Part 22 - Demo

48 2 0
                                    

Kinabukasan. Sa canteen.

"Claire!"

"Oh Nami?!"

"May gagawin ka ba pagkatapos ng klase?"

"Wala naman. Diretso uwi lang."

"Samahan mo naman ako. Biglaan. Susunduin lang natin yung pinsan ko."

"Ah sige saan?"

"Malapit lang naman. Maghahanap pa kasi siya ng malilipatan na apartment eh kaya dun muna siya sa amin."

"Bakit anong nangyari?"

"Ginamit na daw yung apartment niya. Saglit lang naman din siya. College student yon."

"Sige."

Pagkatapos nga ng klase ay bumiyahe agad kami kahit naka uniform pa kami.

"Hindi ba niya kayang pumunta sa inyo?"

"Si mama kasi, baka daw maligaw pa. Tsaka huling nagkita kami bata palang ako."

"Ganun ba."

Sa buong biyahe namin ay nagkwentuhan lang kami ni Claire tungkol sa kung ano ano at sa huling pag uusap namin ni Icarus.

"Talagang tinapos mo na ah."

"Oo. Tama na yon. Hehe."

"Okay lang yan Claire. Marami pang mangyayari sa atin."

"Kaya ikaw Nami, binabalaan kita. Wag mong subukang tumakbo sa akin na umiiyak ng dahil sa pag ibig hahaha."

"Grabe ikaw nga diyan."

"Ang ibig kong sabihin ay ayokong masaktan ka tulad ko."

"Aye! Oh. Dito na tayo."

Bumaba kami ng sasakyan at agad naman tumakbo si Nami.

"Insan, hello. Kanina ka pa?"

"La.. lalaki?"

Ang nasa isip ko pa naman babae.

"Hindi naman. Kararating ko lang din."

"Insan, best friend ko si Claire."

"Ah hello."

Sabay shake hands.

"Hello po."

May salamin siya sa mata. Mukhang mahilig mag aral. Madugo ba pag college? Isa pa, sobrang tangkad niya.

"Ang tangkad ng pinsan ko no. Walang wala kay Icarus."

"Ah oo nga eh."

"Pero hindi ako naglalaro ng sports. Mahina ako dun."

"Ano pong course niyo?"

"Nursing."

Kaya pala.

"Tara na insan."

Bumayahe na kami pabalik at pauwi.

"Salamat Claire sa pagsama."

"Oo ba. Nag enjoy din ako. Nami. Ganun ba talaga pag nursing, ang bait ng boses?"

"Ahehe. Kailangan yon. Magaan din ang kamay niyan ni insan."

"Insan? Ano bang pangalan niya?"

"Ah sorry. Jasper."

"Ah. Sige mauna na ako. Pasabi nalang din sa pinsan mo."

"Nga pala, sa susunod na araw pupunta sila ng school natin kasi magsasagawa sila ng seminar."

"Talaga?"

"Uhum. Ingat."

"Sige."

Hmmm... isang pangkaraniwang araw na naman. Wala naman akong assignments, maglaro nga ako saglit pag uwi.

"Nandito na ako ma."

Umakyat ako agad sa kwarto at nagpalit ng damit. Umupo at....

"Hindi. Mag aaral muna ako."

Nag desisyon akong mag aral nalang hanggang sa makatulugan ko iyon.

"Icarus."

0000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000

P.E namin at naka pants kami lahat.

"Claire!"

Kumaway sa akin si Nami mula sa kalayuan.

"Oh Nami?"

"Ngayon mag seseminar ang pinsan ko."

"Oh talaga. Sabi niya kailangan daw niya ng volunteer mamaya. Isa ako. Pwede ba ikaw yung isa?"

"Ah sige."

HUH?!

"Bakit nandito ang basketball team?"

Nasa gilid sila at nakaupo. Icarus.

"Si Icarus oh."

"Ahhh yung mga basketball player!"

"Cynthia, bakit sila nandito?"

"After kasi nito, may practice match sila. Baka sinabay na sila para makapakinig."

"Ah."

Nagsimula na ang seminar. Iba iba tungkol sa awareness, sa fire prevention, sa health etc.

"Kailangan ko ng volunteer, dalawang babae naman."

Tumingin sa akin si Nami tapos ay nagtaas siya ng kamay.

"Okay."

"Salamat. Lapit kayo dito."

"Aba Claire."

"Baka type niya yung nurse."

"Ahahaha."

Tigilan niyo nga ako. Ayokong makarinig ng anuman.

"Sa First Aid........."

Yung isang babae ang nag demonstrate gamit ang kamay ni Nami. Sa akin naman si Kuya Jasper.

"Hoo.."

Medyo kinakabahan ako. Ang lapit niya kasi sa akin pero alam ko naman na wala lang yun. Patuloy lang siya sa pagsasalita.

"Ah ganun pala."

Sabi ng mga audience. Eh? Ang lambot nga ng kamay niya. Ang ganda pa ng boses niya. EH?! Ano ba tong pinagsasabi ko at talagang dinedescribe ko pa ah?!!

"Alright. Thank you Claire."

"Ah uhum."

"Pwede ka na umupo Claire."

Nagtawanan naman yung mga audience.

"Ah. Opo."

Nakakahiya, akala ko kasi meron pa. Bumalik ako sa upuan ko.

"Ayos ka ah, masyado kang obvious Claire."

"Huh?!"

"Okay lang. Cute naman eh. Hahaha."

Anong pinagsasabi ng mga to? Kung sila kaya nandun.

"Volunteer sa lalaki naman?"

"AAAAHHH!"

"Si Icarus!"

Icarus.

Wrong MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon