Operation Twenty Six

15 3 1
                                    

Operation Twenty Six

-*- Blue -*-

Hindi ako natuwa nang tanggalin nila si Vince sa pwesto niya. Hindi rin naman ako nalungkot. Pero gumaan yung pakiramdam ko.

Nung isang araw ay nag-punta siya dito sa ospital para kunin ang mga gamit niya. Nalaman ko lang yan kay Rion.

Hindi ko alam kung bakit niya pa sinabi sakin yon samatanlang hindi naman ako interesado.

By the way, halos araw araw nang pumupunta si Rion dito sa ospital. Galing siya sa school niya then dito siya dumi-diretso.

Pinag-sabihan ko na siya pero hindi naman siya nakikinig sakin.

Pareho lang kami. Hindi siya nakikinig sakin, hindi ko din siya pinapakinggan. Ganyan kami lagi, but madalas mas nasusunod si Rion.

Ang galing nga lang kasi, ako yung mas matanda pero si Rion yung nasusunod. Pero okay lang sakin yon, as long as magka-sundo kami.

"Hi, Blue.." kaka-dating lang ni Rion. Medyo late siya ngayon. Kadalasan kasi around 4 pm nandito na siya but now 3 hours siyang late.

"3 hours late, saan ka galing?" Bungad ko sa kaniya.

"Busy sa school.." tipid na sagot niya at sinalampak niya ang sarili niya sa sofa.

"Sana kasi hindi ka na pumunta dito. Dapat dumiretso ka na lang sa bahay." Sermon ko sa kaniya. Lumapit ako kung nasaan siya at umupo doon sa maliit na space na hindi niya na-o-ocuppy. "Rion, let's go. Uuwi na tayo, sa bahay ka na mag-pahinga." Hinila ko siya sa braso pero pinipigilan niya ko.

"Go ahead, Blue. 5 minutes, susunod ako sa parking lot." Tamad na sabi niya.

Since mukhang wala na akong palag kaya ay sinunod ko na lang siya. See? Gaya ngayon, siya yung nasunod. Tho, I'm fine with that. He's my brother after all.

Hindi pa man ako nakakarating sa parking area ay naka-salubong ko si Alex.

"Blue.." banggit niya sa pangalan ko.

Hindi ko alam kung bakit siya lumalapit sakin. Hindi ko alam kung totoo yung pinapakita niya or she's just...guilty.

At sa loob ko ay pinaniniwalaan ko na guilty lang siya sa nangyari. Ano bang dapat kong i-expect?

"What now, Alex? Hindi ka ba matahimik dahil sa konsensya mo?" I tried to smile pero hindi gumana.

Nag-buntong hininga siya bago nag-salita.

"Look, sinusubukan kong makipag-ayos not because I'm guilty. Ginagawa ko 'to kasi alam kong ito yung tama." Nakita ko ang pag-tulo mg isang maliit na butil ng luha mula sa mata niya. "I'm saving myself, Blue. Ayoko ng makulong sa galit na naramdaman ko nung hindi ako yung pinili niya. I wanted to let go so that I can live my life, Blue."

Ano nga bang tama? Tanggapin ko na nawala si Jerro nang dahil sa kanila o umasta na parang walang nangyari?

Ano bang tama? Kasi kahit na anong piliin ko sa dalawang yan, masakit pa din. Nasasaktan pa din ako.

"Blue, ginagawa ko 'to para sayo. I want you to save yourself. Wag mong ikulong yung sarili mo sa 'kasi nasaktan ako'. Oo nasaktan ka, pero hindi naman ibig sabihin non pang habang buhay na yon." Aniya pa.

Napa-ngiti ako. Me? Save myself? How? Is that even possible?

"Wag mo sanang pang-hawakan na nasaktan ka. Hindi lang naman kasi ikaw. Hindi lang 'to tungkol sayo. Hindi lang 'to tungkol sa kung sinong nasaktan." Nag-iwas siya ng tingin at napa-yuko. Mukhang pinipili niya ang tamang salita na sasabihin niya. "It is all about how you will live your life after these shits. It is all about risking your own pride in order for you to forgive. Can you do that, Blue?"

Hinarap ko siya at pinag-masdan.

"Alex, hindi sa lahat ng oras kaya kong ibaba yung pride ko. Masakit yon sa part ko, do you even know that? Hindi sa lahat ng oras ako yung iintindi." Agaran kong pinunasan ang luha na dumaloy sa pisngi ko. I hate this. "Hindi sa lahat ng oras kaya kong gawin yon, kasi nakaka-pagod din."

Sinubukan niyang abutin ang kamay ko pero agad ko yong linayo.

"I can forgive, Alex. Pero yung sakit, hindi agad mawawala. I'll try, Alex."

It's easy to forgive but it is hard to forget.

Kaya ko namang mag-patawad, with that I'm saving myself from hatred. At magugulat na lang ako na isang araw makakalimutan ko na yung nangyari. Pati yung taong involve, makakalimutan ko na lang kung sino ba siya o anong parte niya sa buhay ko. Lahat nakakalimutan ko pero hindi yung sakit na pinaramdam nila sakin.

Hindi ko alam kung ang babaw ko o sadyang hindi lang nila ko naiintindihan.

Yet I'm a doctor, pero hindi ko alam kung pano gamutin ang sarili ko.

~*•*~

Their Story: Operation Save YourselfWhere stories live. Discover now