Prologue

55 4 3
                                    

Doctor? Oo, Doctor siya.

She can save thousands of lives.

Kaya niyang gamutin ang mga simpleng sakit.

Alam niya ang gamot na dapat ireseta.

Pero yung sarili niya...

Kaya niya kayang gamutin ang sarili niya?

Kaya niya kayang ibigay ang tamang gamot para sa sarili niya?

Hmm. tignan natin.

~*~

Prologue

"Blue, may kailangan ka pa ba?" tanong ng isang nurse sa Doktora.

Ngumiti ito at muling ibinalik ang tingin sa mga papeles na nasa harap nito. "Hindi na. Kailangan ko pang i-review ang lahat ng status ng mga pasyente natin." malumanay na sabi nito.

"Pero, Blue.." tiningnan ng nurse ang oras sa relos na suot nito. "Anong oras na rin. Saka..lagi ka na lang nag-oovertime." pangungulit pa ng nurse.

Napangiti nang malawak ang Doktora nang maramdaman niya ang pag-aalala ng katrabaho niya. At sa isip niya ay may mga tao pa rin na mabait sayo kahit na hindi mo sila kadugo.

"Saka, hindi mo naman trabaho 'yang i-review ang mga status ng mga pasyente. Trabaho yan ni Vince." Nang banggitin ng nurse ang pangalan ng doktor na iyon ay napairap ito.

Halos lahat ng mga mga nagtatrabaho sa ospital nila ay hindi gusto ang doktor na iyon.

"Look, I am aware na hindi ko trabaho 'to pero kung walang gagawa nito ay malamang mapapagalitan lang tayo ng Director. And...nakikita mo ba kung nasaan yung Vince na 'yon? He's not even here." Nakangiti pa ring ani ng Doktora.

Hindi pa rin makuha ng nurse kung bakit ito ginagawa ng Doktora. Lagi niya itong ginagawa, ang angkinin ang trabaho na hindi sa kanya.

Kasi para sa kanya ay kung hindi mo kayang gawin ang isang bagay ay sabihin mo agad dahil may taong handang gawin 'yon kung hindi mo naman kaya..

Kung minsan pa nga ay ginawa mo na nga ang bagay na 'yon para sa kanila, pagkatapos ay aangkinin nila yung nagawa mo at sasabihin nila na sila ang may gawa no'n.

At kung minsan pa ay wala ka pang matatanggap na pasalamat.

"Besides, five minutes na lang uuwi na ko. Don't worry, susunduin ako ni Jerro." Nagsimula ng mag-ayos ng gamit ang Doktora.

"Sakto lang ba ang dating ko?" Boses ng isang lalaki mula pintuan. Nakasandal ito sa pinto at may napakatamis na ngiti sa labi.

Galing pa sa kumpanya ang lalaki ngunit napakapresentable pa rin ng ayos nito.

"Blue, ako bridesmaid sa kasal ah." Ani ng nurse na ani mo'y kinikilig sa dalawa. At nagpaalam ito na mauuna ng umalis.

"Bridesmaid daw si Mandy.." natatawang ani ng lalaki. Lumapit ito sa Doktora at kinuha ang bag nito.

"Yeah, siya naman talaga ang bridesmaid ko." Kaswal na ani ng Doktora at yumakap sa lalaki. "I miss you, honey." Hinalikan siya sa pisngi nung lalaki at sabay silang napangiti.

Kung titignan mo ang dalawa ay sobrang masaya sila. At mararamdaman mong mahal nila ang isa't isa.

Hinatid ng lalaki ang Doktora sa bahay nito.

Kahit na malapit na ang kasal nila ay mas pinili pa rin nilang wag munang magsama dahil pareho nilang alam na hanggat hindi pa sila kasal ay may responsibilidad pa sila na dapat gampanan sa pamilya nila.

Para kasi sakanila ay may tamang panahon para sa lahat ng bagay.

"Sigurado kang hindi ka na magpapakita sa kapatid ko?" Tanong ng Doktora habang hawak pa nito ang kamay ng mapapangasawa.

Lumapit ang lalaki at hinalikan ang noo nito. "Next time na lang, baka hindi pa ako pauwiin no'n. Saka, you need to rest...patay talaga sakin yung dahilan ng pag-oovertime mo." Sabay ulit silang natawa at napangiti pagkatapos.

"No need, honey. I can handle that punk. Just one wrong move.." Ngumiti ng bahagya ang Doktora.

"I know." Yinakap ng lalaki ang Doktora at hinalikan muli ito sa noo. "Go inside, it's already late. Goodnight, honey." Paalam nito at hinintay niyang makapasok sa loob ng bahay ang Doktora. At pagkatapos ay umuwi na rin ito.

~*~

A/N: so ayun...hi sa inyo haha xd bago nanaman? Yah. Hindi ko alam pero gustong gusto gumawa ng bagong story kaya ayan sinimulan ko. Haha.

Their Story: Operation Save YourselfWhere stories live. Discover now