"Mukhang hindi pa papasok si ate. Masama pa rin pakiramdam ma."
"Hayaan mo na ang ate mo. Sige na malate ka pa."
"Sige po. Kayo na bahala."
Nagtetext ako sa kaklase ko.
"Cynthia. Masama ang pakiramdam ko. Hindi ako makakapasok."
"Ganun ba. Lovenat ba yan? Hehe. Sige Claire. Magpagaling ka."
May pumasok na text.
"Ano Claire? Hindi ka pa rin ba magkwekwento?"
"Wala na. Para saan pa. Masama pakiramdam ko Nami. Hindi ako makakapasok eh."
"Ganun ba. Gusto mo daanan kita diyan mamaya?"
"Wag na. Papasok din naman ako bukas."
"Sabi mo eh. Sige. Kitakits bukas."
Nakatulog ulit ako kakaiyak at buong araw na nakahiga sa kama.
"Hmmmm?? Anong oras na?"
5 pm.
"Claire. May bisita ka."
"Ma. Masama ang pakiramdam ko pakisabi please."
Ikaw ba yan Icarus?
"Claire, napadaan lang ako dito para iabot yung mga inaral namin at assignments na rin."
Cynthia. Umakyat siya at pumasok ng kwarto. Bumangon naman ako.
"Ah. Naku naabala pa kita. Salamat."
"Pagaling ka ah. Kamusta ka?"
"Cynthia. May pabor sana akong hihingiin sayo."
"Uhum. Ano yon?"
"Pwede bang tigilan niyo na ang pang aasar sa akin tungkol kay Icarus? Kasi... wala naman talaga."
"Ah. Ganun ba. Si.. sige. Sasabihan ko sila. Sa ngayon magpahinga ka muna okay."
"Uhum. Thanks."
"Bye na. Alis na ako. Bukas nalang Claire."
Kumaway ako sa kanya sa bintana.
"Mag iingat ka Cynthia!"
0000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000
"Good morning Claire!"
Umakbay agad sa akin si Nami. Nagkasalubong kami papasok.
"Good morning Nami."
"Aba. Simple pero malaman. Magaling ka na ba? Magkwekwento ka na ba? Kamusta ang baby ko?"
"Sira. Magaling na ako. Tignan mo parang ang ganda ng umaga ngayon?"
"Parang may sakit ka pa ata eh. Magiging maaraw daw sabi sa balita."
"Bakit ka nakatitig sa akin? Hindi mo ba nakikita, ang ganda ng mga puno."
"Claire..."
"Wala na. Tapos na."
"Paano mo natapos?"
"Para lang yang game, pag nareach mo ang boss. Tapos na."
"Iba ang game sa totoong buhay."
"Tama ka. Mas masaya sa game."
"HUH?! Baliw ka. Haha. Teka ayan ba yung jacket ni Icarus?"
"Nami. Ipapasuyo ko sana. Pwede bang ikaw na ang magbalik nito?"
BINABASA MO ANG
Wrong Move
Teen FictionMaganda at maayos naman ang takbo ng buhay ko... pero dahil sa isang pagkakakamali, bigla nalang nagbago ang lahat. Minsan pala ang pagkakamali ay nagdudulot din ng magandang bagay. Sana nga lang... sana mas naging matapang ako, sana mas naging tapa...