pabalik na.... sana.
"Oh. Ms. Claire."
Patay.
"Oh. Kayo pala yan."
"Mukhang masaya ka po ah."
"Syempre bakasyon na."
"Ica.. payag ka na bang itanan ni Ms. Claire?"
Gusto ko nang lumipad papuntang Mars.
"Basta si Ms. Claire."
Ms. Claire? Tinawag din niya ako ng ganun kahapon. Sa tingin ko may ibig sabihin talaga yon.
"Ano bang pinagsasabi niyo?"
"Selos ka na naman Carina."
"Tigilan mo nga ako Luisa."
"Haha. Sa susunod sisiguraduhin ko na tamang tao na ang mahahatak ko."
Bakit ko yon nasabi?
"Nice Ms. Claire. Baka yung forever na mahatak mo sa susunod."
Napangiti lang ako.
"Sana nga. Sige na. Bye."
Paalam.
0000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000
Nakatingin kami ni Nami sa baba. Pinagmamasdan ang mga taong naglalakad lakad sa mall.
"Nami. Umuwi ako ng bahay at naglaro lang nang magdamag nung basketball game niya."
Akala ko ba ayoko na makarinig ng tungkol dun?
"Cla.. Claire?"
"Ang tanga ko. Diwag. Kinausap ako ng kababata niya, yung magandang girl na maliit, at tinanong kung may gusto ba ako kay Icarus. Ang sabi ko wala lang pero alam ko sa sarili ko na meron. Sobrang may gusto sa kanya yung kababata niya."
"Claire..."
"Di bale. Nakahingi na ako ng tawad sa kanya. Okay na. Tapos na. Nami. Naisip ko lang, parang may natutunan ako ngayon."
"Hmm. Ano yon?"
"Maganda at maayos naman ang takbo ng buhay ko... pero dahil sa isang pagkakamali, bigla nalang nagbago ang lahat. Minsan pala ang pagkakamali ay nagdudulot din ng magandang bagay. Sana nga lang... sana mas naging matapang ako, sana mas naging tapat ako at sana hindi ko sinayang ang pagkakataon. Mauulit pa kaya ang pagkakamali? Kung oo, gusto kong itama na yon sa pagkakataon na to."
"Ang lalim mo ngayon ah. Claire kaya mo yan."
"Simula ngayon, babawasan ko na ang video games. Simula ngayon, mag seseryoso ako sa mga bagay bagay. Handa na ako sa kung anong susunod na mangyayari pa sa buhay ko."
"Mukhang marami kang natutunan hindi lang sa pag aaral, pati rin sa tinatawag mong love."
"Sa susunod na makakaramdam ulit ako ng ganitong feeling. Magpapakatotoo na ako. Sasabihin ko na mahilig ako sa video games, na hindi ako mahilig masyado mag aral, na gusto ko siya."
"Ahehe. Sana bilisan niya."
"Sabi mo babahain tayo sa bakasyon, kaya sana meron na. Ikaw nga tong wala pa?"
"Well may nanliligaw sa akin pero hindi ko sasagutin eh."
"Siya pa rin, yun pa rin?"
"Hehe. Wala ako maramdaman di ba. Kaya ayoko pa."
"Sa huli tayo pa rin."
"Tama ka diyan Claire."
"Hahahaha."
Happy lang.
BINABASA MO ANG
Wrong Move
Teen FictionMaganda at maayos naman ang takbo ng buhay ko... pero dahil sa isang pagkakakamali, bigla nalang nagbago ang lahat. Minsan pala ang pagkakamali ay nagdudulot din ng magandang bagay. Sana nga lang... sana mas naging matapang ako, sana mas naging tapa...