Operation Twenty
-*- Alex -*-
Nang umalis si Blue sa room ko ay agad kong iminulat ang mga mata ko.
"Thank you, Nurse Sitti. Sorry din at ginamit pa kita para mag-sinungaling." Sabi ko sa kaniya.
Natawa na lang siya sa sinabi ko na para bang hindi makapaniwala na nag-sorry ako.
Lumabas ako sa room ko at dahan dahang nag-lakad. Bitbit ko pa kasi yung dextrose stand.
"Hindi ko akalaing magiging pasyente ako sa ospital na pinag-sisilbihan ko. Ang weird sa feeling." Bulong ko sa sarili ko.
Nag-tago ako ng bahagya nang makita ko si Blue sa nurse station. Nandoon din si Vince and si Mandy.
Nag-paalam si Blue na aalis na siya. Naka-hinga ko ng maluwag nang makita kong umalis na si Blue.
Siguro ay pinuntahan niya si Jerro.
Babalik na sana ko sa room ko kaso ay narinig ko ang boses ni Vince na nagpo-protesta.
"Is she insane? Aalis na lang siya ng ganon? Pano kung may mali kay Alex?" Bakas sa tono niya ang inis.
Sumilip ako sa kanila. Naka-talikod si Vince sa gawi ko. Naka-wheel chair siya. I can't believe na mas nauna pang nagising si Vince kaysa sakin. Mas napuruhan siya but he was able to recover in one day.
Ngumiti si Mandy at pumatak ang isang luha sa mata niya hanggang sa mag-tuloy tuloy na ang pag-bagsak ng mga ito.
I can tell what happened.
"Alam mo bang mas inuna ka ni Blue kaysa kay Jerro? Alam mo bang ngayon dapat yung kasal nila? At alam mo ba na ikaw ang dahilan ng lahat ng 'to? Alam mo ba yon, Vince?" Hindi pa rin natapos ang pag-bagsak ng mga luha sa mata niya at hindi ko na rin namalayang pati ang luha ko ay kumawala na.
Pinunasan ni Mandy ang pisngi niya pero hindi nag-papapigil ang mga luha niya.
"Kanina, galing si Blue sa ceremony. Pero nung tinawagan ko siya ay agad siyang pumunta dito para i-check si Alex. At ngayon hindi lang siya basta umalis, nag-paalam siya for 3 days na leave pero ano?" Napa-yuko si Mandy dala na din siguro ng sama ng loob. Nag-angat siyang muli ng tingin. "Pumunta pa rin siya dito kahit na mas kailangan siya ng pamilya ni Jerro. At ngayon umalis siya para tapusin yung ceremony. Ngayon sabihin mo nga, mali pa ba siya sa mga ginawa niya?"
Ceremony? So hindi na niya pinatagal? At talagang sinakto niya pa sa araw dapat sana ng kasal nila.
"Anong ceremony?" Takhang tanong ni Vince.
"Hindi mo alam." Ngumiti ulit si Mandy. "Lagi na lang bang hindi mo alam, Vince?" Sarkastikong ani Mandy at iniwan niya si Vince na walang naintindihan.
Hindi muna ko bumalik sa room ko at nag-ikot ako sa ospital.
Sinadya kong dumaan sa office ni Blue. Pumasok ako sa loob.
"Well organized as always." Bulong ko sa sarili ko.
Lumapit ako sa mga gamit ni Blue. Napansin ko yung frame sa taas ng drawer niya. Lumapit ako doon para tignan yung picture.
"She kept this, huh?" Bulong ko pa. Kinuha ko yung frame at tinitigan ko yon ng ilang segundo.
Ilang taon na din pala.
~*•*~
YOU ARE READING
Their Story: Operation Save Yourself
HumorI will try this new story. Pinag-isipan ko po ito ng maigi. Kung may kapareho man po na pangalan, scene or whatsoever ay hindi po sinasadya at nagkataon lang. Tignan na lang po natin sa plot twist, dyan naman nagkakatalo ang bawat story. Pero ako na...