Operation Thirty

11 3 6
                                    

Operation Thirty

-*- Blue -*-

"Tititigan mo lang ba ko?" Malokong tanong niya at bakas sa tono niya ang tuwa.

Hindi ko siya sinagot at nanatili akong naka-titig sa kaniya.
Wala naman akong dapat na sabihin. At higit sa lahat hindi ako komportable sa sitwasyon namin ngayon. Hindi ako mapakali.

"Well, alam mo...hindi ko talaga inaasahan na papayag kang sumana sakin." Napa-yuko siya. "Pero masaya ko."

Hindi naman siguro masama kung susubukan kong pakisamahan siya. Pero yung tanggapin ko ulit siya bilang kaibigan, mukhang umposible ata.

"Si Jerro.." panimula ko. "N-naka-usap mo ba siya?" Pinipilit kong wag mag-pakita ng emosyon.

Naging malungkot ang ekpresyon niya na para bang may na-alala siya.

"Ayos lang kahit hindi mo sagutin.." mahinang sabi ko at nag-iwas ng tingin.

"It's okay. Actually naka-usap ko lang siya ng hindi sinasadya. That time nung nasa bar kami ni Vince." Tumigil siya saglit na tila ina-alala yung nangyari. "Tinawagan niya si Vince, then ako yung naka-sagot."

Hinayaan ko lang siya mag-kwento.

"He said that he loves you so much. He even said that he is sorry..kasi hindi ako yung pinili niya." And with that, I saw sadness in her eyes.

Si Jerro pa din hanggang ngayon, Alex?

Nayon mas naintindihan ko na kung bakit sinabi mong nasasaktan ka.

Tumayo ako sa kinauupan ko. Sapat na yung narinig ko.

"Wait, Blue!" Hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako sa pag-alis. "Sa tingin ko kailangan niyong mag-usap.."

Sa di kalayuan ay naaninag ko si Vince na palapit sa pwesto namin ni Alex.

So..ito yung pakay niya right from the start.

"Uuwi na ko." Sabi ko at akmang tatalikuran sila pero pinigilan ako ni Alex.

"Ano..ano pa bang dapat na pag-usapan?" Sarkastikong tanong ko sa kanilang dalawa.

~*•*~

-*- Vince -*-

Ano nga bang dapat na pag-usapan? Ano nga ba, Blue?

Gusto ko lang naman itanong kung meron pa...kung meron pa bang pag-asa yung 'tayo'?

"Blue.."

Banggit ko sa pangalan niya.

Walang emosyon sa mata niya.

Bakit, Blue?

"Kung wala kayong sasabihin, aalis--" akmang tatalikod na siya at dun ko lang nagawang mag-salita.

"Tungkol sa pag-alis mo.." hindi ko alam kung bakit yon yung sinabi ko.

Halatang nagulat si Blue sa sinabi ko. Ibig sabihin ay wala siyang balak na ipaalam sa iba yung tungkol sa pag-alis niya.

"Nabanggit sakin ni Rion.." halos masamid ako dahil sa kaba. Hindi ko alam pero natatakot ako.

Huminga siya ng malalim bago siya seryosong tumingin sakin. "Hindi na ko mag-tatakha kung bakit niya sinabi sayo yung tungkol sa pag-alis ko. Pero Vince...wag ka na umasa kasi wala na. Walang wala na Vince...ayoko na." Bago siya tunalikod ay nakita ko ang pag-patak ng luha niya.

Kung ganon, sumuko ka na? Napagod ka na ba, Blue?

"Blue, wait!" Habol ko sa kaniya

Wala na nga ba talaga, Blue?

Sigurado ka bang wala na?

"I really need to go, if you don't mind.." aniya pa. Hinawakan ko ang kamay niya para mapigilan siya.

Ayokong umalis ka, Blue. Pwede bang dito ka na lang?

Kung sakaling hindi kita mapigilan sa pag-alis..

"Mag-hihintay ako. Hihintayin kita, Blue." Binitawan ko ang kamay niya at pinanood ko siyang lumayo sa kung nasaan ako.

Masakit pala talaga yung makita siyang lumayo.

~*~

Their Story: Operation Save YourselfWhere stories live. Discover now